Mirah's POV
"WELCOME TO AFEWA ACADEMY"
Napangiti ako nang malawak ng sambitin ni sir Yiroki ang mga bagay na yan..
"So now, bago kayo makapasok ay kailangan niyo munang sumailalim sa isang test, at dito makikita kung saang level ba kayo nababagay" napasimangot agad ako sa sinabi niya
Hindi naman ako na inform na may entrance exam pala dito, ade sana nag review ako.
"Wag kayong mag alala, hindi ito exam na kailangan niyong sagutan.. wala kayong ibang gagawin kung hindi ang pumila at isa isang pumasok sa loob ng mga bagay na iyon" bigkas niya sabay turo sa apat na room na parang sa mga lalagyan ng telephone sa ibang bansa.. ahh basta hindi ko alam tawag don. Ang pinagkaiba lang ay walang telephone sa loob at transparent lang siya na may pinto papasok at palabas.
"I was expecting all of you guys to have the transparent bracelet with you, nasa loob yon ng box na natanggap niyo at kasama sa rules na kailangan niyo itong dalin pag punta dito sa Academy"
"I want you all to wear that bracelet before you fall in line and go inside the room" dugtong pa niya.
Naalala ko na nakasulat sa note na ipakita ang bracelet na yon sa guard para mapatunayan na student ka dito. wala naman ako guard na nakikita, pero sinalubong naman na kami ni Sir Yiroki kaya hindi ko na ito nilabas kanina..
Agad ko din naman hinanap yung bracelet sa bag ko, hindi naman ako nahirapang maghanap dahil alam ko kung san ko nilagay. agad ko itong sinuot at lumingon kay Anizea na hindi maipinta yung muka.
"Anong problema?" tanong ko sa kanya
"Hindi ko makita yung bracelet ko eh" nakangiwing sabi niya habang nag hahalungkat sa bag.
"Nakoo, sigurado ka ba na nadala mo?" nag aalala na din na tanong ko ..
"Sa pagkakatanda ko nilagay ko yun dito sa bag ko kasabi eh" sagot niya.
"Amina nga tulungan na kita" sabi ko at lumapit sa kanya. "abot mo sakin yung iba mong gamit isa isa para makita mo mabuti" sabi ko pa sinunod naman niya ako at isa isang binigay sakin yung mga dala niya, nalaglag yung isa sa inabot niya kaya umupo ako para kunin yon.
Napasapo nalang ako sa noo ko nang mapatingin ako sa paa niya.. ginawa ba namang anklet yung bracelet.
"Hindi mo talaga makikita sa bag mo yung bracelet at ginawa mo palang anklet" natatawa nalang na sabi ko.
"Ay! hehehehe nakalimutan ko, nilagay ko nga pala kanina jan nung nasa bus tayo, sorry hehe" sabi niya habang kinakamot ang ulo.
"Oh siya ibalik mo na tong gamit mo at tara na" sabi ko. pagtingin ko sa harap ay nakapila na silang lahat bukod samin ni Anizea.
Nakita din naman agad ni Anizea kaya madali niyang kinuha yung bracelet sa ankle niya at sinuot.
"Let's go" sabi niya sabay hila sakin sa pila.
"Mauna ka na" sabi ko nang makarating kami sa pila
"You sure? kasalanan ko na nga kung bakit ka nahuli sa pila eh" sabi niya
"Okay lang di naman ako nagmamadali" sabi ko at pinapila na siya sa harap ko.. so bali ako ang nasa pinaka dulo at nasa pang apat na line ako.. Hinati din sa apat yung pila since apat din yung rooms.
Napatingin ako sa harap ng sabihin ni Sir Yiroki na pwede na pumasok sa room.
Pumasok na sa loob yung apat na nasa harap ng line. Pagpasok nila ay parang may puting liwanag na nag scan sa katawan nila pagkatapos non ay umilaw ang mga bracelet nila. Pagkatapos ng liwanag ay nagbago ang kulay ng mga bracelet na suot nila. Ang dalawa sa kanila ay yellow ang isa ay blue at ang isa pa ay red. sinenyasan sila ni Sir Yiroki na lumabas na at pagkatapos ay ang kasunod naman sa pila ang pumasok. Ganon pa din ang nangyari may liwanag na parang nag scan sa kanila at nagbago ang kulay ng bracelet nila.
BINABASA MO ANG
AFEWA ACADEMY (The History of Elements)
FantasiShe's been living for 17 years as a normal person. A victim of bullying and it is because her mother always tells her to hide her true face so she lived her life in disguise. She always asks her mother why she needs to disguise but her mother always...