Chapter 2.

18 0 0
                                    

"Jace Ano ba naman?! Ikaw ang inaatasan ng Papa mo para maging sunod na Presidente ng Kumpanya Natin!! "

Hays kailan kaya ako Makakaramdam ng Laya sa Pamilyang ito? Kapag ginusto nila ginusto nila! Hindi man lang magtatanong kung gusto mo ba!

"Ma Utang na Loob! Ayoko ngang maging Presidente ng kumpanya Natin! Gusto ko maging Piloto! " pagalit na saad ko sa Mama ko.

Ako si Jace Devin Daughtler Chiu.

Anak ako ng isang Chinese at may Ari kami ng Isang malaking Kumpanya, At Bilang ka Isa-Isang Anak ay ako ang magiging Tagapag mana.

Pero kahit Kailan Hindi ko Pinangarap maging Presidente ng Company namin, Ni hindi ko nga gustong Manahin yun e.

Ang Pangarap ko talaga ay maging isang Piloto.
Mahilig kasi ako Mag travel e and I really love Airplanes.

Pero Wala eh Imbis na Aerospace Engineering ang course ko.
Ito Nag tiya-tiyaga akong Pag aralan ang Business Economics para sa aming Business.

"Jace Ito na ang huling beses na Pag uusapan natin Ang kagustuhan mong maging Piloto. Whether you LIKE it or NOT You will be a CEO!" Madiin na Saad ni Mommy.

Napailing na lamang ako kasi alam ko na wala talagang pag-asa na matupad ang Pangarap ko.

"Sir Jace Gusto po kayo makausap ng Daddy niyo, punta daw po kayo sa office niya" saad ng secretary Ni Dad.

"Susunod Ako"

Napabuntong Hininga na Lamang Ako At Sumunod na nga sa Secretary ni Dad.

"Jace You're Here Mabuti naman" Saad ni Sir. Carter.
Ang Business partner ni Dad.

"Jace Sa susunod na linggo ay may dadalaw tayong mga bisita sa Resort Nila Carter. Gusto ko ikaw ang mag Handle doon Para magkaroon ka ng Experience Paano magpatakbo ng Isang Negosyo." Mahabang paliwanag ni Dad.

Since wala naman akong Choice Edi nag Yes na lang ako. Kahit naman kasi Tumanggi ako matutuloy padin ang plano nilang Pag- trabahuin ako don.

Sa inis ko ay dumiretso na lang ako sa Resto Bar namin ng mga kaibigan ko.
Well may alam naman talaga ako sa Business kasi itong Bar na ito kaming magkakaibigan ang May Ari. And luckily pinaka sikat na Bar naman ito dito sa Davao.

''Mukhang malalim ang problema natin Boss ah'' Pag bibirong saad ni Maverick.

Siya ang Best friend ko simula pag kabata.

"Sino hindi mababad trip eh wala akong magawa sa gusto ng Parent's ko! " Inis na saad ko.

Naupo ako sa tabi ni Marcus na kapatid naman ni Maverick.

"Bigyan na to ng pinaka mamahalin natin Beer!" pag kampay naman ni Marcus.

"Iinom na ba natin to?  HAHAHAH " Natatawang saad ni Maverick.

HAY nako kahit kailan talaga puro kalokohan ang alam nitong dalawa e.

*********
TIANA'S POV.

Waves Of Love. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon