Chapter 6.

11 0 0
                                    

TRISHA'S POV.

Gabi na nang magising ako, tahimik na din ang kapaligiran at tanging tunog na lang ng tubig sa dagat ang maririnig mo.

10 pm na din at itong katabi ko na si Erin eh mahimbing na din ang tulog, kaya ito napag desisyunan ko na lang na bumaba muna sa lobby at lumabas sa resort para mag hanap ng makakainan at para tumambay na din sa dagat.

Jusko  ang sakit na nang tyan ko, hindi pala ako kumain nang buong Araw!
San ba pwede kumain dito?

Nag iikot ikot lang ako pero ni isang restaurant wala akong magustuhan!
Buti na lang may korean Store kaya dun ko na lang naisipan mag punta para makapag ramen. pero wala pa din akong magustuhan na flavor ng Ramen!

Saan kaya pwede pa kumain? Nagututom na kasi ako. 😔😩

"Kung hindi ka kasi mapili Miss baka kanina ka pa busog" pag sabat naman nang isang lalaki mula sa aking likuran.

Agad ko naman nilingon ang lalaki kasi paano niya nalaman na kanina pa ako naghahanap nang makakain?

''sinusundan mo ba ako?!!"

Tumingin naman siya sa akin at ngumisi. Napatulala naman ako nang bahagya dahil, sobrang gwapo niya.
Hindi pa ako na cucutan o nagagwapuhan sa isang tao, ngayon lang!

"You are My employee and you are my responsibility, nakita kita kanina papalabas ng hotel kaya sinundan kita. Kung saan saan restaurant ka na nga napapadpad wala ka pa din mapiling pagkain? " Mahabang saad niya pa sakin.

Tanging pag iling lang ang naisagot ko sa kanya kasi hangang ngayon na-aamaze pa din ako sa itsura niya.

Nabalik lang ang ulirat ko nang bigla niyang ipinitik ang kamay niya malapit sa mukha ko.

"B-bakit kailangan mo akong sundan?" pagmamataray na saad ko with matching crossed arms pa.

"Miss, ikaw lang mag isa ang naglalakad nang ganitong oras. Paano kung pagtripan ka nang mga dayuhan diyan?" umirap na lang ako at lumabas nang convenience store.

Sinadya ko talagang lumayo nang kaunti sa Resort, yung walang tao nandon para alam niyo na makapag muni muni.

Hays sarap din pala nang ganito, sounds lang nang tubig  plus si Luna na napaka ganda ngayong Gabi.

Napaka ganda mo ngayon Luna, buong buo ka at higit sa lahat nagliliwanag ka. Sana ganyan din ako ngayon ano? Buo at nagliliwanag

Ang tahimik nang lugar na to, hindi crowded at mas lalong hindi maingay (kasi nga tahimik diba?).

Maya maya naman ay may lalaki na tumabi sa akin at pagkatingin ko ay siya nanaman ang lalaking kasagutan ko sa convenience store.

"Ikaw nanaman? Ano ginagawa mo dito? " pagmamataray na saad ko.

"Dinalhan kita ng pagkain Miss, pero ang sungit sungit mo. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob? " paninimula naman niya.

Aba? Kakagising ko lang at bwinibwisit na ako nitong lalaking to, porke gwapo siya?  Aba hindi ako nadadaan sa gwapo lang!

tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya.

"O tignan mo nakataas pa yang kilay mo, ikaw yung hinatid ko ko kanina sa kwarto dahil tulog na tulog ka sa lobby" saad niya.

Agad ko naman naalala ang sinabi sakin kanina ni Erin.

T-teka Siya ang susunod naming CEO?!!

Waves Of Love. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon