[ 11 ]

17 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Mayari, Goddess of moon at isa sa mga anak ni Bathala, ang pinakamalakas sa magkakapatid.

Isa siya sa pitong buwan na gustong kainin ni Bakunawa ngunit hindi ito magawa-gawa ni Bakunawa dahil binabantayan ito ni Bathala at ng dahil narin sa ritwal ng mga tao pangontra sakaniya kapag nagiging iba ang buwan.

Isa sa pinakamalakas, na kahit si Diwata, Apolaki at Bakunawa ay walang match, medyo delikado ang isusunod kong itatapat sa kaniya pero walang masama kung susubukan.

The Chemist, the Director of war, one of the fiercest General in the Philippines in his time.

Siya ang lumaban sa mga Amerikano ng walang katakot takot bago pa ito ponatay.

"General Antonio Luna! Ikaw ang pinipili kong susunod na lalaban! Lalabanan mo si Mayari." Wika ko sakaniya.

"Hmmm, napakadaling kalaban naman yan Hesuwo, gusto ko sana si Bathala ang makakalaban ko." Sagot naman agad niya.

"Wag ka munang mangarap ng mataas Heneral, si Mayari ang naka set na lalaban sa mga Gods, gusto kong ikaw ang tatapat sa kaniya."

"Wala nakong magagawa pa, sige lalabanan ko si Mayari."

"May tiwala ako sayo Heneral."

Kung nasaksihan namin na malakas si Juan Luna na kapatid niya, tiyak na mas magiging maganda ang matutunghayan namin dito sa laban ni Heneral Luna.

Minsan mo nang iniligtas ang mga Pilipino Luna, sana mailigtas mo silang muli ngayong pagkakataon.

"Match set, Mayari v.s. Heneral Luna bukas sa match number five."

Lamang sila three to two, isa nalang na panalo makakadikit kami, sana talaga Heneral.

Maraming tao ang nakasalalay sa kakayahan mo, at isa na akong umaasa sa lakas mo.

Kinabukasan~~~

"Ladies, Gods and gentlemen! Ito na ang Ikalimang araw at ang ikalimang laban para sa Tournament na ito!"

"Para sa Gods Side, ang lalaban ay ang isa sa pinakamalakas na anak ni Bathala!"

"MAYARI!"

"Si Mayari?"
"Nako, may dugong Bathala yan!"
"Walang makakapantay sa lakas ng mga anak ni Bathala!"
"Delikado ata tayo ngayon."
"Magtiwala nalang tayo sa susunod na lalaban para sa atin!"
"Oo nga, wag mawalan ng pag-asa!"

"At sa Heroes Side naman, kilala o Pinangalanan siyang Artikulo Uno ng dahil sa kadakilaan at pagsunod sa Batas ng Sandahang lakas ng Pilipinas."

"Isa sa pinakamagiting na Heneral ng Pilipinas!"

"Heneral Antonio Luna!"

"Isang...Luna na naman ang lalaban?"
"Galingan mo Heneral!"
"Kaya mo yan Heneral!"

"Hmm, napakasarap malanghap muli ang sariwang hangin ng Pilipinas." Salita ni Heneral Luna habang naglalakad papunta sa gitna ng Arena.

"Heneral Luna, balita ko magiting ka daw, at walang takot na nilabanan ang mga Amerikano sa pananakop ng Pilipinas, tignan natin kung uubra ka sakin."

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now