Chapter 1.

58 0 0
                                    

Disclaimer: This Story is not just based on an Imagination. Some parts of this Story deal with the Real Story of a Person.

*****

Magulo, Malungkot yan ang mundo na meron ako.
Malaya? Kalayaan? Wala yan sa bokabularyo ng Pamilya ko.
Pakiramdam ko isa akong Aso na nakakulong na may tali sa leeg. Ginagawa ang mga bagay na gustuhin ng mga Amo kahit sa totoo lang Ayaw mo naman talagang gawin ang mga bagay na iyon.

I am Tatiana Alexiandria Arguelles Yu.

Lumaki akong out of place sa lahat. yung tipong kahit buo naman ang Pamilya ko e pakiramdam ko Hindi ako belong.

Sa Edad na 18 kailangan ko ng mag trabaho para sa'kin at sa mga kapatid ko.
Hindi kami mayaman at hindi din naman kami mahirap. Katamtaman lang Anak ako ng Chinese e may Business din kami kaya keri ko din naman bumili ng mga Signature bag's and Branded clothes.

Pero dahil nga ayaw kong umasa sa Family ko kaya need ko magtrabaho.
Ever since kasi kapag nabibigay talaga nila ang gusto ko may kapalit gaya nga ng sabi ko para akong Asong sunod-sunuran.
Yung After mo makagawa ng tricks ay bibigyan ka nila ng Treats.

Isa akong Assistant sa Isang Company.
Masaya ako don kahit papano kasi malaki din naman ang sinasahod ko sapat na para sa luho ko at sa mga bayarin ko sa bahay.

Dun lang din naman kasi ako nakakaramdam ng kalayaan.
Sa bahay namin? Wala kang Aasahan!
My life is so Miserable with My family. Ang tanging Nakakapag pa kalma at nakakapag bigay ng Saya sa akin ay aking Aso na si Bailey.

Isa siyang Pomeranian Dog natatangal talaga ang pagod ko sa kanya, Napakalambing Kasi na Aso ni Bailey.
Siya lang din ang nalalabasan ko ng sama ng loob about sa Family ko. Syempre hindi naman siya Judgemental Unlike People.

"Bailey Ito nanaman tayo"
Malungkot na saad ko.

Nakatingin lang naman siya sa akin at kinikiskis ang ulo niya sa Binti ko para sabihan wag na akong umiyak.

Gabi gabi kasi akong umiiyak, ikaw ba naman gabi gabi ka din pag mukhain na wala kang Silbi sa Pamilya niyo e.

Nagtatrabaho naman ako Ina-aral ko din naman kung paano patakbuhin ang Business namin. Pero ito wala pa din akong kwentang tao at Anak para sa kanila.

"Ate Tiana umiiyak ka po ulit?"
Saad naman ng kapatid ko.

"Calli? Pwede ba Next time matuto kang kumatok? "
Iritableng sagot ko.

Kasi naman bigla biglang pumapasok sa kwarto ko, hindi man lang marunong kumatok!!

"Sorry Ate naririnig kasi kitang nag s-sobbing nanaman e. Gusto mo Hugs?"
Malambing na tugon naman niya.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Sa lahat ng Pamilya ko si Calli lang ang pinaka malambing talaga. Yung bunso kasi medyo Maldita.

"Ok lang ako Calli Salamat sa pag comfort pero Ok lang talaga ako." pag ngiting saad ko naman.

"Sure ka Ate Tiana? Basta Hayaan mo na lang yung mga sinasabi nila Mama at Papa alam mo naman sila e"

Kitang kita ko talaga lagi kay Calli na Concern siya sa Akin.
Pero hindi niya lang talaga ma express kasi nga Takot Din naman siya sa Parent's Namin.
"Calli It's fine sanay na ako kanila Mama Don't worry About me. sige na matulog ka na at Maaga ang Pasok mo." Saad ko naman.

"Sige Ate Goodnight." Pagpapaalam naman niya.

******

(Kinabukasan).

"TANYAAA!" Pasigaw na saad ng Kaibigan kong si Erin.

Siya naman ang isa sa pinaka close kong Ka-trabaho.

" Ang aga aga Erin naka sigaw ka! Ano ba yun?!" Iritableng sagot ko.

Wala naman akong ibang Mood kung hindi ang Mairita e.

"Ang Aga mo naman mag sungit" saad niya.

"Ano ba sasabihin mo? At mukhang Excited kang I-Chismis sa akin yan."
Saad ko habang nag aayos ng mga gamit ko sa Opisina.

Every Morning Yan. Yan ang bungad sakin lagi ni Erin ang Chismis!

"Huy hindi to Chismis Pinapapunta tayo sa Davao!!" Excited na Chika niya sakin.

ANO?! DAVAO?!!

"Ano naman gagawin natin sa Davao?! At bakit doon pa? At tsaka Bakit Ikaw lang may Alam?!" Sunod sunod na tanong ko naman sa kanya.

Davao? Ang layo layo non! 😭

"Teka lang Mhie mahina kalaban, eh narinig ko kasi sa Office ni Sir na papupuntahin nga tayo doon sa Davao. parang may bago na yata tayong boss" Mahabang saad naman ni Erin.

Hay napaka Chismosa talaga. Napasapo na lang ako sa Ulo ko sa mga naririnig kong Chismis sa kanya.

"Alam mo Mhie sana alam mo yung Privacy naloloka ako sayo, o siya Madami akong Research Paper's na gagawin mamaya ka na lang ulit chumika sakin!"

Hays wala bang araw na hindi Tambak ang trabaho ko? Hays.

Waves Of Love. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon