Bathala's POV
Hindi pa nagsisimula ang laban, ramdam ko na ang kaba ni Hesuwo na matatalo ang mga hero niya HAHAHAHA!
"Wala na ding magpapa-hirap sa mga gods na iligtas at tulungan ang mga walang utak na mga tao na 'yan."
"Bathala." Nagulat ako habang naglalakat papasok sa silid ng mga Gods nang biglang may tumawag sa'kin.
Pamilyar ang boses na ito, at siya nga yun. Si Sitan, ang dark god.
"Ahh, Sitan nandito ka pala." Agad naman na bati ko kaagad sa kaniya.
"Baguhin mo ang desisyon mo, at ako muna ang palabanin mo." Wala nang paligoy-ligoy pa na salita nito.
"Sira ka ba Sitan?"
"Ikaw ang sira Bathala, hindi mo ba alam na kapag namatay ka, wala nang maghahari at magtatanggol sa mga kawawang tao na 'yan?" Wika nito.
"Ito nga ang dahilan kung bakit ko tinanggap ang hamon ng Hesuwo na 'yun, nasa kunseho ka ba 'nung pinag usapan 'to? O inuna mo pa yung kasamaan mo?"
"HAHAHAHA! Alam ko naman na may pagmamalasakit ka parin na natitira sa mga tao." Wika nito. "Alam 'kong hindi mo hahayaang pag-harian ko ang pilipinas pero sa kasamaang paraan, tama ba ako? Hindi mo parin ba na gets ang ibig 'kong sabihin?"
"Pag-harian mo kung gusto mo Sitan."
"Kung sisirain mo naman ang pilipinas, hindi rin kita hahayaan sa gusto mong gawin, kakampi ako sa mga tao at kay Hesuwo kung gagawin mo ang bagay na 'yan." Wika ni Sitan
"Buo na ang desisyon ko Sitan, hinding hindi mo na ako mapipigilan sa gusto 'kong mangyari!" Salita ko naman.
"Alam mo namang sa pilipinas lang ako makakapag hasik ng kadiliman, pag winasak mo ito, parang winasak mo na dinako, kaya humanda ka Bathala, ikaw ang bahala." Agad siyang umalis ng biglaan.
May punto din naman yung Sitan, pero hindi niya ako mapipigilan sa binabalak 'kong gawin sa pilipinas, nandito na 'to, kailangan ko nalang tapusin 'to.
"Kahit ako, kakampi din sa mga tao pag ganyan ang balak mo." Wika naman ni Mapulon habang naglalakad papasok ng silid.
"Bakit hindi kayo sang-ayon sa plano ko? Ako ang Supreme God dito! Hindi niyo ako mapipigilan sa mga balak ko!"
"Ma-aaring hindi, supreme ka ng gods of all gods pero hindi ka superior god kagaya ng ama mo, siya parin ang susundin ko." Paliwanag ni Mapulon.
May mga punto ang sinasabi nila, pero mapapahiya ako kay Hesuwo kapag umatras ako sa binabalak ko, ma-aaring hindi naman lahat nggods ang tutol sa plano ko, pero merong iilan.
"Pag-isipan mo ng mabuti 'yan Bathala, kung itutuloy mo, tiyak may babalaking masama ang Sitan na 'yun."
"Itutuloy ko parin 'to, at hindi ko hahayaang magagawa ni Sitan ang na-aayon sa kamay niya!" Agad ko namang sagot at sabay lakad papasok ng silid.
Pero may isa pang boses akong narinig. "Ikaw ang bahal Bathala, ikaw Gods of All Gods, sa ngayon! BWAHAHAHAHA!"
Ang boses na 'yun ay walang duda na kay Ligaw na Kaluluwa.
"Pati ikaw?!"
"Bahala ka Bathala!" Wika nito at tuloy tuloy lang na pumasok sa silid.
Basta, wala akong balak na umatras, wala din namang hihigit sa lakas ko, pero ang Sitan lang na iyon ang pinaka problema.
Susubukan ko parin, gusto kong manalo sa laban na 'to, bahala na! Baka mag-bago din ang isip ko bukas, pero kapag hindi wala din naman akong maga-gawa.
"Kahit ako tutol!" Nagulat na naman ako at may nagsalita pa ulit sa likod ko. Napalingot ako at nan-laki ang mga mata ng makita ko kung sino ang nagsalita."Hindi ganito ang gusto 'kong gawin mo sa mga tao, alalahanin mo kung bakit kita inilagay sa posisyon na 'to Bathala!"
"Hindi ito ang gusto 'kong makita! Hindi ito ang dahilan kung bakit ibinigay ko ang kalahati ng kapangyarihan ko sayo!" Galit na galit na salit ni ama at uma-apoy ito sa galit.
"Nasimulan na namin ito ama! Ano pa ba ang magagawa ko? Pangalan ko ang nakasalalay dito! Bakit niyo ipagtatanggol ang mga walang utak na tao na 'yan?" Mataas na boses din na sagot ko sa kaniya.
"Hindi mo parin maintindihan ang tinutukoy ko Bathala, pag ipinagpatuloy mo pa, kakampi din ako sa mga tao, at magiging kalaban ka ng ibang mga god dahil sa mga baliktad na plano mo." Agad itong umalis ng dahil sa galit.
"Ama, nakakapagod intindihin ang mga tao, ilang beses na din namin silang tinulungan, pero tignan mo nang-yayari sa pilipinas? Hindi parin uumaayos! Kaliwa't kanan parin ang kasamaan!"
"Kagagawan ni Sitan yun Bathala, hindi mo parin ba alam?" Kapag puro kabutihan lang ang nangyayari sa binabantayan mo, sa tingin mo, may trabaho kayong lahat? Gusto niyo wala kayong ginagawa? Kahangalan na pag-iisip yan Bathala!" Napatigil ito sa paglalakad at nagsalita muli."Kung alam ko lang na hindi mo tutuparin ang pangako mo, hindi ko na ibinigay sayo ang kalahating ng kapangyarihan ko!" At umalis na kaagad ito.
"Hidni niyo parin ako mapipigilan ama!"
"Napakatigas ng ulo mo Bathala, pag 'yan ang binabalak mo, uunahan kang wasakin ni Sitan ang Pilipinas, dahil busy kayo sa pakikipag laban dito, lalo hindi siya kasama sa lalaban."
Wala akong pake kung mauuna siya, pero itutuloy ko lang 'tong balak ko at hindi ako magpapa-pigil kahit kanino!
YOU ARE READING
Battle Between Gods and Heroes
FantasyMaraming Typo Tagalog-English Grammar Errors at least 1000 Words per Chapter Rush story My First story Hope y'all like it :< Enjoy reading even this story is so boring --- The Gods of the Philippines wants to end the lives of filipinos because of vi...