Unborn Heroe's POV
Flashback~~~
Isang umaga, namulat nalang ako ng mga ulap ang nasa paligid ko, hindi ko maipaliwanag ang mga nakikita ko.
Napatingin ako sa paligid at napaka empty doon, walang mga bahay, kahoy, tubig, o kahit hangin, wala kang mararamdaman.
Hindi malamig, hindi din mainit, sakto lang ang temperatura doon, nang napatingin ako sa paanan ko upang tignan ang kinatatayuan ko.
Pero nagulat ako nang nakita 'kong wala akong paa, at doon ko nalaman na isa na pala akong kaluluwa, napasigaw na lang ako ng napakalakas dahil sa nakita ko.
"AHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko at napahawak na lang ang mga kamay ko sa ulo ko.
Sinubukan 'kong tignan habang ang nasaisip ko ay tumakbo, gumagalaw naman ako sa aking kinatatayuan.
Nalaman 'kong isip pala ang nagpapagalaw sa mga bagay sa mundong 'to, mabilis akong naka adopt sa mundong ito.
Bago ako naging kaluluwa, ang huling ala-ala ko ay nailigtas ko ang isang city ng targetin ito ng isang malaking bulalakaw.
Pagkatapos 'kong mailigtas ang mga nainirahan doon, wala na akong maalala, nagising nalang ako sa mundong 'to.
Nag-iisa, at di alam ang gagawin, kung anong nasa isip, ganon nalang din ang gagawin ko sa mundong ito, inaaliw ang sarili ng wala kakwenta-kwentang mga gawain.
Hindi rin dito gumagabi o umaaraw, di ko alam kung gumagalaw ba ang oras, tsaka sobrang lawak ng paligid, ang nasa ibaba ko ay parang isang tubig, nakikita ko ang aking sarili pag tinitignan.
kahit saan akong direksyon pumupunta, wala talagang ibang makikita, kundi ang gumagalaw na ulap lamang kahit walang hangin.
Noong matagal-tagal na rin akong naglalakbay sa empty space world na 'to, o tinawag ko nalang na Mundo ng mga kaluluwa, minsan tinatawag ko nalang ding Mundo ko, meron akong nakitang dalawang kaluluwa na binu-bully ng isang napakaitim at napakalaking kaluluwa.
Ganito siguro ang palatandaan sa mundong ito, ang masasamang kaluluwa ay maitim, ang mga mabubuting kaluluwa namn ay mapuputi.
Agad akong nagdali-daling puntahan ang tatlong ito, pagkalapit ko doon...
"Hindi na kayo makaka takbo ngayon mga bata! HAHAHAHA!" Sigaw habang balan a suntukin ang dalawang bata.
"W-wag po, wag mo...k-kaming saktan!" Wika naman 'nung isang batang kaluluwa habang naiiyak.
"G-gusto lang...naman po naming makipaglaro sana!"
"HAH! Ganitong laro ang gusto ko eh, pasensya na kayo, etong sa inyo!" Wika ng maitim na kaluluwa at susuntukin sana nito ang dalawang bata.
Pero agad 'kong sinangga gamit ang isang kamay ang suntok ng maitim na kaluluwa.
"At sino ka naman? Gusto mo din bang masaktan? Kung hindi, bitawan mo yang kamay ko!" Pagbabanta nito sa akin.
"Tsk, kay laki mong tao, mga bata papatulan mo?" Pag iinsulto ko sa kaniya.
"Anak ng...Aba, gusto mo din yatang masaktan ah, etong sayo!" Isusuntok din sana niya ang kabilang kamay niya pero agad ko naman siyang binuhat at inihampas sa mala- salaming lupa sa mundong ito.
"BUGSHH!"
"Ah,a-aray ko, n-napakasakit....ng...balikat ko...S-sino ka bang pakielamero ka!" Salita pa nito habang bumabangon.
Di ko sinagot ang mga tanong niya habang tinitignan ko lang soya ng masama.
"Aba, matapang ka ah, etong sayo!" Agad na naman itong umatake pero nailagan ko ito, sabay sinipa ang likurang bahagi nito.
YOU ARE READING
Battle Between Gods and Heroes
FantasyMaraming Typo Tagalog-English Grammar Errors at least 1000 Words per Chapter Rush story My First story Hope y'all like it :< Enjoy reading even this story is so boring --- The Gods of the Philippines wants to end the lives of filipinos because of vi...