Chapter 3

3 2 0
                                    

SEALED A CONTRACT TO THE EIGHTH-TAILED BEAST

CHAPTER 3: You're mine

LIANNE'S POV

He was walking with his eight tentacles on the ground stone while I'm just following him behind. My curiosity hits me so I asked him, "Bakit walang tubig itong loob ng kweba? Hindi ba nasa pinakailalim tayo ng dagat?"

"I extracted the water from the inside when you were still unconscious earlier. Why?" Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. "You want me to put them back?

Agad akong umiling-iling. "Hindi. Unless gusto mo ako mamatay. Hindi naman ako nakakahinga sa tubig unlike you," sabi ko sa kaniya.

"It could be. Unless you will drink my blood. And, it's black, " natatawang sabi niya.

Hindi niya pa binanggit na itim 'yon pero nandidiri na ako. Tinalikuran na niya ako at nagsimula ng maglakad.

"Pero paano siya?" tanong ko sa aking isipan habang pinagmamasdang likod niya pababa sa mga galamay niya. Muli na namang nanayo ang aking mga balahibo sa balat.

"And if you're thinking about me, I'm fine. Pumupunta naman ako sa tubig kapag nakakaramdam na ako ng uhaw at pagkatuyo sa buong katawan ko," biglang niyang salita.

Nanlaki lamang ang aking mga mata saglit dahil paano niya nalaman na may iniisip ako. Coincidence naman siguro 'yon no?

"Kaya ko kayang mamuhay rito?" tanong ko sa aking isipan at tinignan siya. "Tama kaya ang aking desisyon na manatili rito para hindi na muling magulo pa ang lugar namin?"

"Bahala na nga,"

THIRD PERSON'S POV

MORNING came and the people were waiting if the monster will attack. They feel the cold breeze coming from the sea and the waves are calm. It is then...the peacefulness that they been longing.

They feel happiness that they finally achieve the serenity of their village because of the sacrifice of a person. No monster attacks.

The chief of the village walk through the crowd. Nagbigay daan naman sila sa kanilang chief na nakatayo sa may dalampasigan. Inaabot ng alon ang kaniyang mga paa. Napatingin siya sa araw na unti-unti ng umaangat.

"Chief? Sa tingin niyo po, naging successful 'yong plano natin?" pabulong na tanong ng isang matanda kay Chief Pilantos.

"Wala bang ibang nakakaalam?" mahinang tanong niya habang ang kaniyang mga mata ay nasa malawak na dagat pa rin.

"Wala pong sinuman ang nakakaalam sa totoong nangyari," sagot naman nito.

"Si Sam?" tanong niya.

"Nakakulong po sa bahay niya. Nagluluksa sila pati ang mga kapwa nila surfer," sagot nito. Huminga lang ng malalim ang Chief at hinarap ang mga tao na nasa dalampasigan din.

"Chief, nagustuhan po ba ng halimaw ang mga handog natin?"

"Hindi na po ba niya tayo guguluhin?"

"Magiging tahimik na po ba ang lugar natin?"

Puno ng mga sari-saring tanong ang binabato sa kaniya at kalmado niya itong sinagot, "Sinisigurado ko sa inyo, magiging tahimik na ang lugar natin. Hindi na tayo guguluhin ng halimaw."

"Paano sa susunod na taon?" tanong ng isang lalaki sa kaniyang chief.

"Hindi ko pa masisigurado 'yan. Kapag may nakita na naman ako sa aking pangitain ay agad kong sasabihin sa inyo. Ngunit sa ngayon, hindi tayo guguluhin ng halimaw," mahabang lintanya nito.

"Eh paano naman si Lianne? Totoo bang wala na siya?"

"Oo nga po. Hindi niyo po ba hahanapin ang katawan niya?"

"Ang nangyari kay Ms. Sureska ay nakatadhana na sa kaniya. Isa itong aksidente. At isa pa, wala ng kasiguraduhan na makikita pa natin ang bangkay niya. Baka nga, kinain na 'yon ng pating or ng halimaw," wika ng right hand ng kanilang Chief sa lugar.

"Chief," pabulong na saad nito.

"Pinakamamahal kong mamayanan, lubos din ako nagluksa dahil sa nangyari kay Ms. Sureska. Maglalahad tayo ng dasal sa kaniya upang magbigay galang at pasalamatan siya sa kaniyang mga handog at sakripisyo para sa ating lugar," malungkot nitong saad ngunit isa lamang iyong balat-kayo.

•••

LIANNE'S POV

"Acho!" Tinakpan ko agad ang aking bibig bago pa ako makabahing. Baka kasi tumalsik pa ang laway ko sa kaniya. Agad kasi siya napunta sa harap ko dahil inaayos niya ang kama.

"Pinag-uusapan ata ako," sabi ko ngunit narinig niya pala ako.

"Sino?" tanong niya sa akin habang abala siya sa pag-ayos sa parte ng kweba na magiging silid ko.

Ang kama ko ay isang malaking kabibe na wala ng laman. Malaki ito na sakto lamang na mahiga ang buo kong katawan. Nilagyan niya pa ito ng iba't ibang malalambot na corals at sponge.

"Okay! This one will not hurt your back!" masigla niyang wika saka ako tinignan at ngumiti siya sa akin. Nakatitig lang ako sa maputi niyang mukha at kulay puti na buhok na may highlights na gray. Ang kaniyang silver gray na mga mata ay halos maningkit na dahil sa kaniyang pagngiti.

Umiwas lang ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya sinubukan ko na lang upuan ang kama. Nang makaupo na ako, napahawak ako sa baba kasi ang lambot at presko niya.

"Do you like it?" tanong niya sa akin at tumango  lang ako bilang sagot.

"Okay. I decorated everything here. I get some colorful sea grass to stick on the stone wall. You can also sit here." Tinuro niya ang isang flat na stone at may bintana na kung saan, nakikita ko ang labas na medyo madilim ang paligid at may mga isda. "If you want to look outside. It's not nice as you think," dagdag niyang sabi.

"And..." Tinignan niya ako habang ako nakatingala lang sa kaniya na nakaupo sa kama na gawa niya,"...thank you for staying here." Ngumiti siya kasabay ng pagkamot ng batok niya.

Tumikhim ako saka umiwas ng tingin sa kaniya at 'di na ako umimik.

"Don't worry. I'll take care of you because you're mine," sabi nito at pinagpatuloy na niya ang kaniyang ginagawa.

SEALED A CONTRACT TO THE EIGHTH-TAILED BEAST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon