Ending

286 7 1
                                    

Amara POV

One year later.......

In life hindi talaga maiiwasan na makagawa tayo ng kamalian, para man ito sa kapakanan ng iba o sa kapakanan ng mga mahal sa buhay hindi natin kailanman mababago na kamalian parin iyon, ang mahalaga ay sa bawat pagkakamali na nagagawa ay may kaakibat na aral kang natutunan para hindi ka lamunin at balikan ng nakaraan.

Kagaya nalang ng nangyari sa akin, marami na akong napagdaanan mga masasakit na bagay, ilan pa nga doon ay kamalian pero hindi ko kailanman pinagsisihan ang mga iyon dahil sa karanasan na iyon ako nakatagpo ng tunay na pamilya at kaibigan.

What happened a year ago ang nagturo sa akin na walang bagay sa mundong ito ang permanente lahat ay may hangganan, pero hindi ko akalain na yung akala kong hangganan ng taong mahal ko ay maaari pa palang madagdagan at yun ang isa sa pinagpapasalamat ko, kaya ako nakaupo ngayon dito sa loob ng simbahan sa harap ng panginoon na nagbigay ng buhay sa bawat isa.

"Magsitayo po tayong lahat!" Mula sa made-altar ay nagsalita si Pastor John ang tao na itinalaga ng panginoon para magpalaganap ng kanyang mga salita at milagro.

Everyone stood up and look at the man in front of us with awe and wonder.

"Magsiyuko po tayo at manalangin sa pangalan ng ating panginoon!" I bow my head, close my eyes and start my prayer.

"Panginoon, (paano ko ba ito sisimulan?) I know I'm not a good person, I make mistakes every single day but thank you for everything, for the blessings, for the sacrifices and for the strength na malampasan namin ang hamon ng buhay, what you've done for us is beyond expectation, you always make sure that everyone experience the best in life. Lord thank you for saving him, the man I love, the man I want to spend the rest of my life thank you, Amen." Eksaktong natapos ko ang panalangin ko ay may humawak sa kaliwang kamay ko, it's warm and soft.

Napatingin ako sa kamay na humawak akin at doon bumungad sa akin ang mukha ng taong akala ko ay mawawala na sa akin at muling bumalik sa akin ang lahat ng nangyari.

Flashback one year ago.......

"AHHH!" scared? No that's an understatement what I felt is beyond that I am terrified, being inside an old building with bullets and bombs are flying over your head is not easy pero pilit kong kinakaya.

Pero wala ng mas masakit pa ang malaman mo na yung taong inakala mong patay na ay buhay pa pala at yung tao na kinilala mong ina ay hindi pala.

Paano niya nagawa sa akin ang bagay na iyon sobrang sakit it felt betrayed, pakiramdam ko buong buhay ko ay nabuhay ako sa kasinungalingan.

Habang tulala ako sa isang sulok ay bigla kong naramdaman ang mahigpit na yakap mula sa likuran ko pagkatapos ng malakas na sigaw ni Castron.

"AMARA!" Castron shouted

"BANG!" Isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar at nagpakaba sa akin ng husto.

"Ayokong nakikita na umiiyak ka, kaya tahan na." Bulong ni Luther na malalim ang paghinga habang mahigpit na nakayakap sa akin pero hindi ako nun napatahan mas lalo lang akong naiyak ng dahan-dahan kong naramdaman ang pagluwag ng yakap nito.

"LUTHER!" Naninigas at nanghihinang napatingin ako kay Luther ng isinigaw ni Castron ang pangalan nito.

"LUTHER!" mabilis akong lumuhod para daluhan si Luther na ngayon ay halos maligo na sa sariling dugo dahil sa tama ng bala na dapat sana ay para sa akin.

"Bro, tapos na yung plano natin oh!" Pinalibutan namin si Luther at pilit na ginigising ito.

"Bro, sa-salamat h-hindi magi-ging mat-tagumpay ang p-planong i-ito k-kung hindi d-dahil sa inyo" nahihirapang sambit ni Luther at unti-unti ng pumikit.

Bumagal ang takbo ng oras, lumakas ang kabog ng dibdib ko at ramdam kong unti-unti akong binabawian ng buhay.

"LUTHER!!" Sigaw ko bago ako tuluyang mawalan ng malay..

At the hospital......

"Mahal na mahal kita Amara" Luther said while waving at me.

"Luther saan ka pupunta?" I tried chasing him pero no used dahil habang hinahabol ko siya ay mas bumibilis lang ang pagkawala niya hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa paningin ko.

"NOOO!!!" habol ang hininga na napabangon ako dahil sa isang masamang panaginip na iniwan ako ni Luther.

"Hey! Okay ka lang ba?" Tanong ni Castron.

Napabaling ako dito at nagtatakang nagtanong, "Si Luther?"

Pansamantalang natahimik si Castron, at ako naman ay muli na namang dinalaw ng matinding takot at kaba na baka hindi panaginip ang nangyari at totoong wala na si Luther.

"Castron, si Luther?" Nagmamakaawang tanong ko dito

Napabuntong-hininga muna ito bago sumagot, "he is fine, natanggal na ang bala sa kanyang likod."

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa narinig, "samahan mo ako sa kanya!" Habang sinasabi ko iyon ay tumayo ako mula sa hospital bed na kinahihigaan ko.

End of flashback.....

"Clap! Clap! Clap!" Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang palakpakan ng tao kaya napatingin ako sa paligid at dun ko nalang nalaman na tapos na pala ang pananambahan at nagsisimula ng magtayuan ang mga tao pero itong katabi ko ay nanatili lang nakaupo at hindi tumitinag.

"Ui! Tayo na!" Pag-aaya ko dito pero tumingin lang ito sa akin at saka ngumiti.

"You're acting weird, let's go tayo nalang ang nandito oh!" I pointed out at napatingin sa paligid para ipakita sa kanya na kami nalang dalawa ang natitira sa simbahan pero mali ako dahil hindi lang kami ang nandito, marami kami mula kay Father John, mga choir at ilang mga kakilala.

"What is this?" Nagtatakang tanong ko pero naglaho iyon ng biglang tumugtog ang isang malamyos na musika na sinabayan pa ng mga miyembro ng choir.

Parang yun ang naging hudyat ni Luther bago siya tumayo at harapin ako.

"One year ago akala ko katapusan ko na." Panimula nito at hinawakan ang magkabila kong kamay.

"L-Luther" magkahalong kaba at kasiyahan ang nararamdaman ko habang nakatingin ako ng matiim sa mga mata ng lalaking mahal ko.

"Pero ang laki ng pasasalamat ko sa panginoon dahil hindi niya ako tuluyang kinuha. Sabi ng marami ang bawat tao ay may mission kaya sila nabubuhay siguro kaya Hindi pa ako tuluyang kinuha ng panginoon ay dahil may mission pa ako at yun ay ang protektahan at samahan ka, Amara sana bigyan mo ako ng pagkakataon na mahalin ka at makasama ka hanggang sa humihinga tayong dalawa, will you be my Mrs. Amara Concepcion Gray?" Mahabang litanya ni Luther.

Hindi ito ang karaniwang ginagawa ng mga lalaki sa proposal nila sa mga girlfriend nila pero hindi na mahalaga iyon dahil ang mahalaga ngayon ay ang taong mahal ko ay inaalok ako ng kasal.

"Hindi ko kayang mawala ka mahal ko kaya oo magpapakasal ako sayo!" I hugged him tightly

In the arms of The Syndicate LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon