Hesuwo's POV
"Hah, isa ka lamang hamak na tao, wala kang laban sa mahika ko!" sigaw ni Manggagaway habang itinapon ang kanyang manikin sa lupa.
Unti unting lumaki at nagkakaroon ng kulay pink na apoy ang manikin na hawak niya kanina, triple na yata ang laki nito sa tao.
"Caster karin pala, tama nga ako! Noli Me Tangere: Forbidden Word!" Agad nitong itinuro ang teddy bear na tumatayo at biglang napaluhod ito, nawala ang umaapoy na aura nito at napayuko na lamang na parang isang laruan.
"Pareho tayong Caster, pero hindi mo makakaya ang taglay kong kapangyarihan! Tibbers, forward!" Inutusan nito ang Teddybear niya na nagngangalang Tibbers na umabante.
"Noli Me Tangere: Reflect Barrier!" Nasangga nito ang ginawang atake ng Teddybear sakaniya."Na eexcite karin ba Manggagaway?"
"Galingan mo para mas masiyahan ako! Tibbers! Blue Flame Fist!" Agad na sinuntok ni Tibbers si Jose Rizal ngunit naka ilag agad ito.
"Ayokong matalo, kaya papantayan ko ang alaga mo, El Filibusterismo: Summon Night Witch!"
Nagulat si Manggagaway sa kaniyang nakita, ito ay ang kapatid niya na matagal ng nawala dahil sinunog ng mga tao ang bahay nito, pagkatapos nun, wala ng nakaka alam kung saan napunta ito o baka nasunog.
"K-Kapatid!"
Si Rizal ay may dalawang librong hawak, Noli Me Tangere ay para sa pag atake...mga mahika, pwede niyang gamitin ang salita niya at nangyayari kung ano man ang sinasabi niya sa target niya.
El Filibusterismo, isang libro na kayang kopyahin ang anyo ng kung sino man sa pamamagitan ng malawak na kaisipan ni Rizal, ibig sabihin...si Rizal at ang mga Libro niya...ay Connected.
"Namiss mo ba siya Manggagaway?"
"I-Ikaw...Alam kong hindi siya totoo!" Sigaw ni Manggagaway na nagagalit.
"Hindi? Kaya ko siyang hawakan!" hinawakan ni Rizal ang balikat ng Night Witch at may ibinulong ito."See? Nakikinig din siya, kaya totoo siya!"
"HINDI SIYA TOTOO!"
Ang galing ng bluff idea ni Rizal, naisahan niya si manggagaway upang maging agresibo ito at madali niya ng malaman ang kahinaan nito.
Mahusay ka Rizal, matagal kanang namaalam, pero ang nadala mo parin ang katalinuhan mo sa modernong panahon na ito, nakaka bilib ang Mind Games mo.
"Tibbers! Blue Flame Round House Kick! Ipatama mo kay Rizal!"
"Oh, naniniwala karin na totoo siya!" sabi nito qt sabay talon sa gilid."Night Witch, ipakita mo sakaniya ang totoo mong kapangyarihan!"
"Tibbers! Blue Flame Poison Breath!" Nagpalabas ng kulay asul na apoy sa bibig ni Tibbera at isa ulit itong lason, tinamaan ang Night Witch at si Rizal.
Hindi gumana ang unang poison na ginamit ni Manggagaway kay Rizal kanina, tiyak hindi din uubra ang poison ni Tibbers sakaniya.
"Hindi ka talaga natututo Manggagaway!" Tumayo lamang si Rizal at pinagpag ang Tuxedo nito."Di na tatalab ang lason mo, pero ang mahal mong kapatid...nako kasalanan mo 'yan!"
Tiningnan ni Manggagaway ang Night Witch at nagulat ito sa nakita niya.
"K-kapatid!" Sabi nito habang kita sa kaniyang mga mata ang pag-aalala."I-Ikaw, tatapusin na kita Rizal! Tibbers! Blue Flame Fist at agad mong samahan ng Round House Kick!"
"Oooh, talaga naman oh!" nailagan na naman ni Rizal ang suntok at ang sipa.
Ngunit nagulat ito ng humarap na sa kinatatayuan ni manggagaway, napansin nitong may mga karayom na itinapon ng mabilis si Manggagaway at tumama ang lahat ng ito sa katawan niya.
"P-Puro na naman lason!" Napaluhod at namilipit na naman sa sakit si Rizal.
"Ipinatama ko na ang lahat ng 'yan sa kasulok-sulukan ng iyong mga ugat, tignan ko kung makaka bangon kapa sa lasong iyan! Tibbers! Tapusin mo na siya!"
"RAAAAAWWWWR!"
"Zap Bat!"
May biglang nagpatigil sa ginagawang atake ni Tibbers, ang Night Witch.
"Wag mo siyang saktan kapatid, hindi mga tao ang gustong pumatay sa akin dati, kundi ang mga kapwa mo Gods!" Wika ng Night Witch.
"K-kung ganon...S-sinong panginoon ito?"
"Si..." Hindi pa natapos sa pagsasalita ang Night Witch at agad itong natumba at hindi na kumibo.
"Ahhhh, magaling magaling Manggagaway." Tumayong muli si Rizal at iginalaw galaw nito ang kanang kamay na tilo nag iistretching."I admit, magandang atake yung ginawa mo, pero sa sinabi ko na...hindi tumatalab ang lason sa katawan ko!"
"B-Buhay ka parin?! Pwes tatapos na agad kita! Tibbers!..."
Hindi pa ito natatapos sa sinasabi niya inunahan na agad ito ni Rizal."Noli Me Tangere: Infinite Bullets!"
"A-Anong..." Napatakbo na lamang si Manggagaway sa likod ni Tibbers at ipinasalo ang lahat ng bala kay Tibbers.
"Ilabas mo ang tunay mong lakas Manggagaway! Alam kong natatakot kalang ilabas ito dahil sa kapatid mo kanina! Ngayong wala na ulit siya, pwede mo ng simulang ilabas ang itinatagly mong lakas!"
"Kung...ganon ang gusto...mo! Hmm, HAHAHAHA, pagbibigyan kita Rizal!" Agad na ngumisi lang ito kay Rizal.
Nagulat ang lahat ng may kinuha itong dalawang manika sa likod niya.
"Needle Strikes!"
"Noli Me Tangere: Double Barrier!" Itinuro nito ang pwesto ko matapos nitong mag cast ng spell.
Nagkaroon ng Barrier si Rizal Pati narin ako.
"Alam ko ang gagawin mong atake Manggagaway, nabasa na kita, nag research ako bago kita makaharap!" Paliwanag ni Rizal habang naka luhod.
"A-anong sinabi mo???"
"Hindi na bago sakin ang mga atake mo!"
"Kung ganon, kailangan ko na talagang ilabas 'to!" Pumikit ito at biglang lumutang sa ere na tila walang ka bigat bigat ang katawan niya.
Nagkaroon din ito ng aura na kagaya ng kulay ni Tibbers kanina ngunit papalit palit na Blue at Pink yung sakaniya.
"Tiyak na ngayon na hindi mo 'to alam na kapangyarihan ko Rizal! UNLEASH THE INNER BEAST!"
Biglang lumaki ang aura na nakapalibot sa kaniya at unti unting nag iiba ang anyo nito, humaba ang mga paa nito at naging isa na tila ba naging isang buntot ng ahas na napakalaki.
Humaba din ang kaniyang mga buhok lampas sa sukat ng paa niya nung anyong tao pa siya, meron ding lumabas na tungkod sa may gilid nito.
Nagkaroon na ito ng korona ang ulo nito at kulay asul na ang kaniyang mga mata.
"Humanda ka Rizal! ito ang tunay kong Anyo!" Itinuro niya si Rizal gamit ang kaniyang tungkod at may inilabas na manika sa kabila nitong kamay.
"Manik na naman, hmmm, HAHAHAHA"
Anong iniisip ni Rizal, alam ko kinakabahan din siya sa anyong ganito ni Manggagaway.
Ngunit bakit niya pa gustong ilabas ni Manggagaway ito? Nag ma-mind games ka parin ba Rizal?
Nakaka baliw isipin kung anong pinaplano mo, basta may tiwala parin ako!
"B-bakit ang pangit ng t-totoong a-anyo niya?"
"Oo nga....kadiri naman!"
"Lagot na, nararamdaman ko na ang tunay niyang lakas."
"KAYA MO PARIN YAN RIZAL!"Kahit ang mga manonood na tao, ramdam ang tagly na lakas ng isang Manggagaway.
Ingat Rizal, umaasa parin kaming lahat sayo!
YOU ARE READING
Battle Between Gods and Heroes
FantastikMaraming Typo Tagalog-English Grammar Errors at least 1000 Words per Chapter Rush story My First story Hope y'all like it :< Enjoy reading even this story is so boring --- The Gods of the Philippines wants to end the lives of filipinos because of vi...