Chapter 3.

10 0 0
                                    

Hays kakapagod sa Work tapos may bagong trabaho nanaman for Next week.

Hays Hingang Malalim TIANA KAYA MO YAN!!

"Tiana kumain ka na?" Saad ni Lola

Si Lola siya lang din Talaga ang kakampi ko or namin ni Calli kapag pinapagalitan kami ng Parent's namin.

Siya ang laging nasa gitna para protektahan kami.

"Lola mano po. Nag abala pa po kayong ipagluto ako eh kaya ko naman na pong gawin yan e" Pag ngiti na saad ko.

"Alam ko kasing pagod ka na Apo at hindi ka na makakapag luto para sa hapunan mo. Akala mo ba hindi ko alam na madalas kang hindi kumain dahil sa trabaho mo?" Sermon naman niya sa akin.

Hays ganyan talaga yan si Lola e laging kapakanan ko iniisip, I wonder pano kaya kung wala siya sa amin? Edi mas lalong malungkot yung buhay ko? Hays Lola is everything talaga.

"Salamat po lola ah, Maraming salamat sa napaka sarap na luto" Pag ngiti ko muli sa kanya.

"O sige kumain ka na diyan at ihahanda ko na ang pang pa ligo mo"

"Opo lola salamat po"

My Most Caring and Loving Grandma. How I Wish na sana, sana man lang ganito ang Parent's ko sa Akin. kaso Hindi e.

Natapos na ako sa aking Pagkain at nagpahinga na muna saglit. Need ko muna I-rest ang aking Body and Mind from My Exhausting work.

Habang nagpapahinga ako e napag desisyunan ko na lang mag Open ng Aking secret soc-media acct na tinatawag namin RP. Or Role Playing World.

Rp was my escape from my reality. Dito kasi mahal ako ng Family ko You know dito they asked me if I'm ok or kung ano ginagawa ko. Isa sila sa mga pahinga ko.

"Mmy buhay ka na!"

"Mah ghost ka ba? bakit bigla bigla kang lumalabas?!"

"Mah kamusta work??"

"Mah pagod ka?"

"Kamusta ka po?? "

"Hi Lola Valeria!!!"

Yan ganyan sila ka excited makita ako! Ganyan sila mag express ng Love for me.

Buti nga kahit isang taon ako nawala tinanggap padin nila ako. Unfair kasi ang nagawa ko sa kanila e umalis ng hindi nagpapaalam Pero ito padin sila excited na makausap ako kahit puro Pang Do-dog Show ang inaabot ko. :)

"Sha maligo ka na Apo para makapag pahinga ka na. Ala una na oh" Saad ni Lola.

"Sige po La susunod na po"

Nag paalam na ako sa kanila para makapag pahinga na din. Buti na lang talaga understanding sila.

*******
JACE DEVIN'S POV.

"Jace Hindi ka pa ba uuwi?"
Saad ni Maverick.

Gabi na at ito nandito padin ako sa Resto-Bar namin para uminom.
I want to enjoy this bago pa ako maging CEO.

"Hayaan mo na ako pre hindi ko naman na to magagawa kapag ako na naging CEO ng Company namin."

"Hay bakit ba kasi Ayaw mo? CEO ka ng isang Malaking Company oh"

"Oo nga Dude"

Saad naman ng magkapatid na Anderson.

"Hindi ko naman pinangarap yun at alam niyo yun."

"Pero dude what if, dun ka makahanap ng true love? HAHAHAH"

"Ang Corny Marcus! True Love? HAHAHAHA" Saad ko naman.

True love hindi kasi kami naniniwala Diyan e para sa amin Joke lang yan.

Pero napaisip din ako sa sinabi ni Marcus. What if kaya? Pero may naitakda na kasi para sa akin.
Alam niyo na as Chinese parang Reto Reto para sa Business.

"Dude paano makakahanap ng true Love yan? Eh baby pa lang yan may fiance na yan eh HAHAHAH" saad naman ni Maverick.

"Mga Siraulo! Aalis na nga ako!" Saad ko naman.

Hay nako mga loko loko talaga!

"G@go lasing ka kaya" Saad naman ni Maverick.

"Bakit sinabi ko bang uuwi ako? Diyan ako sa Condo matutulog!"

Yung Resto - Bar kasi namin malapit sa Beach at dun naman naka locate ang Condo ko.
Well kay tito Carter talaga yun nangungupahan lang ako.

Pagkadating ko sa Condo ay agad naman akong naligo para mabawasan ang kalasingan. Hindi naman ako lasing na lasing pero alam niyo yun para mahimasmasan lang at para hindi amoy alak.

Pagtapos ko naman maligo ay nagluto na lang ako ng Steak para maging dinner ko.

Habang kumakain ako Napapaisip ako sa topic namin kanina.
Gaya ng sabi ni Maverick baby pa lang ako may fiance na. Well totoo naman yun naitakda na akong ikasal sa iba.

Anak ng Kaibigan ni Dad ang future Wife ko pero Never ko pa siya namemeet kasi Taga Gensan sila at Kami naman Davao. Pero ano kaya itsura niya? Mabait kaya siya? Maganda?

Ever Since talaga Curious na ako sa kanya. Mukha siyang Mysterious Girl ni Wala nga yatang Facebook yun e tinatry ko kasi Hanapin ang Name niya kaso walang tugma sa mga nasesearch ko.

Hays makatulog na nga lang at maaga pa ako para bukas.

Waves Of Love. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon