[ 10 ]

13 3 0
                                    

Hesuwo's POV

"H-Hindi! Hindi maari ito! Balagtas!" Wika ko habang naluluha sa pagkatalo ni Balagtas.

"HAHAHA! Kahit anong gawin niyo, hinding hindi kayo mananalo sa mga Gods!" Tuwang tuwang sigaw naman ni Diwata.

"3 to 1 na Hesuwo, hanggat maaga pa, sumuko na kayo upang hindi ka maistress masyado siyan, mas maiistress kapa lalo pag nagpatuloy pa ito!" Wika naman ni Bathala habang nilalaro laro nito ang tungkod niya.

"Kahit anong mangyari Bathala, hindi ako susuko, Alam namin na kaya namin kayong talunin!" Sagot ko naman.

"Hmmm, ikaw ang bahala." Dagdag nito at napatingin siya sakin.

Hindi ko na siya pinansin at bigla akong nagulat, hindi lang ako, pero ang lahat ng may taong naka sandal sa Entrance ng Heroes side.

"Masaya ka yata, Diwata."

"P-paanong..." gulat na gulat ito sa nakita niya.

"B-Balagtas! Buhay ka!"
"P-paano nangyari yun? Naging bato na ang katawan na nasa gitna ng arena!"
"Oo nga!"

Gulat na gulat ang mga reaksyon ng mga Gods at mga tao ng nakita nilang nakatayo parin ai Balagtas sa Entrance ng Heroes side.

"Ang lakas mo diwata, nagawa mong patumbahin ang clone kong ginawa!" Nakangiting sabi nito habang naglalakad papuntang gitna ng arena.

"I-Ibig mong sabihin...Clone...lang ang nakalaban ko?"

"Tama, naisahan ba kita? HAHAHAHA! Humanda kapang lumaban, dahil magsisimula palang ito!"

"I-IBANG KLASE 'TO LADIES, GODS AND GENTLEMEN! HINDI PARIN PALA TAPO ANG ATING LABAN! BUHAY NA BUHAY PA SI BALAGTAS!"

"Mukhang hingal na hingal kapang labanan ang clone kong ginawa ah, malakas ba?" Wika ni Balagtas habang nakangiti.

Paanong nakakapag salita siya ng diretso ng walang nangyayaring masama?

Kakaiba 'to, sigurado akong sagrado ang mga letra o salita ang mga lalabas sa bibig niya at delikado ito, bakit walang kung anong nangyayari kay Diwata?

Kitang kita ang takot sa mukha ni Diwata, hindi parin ito makapaniwala na isang clone lang ang nakalaban nito.

"Di bale na, lalabanan parin kita!" Inatake ni Diwata si Balagtas ng mga Love Waves nito pero nakaka ilag ito na tila ba parang clone parin ang nakakalaban ni Diwata.

"Clone ka parin ba?" Dagdag na salita nito pero galit na galit. "HAAAAAAAAAA!"

Ibinuhos lahat ng lakas nito kay Balagtas ng dahil sa galit.

"Hmmm, hindi ko masabi, nakakatawa lang makita na naisahan kita, akalain mo yun? Hindi mo napansin na hindi nagsasalita ang nakalaban mo pero natuwa ka parin dahil natalo mo?"

"Wag kanang magsalita!" Ipinagpatuloy parin ni Diwata ang pag atake ng Love Waves kay Balagtas pero ito ay palakas ng palakas.

"Oh, so gusto mo din na matalo kami para kayo na ang maghahari sa lupang muli? Pero hindi ako papayag! PAIN!" Umatake na ito pabalik.

Kung anong ginawa ng Clone niya kanina, ganon din ang unang atake niya ngayon.

Pero nakakapag taka lang, kung clone yung naunang lumaban kay Diwata kanina, bakit ito naging bato?

Nakakapag-taka 'to, pero maaring ipinalabas lang niya na naging bato, may kakayahan din siyang gawin yun.

Di bale na, ang importante, balik sa 2 to 1 ang score.

"Kaya mo yan! Balagtas!"

"Ipaubaya mo na'to sakin Hesuwo! Manood ka nalang!"

Mas lalong umilaw ang pag-asa sa side ng mga tao ng dahil sa ipanapamalas na lakas ni Balagtas.

"Blazing Arrow!" Lumikha si Balagtas ng mga panang umaapoy at itinarget ito kay Diwata.

"Love Waves!" Wala ng ibang ginagawang atake si Diwata kundi ang Love Waves lamang, pero pag marami siyang ibinato na Love Waves, mas lalong lumalakas ang Immobolize effect nito, pwedeng marekta patay ang target niya pag natamaan ito ng malakas na Love Waves.

"Hindi kaba nagsasawa sa atake mo? Pwes itong sayo! Flying Stone Edges!" Lumikha ito ng mga matutulis na bato at ibinato sa direksyon ni Diwata, pero patuloy parin ito sa pag-atake ng Love Waves.

"Mananalo ang mga Gods Balagtas!"

"Patunayan mo Diwata!" Sagot ni Balagtas.

"Papatunayan ko sayo yan! HAAAAAAAAAAAA! Love Waves!"

Hindi inaabot ng Limitasyon niya si Diwata, hindi nito ginagamit ang Self healing ability niya, may problema ba ang right hand niya?

Left hand, sa Love Waves tapos ang Right hand niya ay ang Self heal, posible bang...napuruhan ito kanina sa clone ni Balagtas?

Pero hindi ko napansin na natamaan ito, kung ganon, mas maganda 'to para sa lagay ni Balagtas.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan Balagtas!" Sigaw ko.

Sumabog ang gitna ng arena sa ginawa nilang palitan ng mga atake, nakakahanga na may papantay sa lakas ng isang Diwata!

"Tapusin na natin 'to Diwata, alam ko hindi mo na magagamit ang iyong self healing ability!" salita ni Balagtas habang nahihingal.

Nahihingal din si Diwata dahil kanina pa ito atake ng atake ng Love Waves."Ito na ang huling kong atake Balagtas, humanda ka dito!" Sigaw ni Diwata.

"Love Waves na naman 'yan alam ko! Basa na kita Diwata! Ultimate Bazooka!" Ginamit na ni Balgtas ang huling alas nito at ganon din si Diwata.

"Three Layer Waves: Last Strike!"

Meron pa pala siyang isang tinatagong atake? Lumikha ito ng napakalaking Wave at nagkatagpo ang mga atake nila sa gitna ng Arena.

"HAAAAAAAAAAA!" Sigaw nilang dalawa.

Sa sobrang lakas ng kanilang mga atake, lumikha ito ng napakasilaw at liwanag.

Biglang sumabog ang arena ng dahil sa pagbanggan ng kanilang atake.

"Tapos na, Balagtas!"

"Oo Diwata!"

Nakatayo parin ang dalawa sa mga pwesto nila, pero si Balgtas ay napunit ang damit habang si Diwata naman ay napunit ang ibabang bahagi ng dress nito.

Nagngitian na lamang ang dalawa at bigla silang napaluhod ng magkasabay.

"Magandang....laban ang ipinakita mo...Diwata." Salita ni Balagtas habang patumba ito.

"I-ikaw din!" Natumba din si Diwata.

"A-ano? Parehong....Down?"
"Paano 'to?"
"Bumangon ka Balagtas!"
"Bangon, Diwata!"

Nagulat din ang lahat pati si Bathala sa nangyari.

"DOWN! NATUMBA ANG PAREHONG KALAHOK! AT HINDI NA ITO GUMAGALAW, POSIBLE BA ITONG....MAGING PATAS?"

Magkasabay na naging bato ang kanilang katawa, it means patas ang naging laban nilang dalawa.

"AT SA UNANG PAGKAKATAON LADIES, GODS AND GENTLEMEN, NAGKAROON TAYO NG DRAW SA TOURNAMENT NA ITO! PERO DAHIL HINDI MAILILISTANG DRAW ITO, MAGIGING THREE TO TWO ANG RECORD NG BAWAT SIDE! IT MEANS, PAREHONG PANALO ANG PAREHONG KALAHOK!"

"Magandang laban ang ipinakita niyong dalawa!"
"Oo nga, lalo na ikaw Balagtas, salamat sa pagsali para sa mga mamamayan ng pilipinas!"
"SALAMAT BALAGTAS!"

Nagpasalamat parin kay Balagtas ang mga manonood na tao ng dahil sa ipinamalas nitong lakas upang maitabla ang laban nila ni Diwata.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot, pero ganon talaga, dapat tanggapin.

Ibig lang sabihin nito, need namin ng tatlo pang panalo, at sila ay dalawa nalang, pero may naisip na agad akong ilalaban para sa ikalimang lalaban, kahit sino pa sa mga Gods ang ilalaban.

"Hesuwo, pag-isipan mong mabuti ang itatapat mo sakin, HAHAHA ako na ang susunod na lalaban!"

Kung hindi ako nagkakamali, ito ang boses ni Mayari, kung ganon, wala akong ikabahala, dahil ang lalaban sayo ay malakas, mapa umaga man o gabi!

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now