Chapter 1

6 2 0
                                    

SEALED A CONTRACT TO THE EIGHTH TAILED BEAST ✍🏻 genhyunzero9

Chapter 1: The Unusual Offering: Her Fate Has Sealed.

THIRD PERSON'S POV

Once a upon a time, there is a village who always experience a misfortune and devastation every once a year. This is due to the sea monster where they named it as Kraken.

Every year, when the Kraken attacks, the village along side the sea shore were ruptured and destroyed. Many villagers were dead once the Kraken doesn't like their offering.

That's why, before the Kraken will attack again their village, they prepared offerings like different dishes of sea foods, dances, singing and a wonderful performance that will be held on the sea, the surfing.

However, it is almost 3 years that the Kraken dislikes their offerings and performances. For this year, the village had appointed another chief of the village who can see the future of their village.

••••

CHIEF OF THE VILLAGE'S POV

"Chief, this is the last day for us to prepare? Ano po ba ang dapat natin gawin?" tanong ng isa sa mga elders.

"Ano po nakikita niyo sa propesiya?" tanong ng isa pa.

Narito kami sa malaking hut na kung saan ginaganap ang pagpupulong at pagpaplano sa lahat ng mga bagay na gaganapin sa aming village.

Saglit akong napapikit saka ko iminulat ulit ang aking mga mata.

"Bukas na gaganapin ang paghahandog para hindi tayo abalahin ng halimaw sa dagat, subalit may naisip ako," sabi ko sa kanila.

"Ano po 'yon?"

"Sabihin niyo po."

"Maliligtas po ba tayo sa isa pang plano na naisip niyo?"

Itinaas ko ang aking kanang palad upang sabihin sa kanila na tumahimik.  Tumahimik naman sila at natigil ang bulong-bulungan.

"Ayoko sabihin ang aking naisip at baka ito pa'y hindi matupad. Pagkatiwalaan niyo na lang ako," seryoso kong sambit sa kanila.

••••

ARAW NG PAGHAHANDOG

THIRD PERSON'S POV

Abala ang lahat sa kaniya-kaniyang paghahanda para sa gagawin na performance mamaya. May malaking at mataas na mesa na puno ng iba't ibang putahe. Inalay na rin ng iba ang kanilang magandang sayaw, pagkanta at pagplay ng mga tambol.

Ang huling gagawin na lang nila ay ang performance na gagawin sa dagat, ang surfing.

"Uncle, hindi ko kaya ang inyong pinapagawa," sambit ng kaniyang pamangkin.

"Bakit hindi? Para ito sa ikabubuti ng ating lugar!" naiinis na wika ng chief dahil sa pagtanggi ng kaniyang pamangkin.

"Pero, hindi ko kayang gawin ang pinapagawa niyo. Gusto ko si Lianne," pagtanggi nito.

"Si Lianne ang naisip ko sapagkat isa siyang dalaga na ubod ng ganda, maputi at birhen pa. Halos lahat kayong mga binata ay nagkakagusto sa kaniya pero wala namang balak ang dalaga na magkaroon ng kasintahan. Isa pa, muntikan mo na rin siyang gawan ng masama 'di ba?" saad nito sa kaniyang pamangkin na ikinatahimik nito saglit.

"Pero hindi ko naman tinuloy. May gusto rin aa akin si Lianne, sadyang nagkamali lang ako," sabi niya saka naglakad papalapit sa bintana ng kanilang bahay.

"Sam, makinig kang mabuti, alam kong magugustuhan siya ng halimaw sa dagat katulad ng pagkagusto niya sa ating mga alay subalit, alam kong may kulang pa sa lahat ng 'yon," sabi nito at lumapit sa kaniyang pamangkin. "Ang mag sakripisyo ng isang tao," dagdag nitong sabi.

SEALED A CONTRACT TO THE EIGHTH-TAILED BEAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon