CHAPTER 35

601 21 7
                                    


"Unmasked"



MID POV. (Ane)

Kasalukuyang naglalaban kami ni Kai, Hawak ko ang armas kong whip samantalang siya ay hawak ang espada na akmang e tuturok ang dulo sa mukha ko pero mabilis kong naipaikot ang latiko sa espada niya saka pinadulas iyon sa dulo at inikot kaya nabitawan niya ang pag ka hawak pero mabilis din niyang nahila ang tuktok ng latiko kaya nahila din ako. Ngumisi siya sabay taas ng latiko kaya nakawala ang espada niya saka pinabanda ang espada sa latigo para lumipad iyon saka niya sinalo sa kabilang kamay. Napa atras naman ako saka huminto at buong lakas na pinigilan ang dulo ng aking latiko sa akmang pag hila niya.

Hawak ko ang dulo at siya naman ay naka hawak sa tuktok ng latiko. Tinaas niya ang espada sa akmang pag putol nito pero mabilis kong kinontrol ang latiko at akmang e pupulupot sa leeg niya pero mabilis niyang nepasok ang espada at pinigilan ang pag higpit ko dahil kung wala ang espada ay siguradong sakal-sakal na siya sa latiko ko.

Pinaikot niya ng palabas ang espada kaya napa sunod ang latiko, Tumakbo ako palapit sa kanya at winigayway ang latiko para tamaan ang balat niya pero mabilis din ang galaw ng kanyang kamay para harangan gamit ang espada. Gumalaw na parang ahas ang aking latiko, Bumanda sa kaliwa pero naharangan niya ng espada, Bumanda sa Baywang pero na huli niya ang latiko saka pina ikot sa kanyang kamay sabay hila kaya napa bitaw ako sa pag ka hawak.

Wala akong ibang paraan para mabawi ang latiko kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at inambahan ng suntok ang mukha pero tinigilid niya ang mukha kaya di natamaan, initsa niya ang espada para e lipat sa kabilang kamay dahil hawak niya sa kaliwang kamay ang aking kamao na tatama sana sa mukha niya.

Sa bilis ng galaw niya ay nakatutok na sa leeg-an ko ang kanyang espada habang ang kaliwang kamay ko ay hawak niya at ang kanang kamay ay naka hawak sa tuktok ng Latiko para sana agawin pabalik pero naka ikot ito sa kanyang espada kaya di ko makuha.

Seryosohang laban pala ito Mid, Aliwin muna natin ang ating sarili bago mag patayan...Di ba't yun naman ang tipo mo? hmm...Ngising usal niya kaya nginisihan ko din siya

Hindi ka pa ata nakapag move on saka ko dinilaan ang ibabang labi

Kilala lang talaga kita, Lalo na pag dating sa labanan kaya huwag kang assuming babe... nginisihan ko lang siya

Dapat ay e tapon ang sandata kung sino man sa atin ang mahuhuli huling usal ko saka tumakbo, rinig ko pa ang sigaw niya.

Laro lang Mid, Walang seryosohan! Hindi ko siya pinansin dahil tumalon na ako sa glass wall kaya nabasag iyon at deritso ako pababa ng Floor at dahil nasa 3rd kami ay medyo mataas ang babagsakan ko kaya mabilis kong eni-hagis ang latiko ng madaanan ko ang 2nd Floor at dun ako kumapit kaya naka bitay na ako, Napa tingin ako sa ibaba ng damuha at duon ako tumalon at napa gulong pa ako.

Nahirapan pa akong tumayo saka naman dumating si Kai Pinagbigyan lang kita ngising sabi niya saka tinapon ang espada sa malayo

Palagi naman talaga akong panalo pag mamayabang ko sabay sugod sa kanya. Nasa labas na kami ng building, Kung tutuusin ay nasa likuran kami kung saan ang banda ng kakahuyan.

Dahan-dahan Mid, baka maubusan ka ng lakas sa totoong laban natin. Sabi niya habang abala sa pag iwas ng mga patamang latiko ko. Nginisihan ko lang siya, wala lang sa akin ang mahinaan ako sa totoong labanan dahil hindi naman ako ang tatapos sa labanang ito. Sinimulan ko lang tulad ng napag planohan.

Naging mabilis ang kilos namin, Panay lang ang ilag niya at amba ng suntok dahil wala din naman siyang hawak na sandata. Nagulat ako ng mahila niya ulit ang latiko ko kaya na sabay din ang katawan ko sa pag hila, Umikot siya sa likod ko at pinulupot ang kamay sa bewang sabay himas duon na ikina irap ko nalang.

S1: Mysterious Nerds meets the Gangsters (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon