04 - Knew

647 31 9
                                    

- MAYA KNOWS -

IRENE

We arrived at our house at exactly eight in the morning. Nadatnan ko si ate Imee at Eya na kumakain sa dining room. I walked towards them.

"Oh hi! Mabuti umabot ka sa breakfast" Manang Imee said, she stood up at kumuha siya ng pinggan para sakin.

"Ay sorry, medjo natraffic kasi" I reasoned, tumabi na ako kay Eya na parang kakagaling lang sa pag-iyak kaya tahimik siya.

Anong nangyare dito?

"Hey" I said, enough for her to hear me. "Hmm?" She responded but she didn't look at me.

"Why are you so tahimik? You're not giving me attention, love" I said, she chuckled softly but didn't say anything.

Eya continued her food and suddenly excused herself kasi tapos na daw siya.

Tumingin ako kay ate Imee with a confuse look but she just shooked her head. What's happening?

"What happened to her?" I asked directly, tumingin muna siya sa akin bago siya nag salita.

"She knew that you're lying" mahinang sabi ni ate. Lying? About what?

"Huh?" I asked, confused.

"Alam niyang nagsisinungaling ka kanina. Halata daw. Bakit ka ba kasi punta nang punta sa Maya na yon? Ka-ano-ano mo ba yon?" Sabi niya at nagtanong.

Napalunok ako ng sarili kong laway.

"I.. I don't know" I answered, she rolled her eyes at tumayo na din pero bago siya makalabas ng dining room ay tinawag ko siya.

"Can we talk later? I have something to tell you" sabi ko. Tumango lang siya.

Simula nung bumalik si Greggy sa California, dito na tumira si ate. I was so devastated that time. He said, he's having a business trip pero its been four years since he left. Walang kahit anong paramdam. Hindi ko alam kung hiwalay na ba kami or kung may hinihintay pa ba akong bumalik.

Tinapos ko na din ang pagkain ko at pumunta ng kwarto para magbihis.

Dumaan muna ako sa kwarto ni Eya pero naka lock ito kaya bumaba na din ako. I saw ate Imee, sitting on the couch.

"Ate" I called her attention. Sinarado niya ang kanyang laptop at tumingin sa akin, I smiled. She smiled also.

"Anong pag-uusapan?" Ate asked, I don't know how to start this. Its been 14 years nung last naming pinagusapan si Candice.

"I w-want to find her again... Can we open again the case?" I said, stuttering. My tears are forming in my eyes but I am trying my very best para hindi tuluyang tumulo.

"Of course, if that's what you want. Actually, hindi naman ako tumigil sa kakahanap sa kanya." Sabi niya sa akin, I got confused. I thought the investigation ended 14 years ago, a year after niya mawala.

"You've been investigating? Until now?" i asked

"Yeah" she said as she nodded her head.

My tears are now falling in my face.

"Thank you, thank you" I said, she pulled me into a tight hug. I'm just so lucky to have her with me.

"We will start tomorrow, agad agad" I said, she smiled at me.

"Finally" sabi niya.

Maya

Bukas ang uwi ko sa Pampanga, wala akong sinabihan na kahit na sino doon. I want to surprise her. Kahit na si Kyla, my younger sister.

Nasa school parin ako ngayon at hinihintay nalang namin ang last subject tapos pwede nang umuwi. 30 minutes na nga siyang late, sana cancelled ang klase niya.

"Excuse me" biglang pumasok ang isang student sa room namin. I think fourth year college na siya.

Tumingin kaming lahat sa kanya. "Pinapasabi ni mr. Roxas na you can go home na daw. Meron siyang biglaang meeting kaya hindi na siya makakapasok sa klase niyo" sabi niya. Yung ngiti ko parang abot hanggang tenga.

Thank you, Lord! Pinakinggan niya ang aking himihiling

Nagpa thank you lang ang mayor namin sa kanya at umalis na din siya.

"Maya!" Tawag ni Jaja sakin, tumingin naman ako sa kanya

"Uuwi ka na? Ang aga pa, kain muna tayo" sabi niya sa akin

"Ah oo, sa susunod nalang ako ha. Mag-aayos pa ako ng gamit, uuwi ako kila mama" sabi ko sa kanya, tumango tango naman siya at umalis na.

Nakakapanibago yun, hindi na siya nangungulit ngayon. Dati kapag humindi ka, pipilitan ka niya. Pero ngayon kapag sinabi mong hindi, hindi.

Umuwi na ako agad ng bahay para mag-ayos ng gamit. Agad ko din naman natapos ito kaya naisipan ko na ngayon nalang umuwi. Hindi naman ako aabot ng gabi.

I locked my room at bumaba na. Sakto, may dumaang bus kaya nakasakay ako agad.

Alas singko na ng hapon nang makarating kami sa Pampanga. Bumaba na ako at sumakay nalang ng jeep papuntang Macabebe, Lugar kung saan kami nakatira.

Nakita ko na agad sina mama at ibang ninang ko sa tapat ng bahay namin, nagkkwentuhan.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila para isurpresa siyang nakauwi na ako pero hindi ko inaasahan ang maririnig ko.

"Oh i Maya? Kapilan mu kaya rugu sabyan keng anak ayta?" (Oh si Maya? Kailan mo kaya sasabihin sa batang yon?) Tanong ng isang kausap ni mama. Napatigil ako sa paglalakad at nagtago sa tabi nilang puno.

"Nanu namang sabyan ku?" (Ano namang sasabihin ko?) Sagot ni mama. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko nakikita ang expression ng mukha nila.

"Na ampun ya" (na ampon siya) biglang tumulo ang luha ko dahil sa narinig ko.

"M-ma" sabi ko, tumutulo ang luha. Nakitang kong tinakpan ng kausap niya ang kanyang bibig at si mama naman ay gulat na gulat.

"Anak, atsu naka pala" (andyan ka na pala) she's acting normal now.

"Wag mo po akong tawaging anak, hindi mo naman po ako anak diba?" I said, smiling bitterly.

"Ano bang sinasabi mo? Gutom ka ba? Tara kumain na tayo. Hindi ka man nagsabi na uuwi ka pal-" I cut her off.

"Narinig ko po lahat! Ampon lang ako diba? Ampon lang ako! Ang galing mo mag acting ma, napaniwala mo ako! 18 years.. 18 years mo na akong niloloko..." As tears flowing in my eyes, my heart is breaking as well.

Hindi siya makasagot.

"P-paano? All these time, wala akong ka-alam alam sa nangyayare. Wala akong alam! Karapatan ko yun e.. pero pinagkait niyo" sabi ko pa.

"Paano mi nakayanan na itago sakin yun?"

"Kasi mahal kita Maya.. Hindi ka man galing sa akin pero mahal kita ng buong puso. Hindi ko sinabi sayo kasi ayokong maramdaman mo na hindi ka parte ng pamilya. Na hindi mo isipin na hindi naman kita anak. Anak kita" sabi niya.

Nilagpasan ko siya at pumasok ako sa bahay. I didn't know anything about this. Ang alam ko kauwi ko ay magiging masaya. Kung alam ko lang, nag stay nalang ako sa Manila. Sana hindi ko to nalaman. Sana hindi ako nasasaktan ngayon.

"Ate?" Kumakatok si Kyla. I opened the door for her at agad ko siyang niyakap.

"I miss you.. and maybe goodbye" I whispered.

...

Away From YouWhere stories live. Discover now