Poccholo's PoV
"Gago!" Yan na lang nasambit ko sa tropa ko when I walked out of the karaoke room. Bakit? Kasi may mga babae!
"Cholo barkada din namin sila!"
"Sexy ang outfits?! Halos lumabas na kaluluwa??? Tropa?? Tangina hindi ganyan kilala kong tropa niyo Liam!"
"Come on bro. We just want you to have fun okay??"
"Fun?? Uuwi na lang ako"
"Kumakapit ka pa rin sa asawa mo? Hindi ka na nga maalala Cholo!" Sambit niya and all I was able to do was punch him
"Wala kang karapatang kwestiyunin yung kagustuhan kong manatili sa tabi ni Lisa. Wala!"
Aalis na sana ako but then the next words he spoke of made me frozen
"Do you even know na nililigawan ni Devin si Lisa?"
"What?"
"Hindi di ba? Tol ginagago ka na patalikod ng tropa natin di mo pa alam!"
Third person's PoV
Simula pa lang ng pagkakaibigan nila Lisa at Cholo, kitang kita na ng mga tropa nila na may gusto sila sa isa't isa. Si Lisa lang ang naunang umamin dahil medyo torpe si Cholo. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, Devin also admired Lisa at sa paulit ulit na pagsasama nila kapag may hangout ang barkada, nagkakausap sila, at nahulog ang loob ni Devin dito.
Umamin si Devin kay Lisa, kahit pa alam na niyang sila na ni Cholo. He risked his chance and she didn't accept him obviously.
Nanonood lang siya mula sa malayo habang masaya sa relasyon ang dalawa. Hanggang sa umabot pa nga sa kasal... na siya ang best man.
That same day, nangyari ang aksidente. He was unable to approach them both the same way... lalo na ng nalaman niyang nagkaamnesia si Lisa. He wanted to grab that chance. Pero matimbang pa sa kanya yung pagkakaibigan nila ni Cholo.
Not until three months ago. He decided to introduce himself again to Lisa, without Cholo knowing, he was just thinking that maybe... maybe this time he'll have a chance. At madalas na nga niyang niyayaya si Lisa para lumabas o magdinner. Lalo na pag alam niyang hindi na nito kasama ang asawang si Cholo.
Poccholo's PoV
"Ma... can-can I stay for the night?" Nanghihinang sambit ko sa nanay ko
"Cholo? Are you okay?" Sambit ni mama welcoming me with an embrace
"No... I'm not okay ma... I'm... I'm sorry I'm not okay..." sambit ko as I sob in my mother's arms
"Ssshhh it's okay not to be okay Cholo. It's okay"
"M-minahal ko lang naman si Lisa ma... bakit- bakit ang sakit sakit?"
"Halika na muna dito anak. You know mama's always here right? Kami ni papa mo. So if you can't go on... we'll be here to be your guide again... kaya mo yan Cholo"
I just cried my heart out in my mother's arms. Ni hindi ko na namalayang nakatulog ako sa bisig ng nanay ko. The next thing I knew, may kumot na ko sa sofa. My parents will always be my resting place... kasi... kasi hindi ko na talaga alam kung kaya ko pa... kung bibitawan ko ba... kung... kung kaya ko bang wala siya. Hindi ko na alam.
BINABASA MO ANG
My Idea of You
RomanceAll along ang alam mo lang sa sarili mo best friend mo siya. Not knowing that for years, he's been waiting for you to remember him as your husband Paano mo masasabing... tama lahat ng naiisip mo tungkol sa isang tao? Na kilalang kilala mo na siya? S...