Chapter 5

6 1 0
                                    

SEALED A CONTRACT TO THE EIGHTH-TAILED BEAST

CHAPTER 5: LIANNE MEETS HYDRO

LIANNE'S POV

Humikab ako saka inistretch ang mga kamay at bumangon mula sa pagkakahiga. Tinignan ko ang paligid ng silid na 'to na medyo madalim. Hindi ko rin mawari sa aking sarili kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at takot.

Tahimik ang loob ng kweba ngunit, bigla na lang may narinig akong kaluskos mula sa labas. Mayamaya, yabag ng mga paa ang aking naririnig na papalapit dito.

"Siya na kaya 'yon?" tanong ko sa aking sarili at dahan-dahan na tumayo. Huminga ako nang malalim saka sinimulang maglakad papalapit sa pwerta ng aking silid. Iwinahing ko gamit ng aking kanang kamay ang mga sea grass na naging kurtina o pantakip para hindi makita ang loob ng aking silid.

Dahan-dahan akong lumalakad sa hindi gaanong kaliwanag na pasilyo dahil tanging kulang asul na crystal lamang ang ilaw na naririto. Subalit, hindi iyon sapat para mas lumiwanag ang lugar. Habang naglalakad ako, may narinig akong ingay mula sa throne room ni Cilophyte.

Sa kasamaang-palad, habang papalapit ako roon ay bigla akong natalisud dahil sa madulas na daan.

Ang sahig kasi ng kweba ay laging basa at may iilang bahagi na may lumot.

"A-Aray!" pagreklamo ko na halos mangiyak-ngiyak na dahil sa may pagkalakas na  pagkadulas ko na kung saan, una talaga tumama ang aking pwetan. Bigla rin tuloy sumakit ang beywang ko.

•••

HYDRO'S POV

I was in his throne when I suddenly heard someone groaning in pain. I immediately follow that sound and it brought me to the hallway heading to Cilophyte' room.

My eyes squinted as I adjusted my sight. I saw someone moving. The moment I am near, I can see it clearer now. It is...a human...girl.

She looked up to see who was standing in front her. I was stunned for her beauty the moment she face me. However, due to her scream, bumalik ako sa aking katinuan.

"Halimaw!" sigaw niya.

Sa isip ko,"Totoo nga. May dinala si Cilo rito sa aming mundo na kung saan matagal na itong pinagbabawal at..." Napatingin ako sa kaniyang braso na may simbolo ng isang kraken. "...he made her his pet."

"Cilo, what have you done!"

Tumayo ang babae kahit na siya ay nahihirapan.

"L-Lumayo k-ka sa akin!" Tinalikuran niya ako at sinubukan tumakbo ngunit hinawakan ko ang kaniyang isang binti gamit ang aking buntot kaya siya ay nadapa.

"Saan ka pupunta? Kailangan ka dalhin sa palasyo," sabi ko sa kaniya.

"Bitiwan mo 'ko!" pagsigaw niya habang nagpupumiglas.

"Labag sa batas ng aming kaharian ang iyong presensya rito. Ngunit, alam mo na ang mundong 'to kaya kailangan kang patayin, babaeng taga-ibabaw." Seryoso ko siyany tinignan at hihilahin na sana ng bigla siyang sumigaw na naman.

"Cilo! Cilo! Tulungan mo 'ko!"

"Ang ingay naman ng babaeng 'to," sabi ko sa aking isipan. Lalapitan ko na sana siya upang pwerasahang kargahin at dalhin sa palasyo upang patayin na siya nang bigla may isang galamay ang pumigil sa akin mula sa pagkakalapit sa babae.

"Bitiwan mo siya...Hyro."

His gloomy and intimidating aura came to surface.

Inalis ko ang aking buntot na kanina'y nakahawak sa binti niya.

Hinarap ko siya at dinig ko naman ang pagtayo ng babae at napakapit sa dingding ng kweba.

"Cilophyte," banggit ko sa kaniyang pangalan.

•••

THIRD PERSON'S POV

Parehong nakakatakot na aura ang pinapakita ng dalawa. Parehong seryoso ang mga mukha nila na kahit anong minuto ay maaaring magkakaroon ng away sa pagitan nilang dalawa.

"I didn't remember that I summon you here, Hyro," sabi ni Cilo habang hawak ang mga crystal na mula sa luha ng mga sirens.

Inilapag niya ang mga ito sa tabi at hinarap si Hydro.

"As a general of this Kingdom, I will not require your invitation," seryosong sabi ni Hydro. "Lalo pa na, nilabag mo ang batas, Cilo," dagdag nitong wika.

"I just saved that human. I didn't abducted her or what!" naiinis na lintanya ni Cilo.
"Her kind is at fault here! They pushed her to be their sacrifice. I didn't do anything wrong" dagdag nitong sabi.

"Cilo," wika ni Lianne sa kaniyang isipan habang tinitignan si Cilo na sobrang seryoso ang mukha.

"Tama si Cilo. Tinulak ako ng isa sa taong pinagkakatiwalan ko habang nag-pe-perform kami sa dagat. At, hindi ko lubos na maisip, na ginawa nila 'yon sa akin, " wika ni Lianne sa kaniyang isipan at naiiyak na ito.

"You can just let her be, Cilo. You are fully aware that we should involve ourselves to them!" sabi ni Hydro.

Cilo just smirked. "Let her be?"

"How can I?" Sumeryoso muli ang kaniyang mukha. "When I know the feeling of being alone, the feeling of being... betrayed," dagdag nitong sabi habang kinuyom niya ang kaniyang kanang kamay.

"Cilo," wika ni Lianne sa kaniyang isipan habang dahan-dahan na tumutulo ang kaniyang mga luha. She was touched by his word. His words that seem so warm to hear. Ang pakiramdam na may namamalasakit sa 'yo. Sa totoo lang, he can just abandon her and let those sharks  take care of her. But he did not.  He chose to help her because he see himself to her. Being abandoned, alone, and betrayed by those people around her.

Nagulat si Hydro sa kaniyang narinig at saglit na napakunot sa noo ngunit inayos niya agad ang expression sa kaniyang mukha.

"Even though that's the case, doing so is against to our Kingdom. What if that girl will bring chaos to our world?" tanong ni Hydro kay Cilo.

Magsasalita na sana si Cilo ngunit biglang nagsalita si Lianne. Tinignan siya ng dalawa. Pinahiran niya muna ang mga luha at nagsalita na, "I don't want any casualties to happen. I admit it, I don't like this world...at first. I am scared because anytime, magiging pagkain niyo ako or kung ako ang gawin niyo sa akin. Pero, Cilo shown me the opposite. How can I bring misfortune to this world when I'm slowly adjusting myself here? My world above abandoned me and sacrificed me to this world. Wala na akong mapupuntahan pa. Cilo helped me. So, I want to return his kindness to me, someday." Itinaas ni Lianne ang kaniyang kanang palad sa ere. "I promise, hindi ako gagawa ng gulo rito. "

Ibinaba na niyang ang kaniyang kanang palad. " Magpapakabait ako. Susundin ko mga gusto niyo. Kung gusto niyo na rito lang ako, rito lang ako. Hindi ako aalis sa kwebang 'to para hindi ako makita ng iba," dagdag nitong sabi.

"She wants to stay... with me... by my side," wika ni Cilo sa kaniyang isipan habang pinagmamasdan si Lianne. Bigla na lang siya nakaramdam ng kakaiba sa kaniyang mga puso.

Bumuntong-hininga si Hydro. "Kahit kailan, sakit ka sa ulo, Cilo!"

Lumapit si Cilo kay Hydro. Ang kaninang nakakatakot at mabigat na aura na galing sa kanila ay nawala na.

"Hy-hy, pagbigyan mo na ako. Last na 'to," sabi ni Cilo habang nagpapacute kay Hydro. Tila para namang nasusuka si Hydro sa inasta ng kaniyang kaibigan.

"Tumigil ka!" naiinis na lintanya ni Hydro

"Eh? Ano ang nangyayari sa dalawang 'to? Ibang-iba sila kanina ah. Ngayon, para silang magjowa na sinusuyo ng isa ang tinotoyo," natatawa na sambit ni Lianne sa kaniyang isipan.

"At least, safe ako... sa ngayon," dagdag nitong wika sa kaniyang isipan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SEALED A CONTRACT TO THE EIGHTH-TAILED BEAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon