Chapter 7.

29 1 0
                                    

TRISHA'S POV.

Tumingin ko sa Orasan ko at mag a-alauna na pala ng Madaling Araw.

Hays napasarap pala ang kwentuhan natin Luna.

napag desisyunan ko na lang na bumalik na sa Hotel at doon na lang kainin ang Binigay ni Sir na tinapay.

Habang naglalakad naman ako pabalik sa Hotel e nakasalubong ko naman si Erin na tila ba may hinahanap.

"Backla ano hinahanap mo?" pagtatanong ko naman.

"Isha!! OMG ka saan ka ba nagpupunta?!" pagdadabog niya.

Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako.

Ang OA talaga nito.

"OA mo naman girl nag muni muni lang ako diyan sa tabi, halika na umakyat na tayo may chika ako sayo" saad ko naman.

"Anong OA gaga ka umalis ka ng hotel nang dis oras ng gabi at walang pasabi sakin! Paano kung may nangyari sayo? Btw ano yung chika mo?"

Tamo to di ko alam kung pinapagalitan ako o naghahanap lang talaga ng Chismis.

"Wag ka na magalit nandiyan lang naman ako. tsaka.." pagbibitin ko naman ng kwento.

"Tsaka Ano?! Dali!!!" Excited na saad niya.

"Sa kwarto ko na itutuloy halika na at nagugutom ako, Bili muna tayo ng Iced coffee." saad ko naman.

****

"Kaloka ka Girl paano ka pa nakakatulog niyan eh naka iced Coffee ka pa"

"Hayaan mo na nag c-crave ako e, anyway ito na nga yung chika ko, yung boss natin binigyan niya ako ng food kasi wala ako mabili kanina sa labas e" saad ko habang kinakain ang bigay sa akin ni Sir na tinapay.

"O. M. G!  WHAAA ISHAAAA ALAM MO BA SIYA YUNG NAGBUHAT SAYO KAHAPON!!" na e-excite na saad naman niya na kinikilig na din.

Jusko when po ba to titigil kaka sigaw?!

"Pwede bang manahimik ka? Ang ingay ingay mo may natutulog sa kabilang kwarto! " saad ko na naiirita.

"Ito naman, kinikilig lang e"
"Che! Napaka presko nga e tapos kinikilig ka don?!"

"Eh kung hindi ka kinikilig bakit mo kinakain yung bigay niya aber?!" saad niya with matching Crossed arms pa.

Tinignan ko naman ang tinapay na kinakain ko at na pa lipbite na lang kasi kay Sir Jace nga pala galing to.

"Wala akong Choice gutom ako!" palusot ko naman.

Gutom naman talaga ako e, Aba!

Inirapan ko na lang siya at hindi na muli nag daldal pa.

I admit gwapo naman talaga si Sir Jace pero argh ewan ko nababanas ako e.

...

Maaga ako nagising dahil maaga ang meeting namin with Sir. Jace and Sir. Marco.
Next week kasi si Sir Jace na ang CEO namin kaya ayun need namin maituro sa kanya ang bawat sulok ng kumpanya.

Hays sila may ari pero wala alam sa negosyo nila.

At dahil maaga pa nga ay naisipan ko naman mag coffee sa coffee shop ng Hotel.

Syempre Coffee is everything.

Hays sobrang sarap ng mainit na kape tapos ang view mo ay dagat.

"You're here, aga mo naman yata Miss? Saad ng lalaki sa likuran ko.

Laking gulat ko na lamang kung sino ang lalaki na bumungad sa'kin.

"Sir. Jace Devin kayo po pala, kape po tayo" pag alok ko naman sa kanya.

Ngumiti lang siya sa'kin at sumenyas ng No thank you.

Shuta sabi ko mag kakape ako para ma relax pero bakit parang baliktad yata?!
"So How are you last night?"

"Ahm I'm ok Sir. Btw ahm T-thank you po pala last night. Sa food and Pagsama sa'kin" nahihiyang saad ko pa.
"It's ok Miss, it's my Job to protect my employee. Btw ahm what is your name again?" He asked.

" It's my Responsibility to know my Employee to."  He added.

"I am Trisha Alexiandria Arguelles Yu. but you can call me Trisha Sir."

Syempre with confidence yan. Profesional tayo e.

"Well Miss. Trisha Yu, I am Jace Devin Daughtler Chiu, Your Future CEO. I hope that your team is ready for our meeting" saad niya pa.

Jusko naman Sir lalo mo ko pinakaba! Confident na ako kanina e! 😭 (kakapae mo yan girl).

"I'm pretty sure that they are ready Sir. Don't worry about My team They are all prepared Sir." saad ko.

Yan ganyan dapat kahit kabado with confidence parin sumagot sa Boss.

"Well Miss. Trisha see you later" 

Agad naman ako nakahinga ng maluwag nang makaalis na si Sir. Jace.
Agad ko tinignan ang sarili ko sa salamin ko kasi parang namumutla na ako dahil sa kaba.

Jusko ka Sir. Halos mawalan ako ng ganda dahil sa kaba!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 09, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Waves Of Love. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon