"Nawala ba talaga ako o sinadya mong mawala ako sa'yo?" Umiiyak na tanong sa akin ng anak ko.
"H-hindi ko alam" tanging sagot ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Siguro nga... Siguro nga sinadya mo lang na mawala ako.. never mo naman akong ginusto, diba?" Pahina ng pahina ang boses niya. Tuluyan na ding tumulo ang luha ko.
"Hindi.. hindi naman sa ganyan. Mahinig ka muna sa akin anak, makinig ka muna" pagpapatahan ko sa kanya. Hindi ko siya mahawakan dahil lumalayo siya sa akin. Naaawa na ako pero paano naman yung nararamdaman ko?
"Ano pa bang kailangan kong marinig? Yung sabihin mo na hindi mo ako gusto? Sige! Sabihin mo na para matapos na lahat ng ito" sagot niya sa akin.
"Paano kung sabihin ko sayong hindi kita gusto?! Anong gagawin mo ha?" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Hindi ko na alam kung paano ko mababawi yon, hindi naman dapat ganon yon.
"Tignan mo na, tsk. Sana hindi mo nalang kasi ako hinanap. Sana pinabayaan mo nalang ako kasi kung tutuusin? Mas nahihirapan pa ako dito kaysa sa dati kong buhay! Mas nasasaktan pa ako dito kaysa noong nasa probinsiya ako! At kung tinatanong mo kung anong gagawin ko? Aalis ako! Uuwi ako sa tunay na tahanan ko. Hindi ko kailangan ng nanay, hindi ko kailangan ng pera mo. Kaya kong mabuhay ng wala ka" walang tigil ang pag buhos ng kanyang mga luha....
"Alam mo? Pinangarap kong makasama ka e.. pinangarap kong makita ka, gabi gabi kong iniisip na kung paano kaya kung nayayakap na kita? Pero lahat ng iyon, sinira mo. Nag kamali ako. Akala ko magiging masaya ako kapag kasama na kita pero hindi pala. Maraming salamat sa lahat ng binigay mo. Paalam" saad pa niya bago siya lumabas ng kwarto.
"Anak saan ka pupunta?!" Sigaw ko habang sinusundan ko siya palabas ng bahay.
"Sa lugar na hindi na ako masasaktan. Sa lugar na hindi kita kasama. Magiging masaya ka na kase aalis na ako. Mahal kita, kahit anong mangyari."
Iyon ang mga salitang paulit ulit kong naririnig simula ng umalis siya dito sa bahay. I miss her. I miss her so much.
Date Started: August 15, 2022
Coming soon...
YOU ARE READING
Away From You
FanfictionIn this kind of world, you are the bravest if you won't give up. In a world full of exhaustion, everyone must have their own rest, their own safe place because if you do not have one, poor you. I know the feeling, because I do not have one... I on...