Chapter Twenty

92 4 0
                                    

Goodbye Amara!

Amara's POV

Dumating na ba kayo sa punto ng buhay niyo na pag-mulat palang ng mata niyo sa umaga ay ramdam niyo na yung kaba at pangungulila kahit hindi niyo pa alam kung ano ang dahilan?

Ganoon yung nararamdaman ko ngayon habang dahan-dahan kong iminumulat yung mata ko ramdam ko ng may kulang at parang may nawala.

Mas dumoble ang kaba na aking nararamdaman ng bumaling ako sa katabi kong pwesto pero wala akong nagisnan kundi bakanteng pwesto at tanging unan lang.

Kahit na alam kong hindi maganda ang mangyayari pagkagi-gising mo at tatayo ka kaagad ay napilitan ako dahil sa kakaiba kong pakiramdam.

Papahakbang palang ako para bumaba ng kama ng matanaw ko ang isang kulay puting sobre na nakalapag sa sahig.

Nung makita ko yung sobre ay atubili akong lumapit but I have no other choice but to do what my gut tells me to do.

I hesitantly move my feet towards the letter, because everytime I took a steps the nervousness that I felt doubled.

Nang makalapit ako sa sobre ay yumuko ako at nanginginig ang kamay na pinulot ang naturang sobre.

Pero ng ipaharap ko ang sobre sa akin ay halos mabuwal ako dahil sa nakikita ko.

"G-Good bye Amara!" Mahinang basa ko sa naka-address sa sobre.

Dahil hindi naman ito selyado ay mabilis ko lang nakuha ang kulay puting papel na laman ng sobre.

Kahit na sobrang sakit ay pinilit ko pa din itong basahin.

Dear Amara,

Mahal ko siguro pag-nakita mo itong liham na ito ay wala na ako sa bansang sinilangan nating pareho.

Ang dami na nating pinagdaanang parehong masaya at masakit na bagay, pero hindi iyon naging hadlang para mahalin at alagaan natin ang isa't isa.

Umabot ako sa puntong nasasaktan na kita physically and emotionally pero lagi mo akong inuunawa.

Mahal ko alam kong masakit ang gagawin kong paglisan pero huwag mo sanang isipin na ginagawa ko ito dahil sa aking kagustuhan sadyang may mga bagay lang na hindi natin kontrolado.

Pero lagi mong tatandaan na ginagawa ko ito para sa kaligtasan mo.

Sana ay mahintay mo ako dahil ipinapangako ko na babalik ako.

Hilam ng luha ang mata ko matapos kong basahin ang sulat ni Luther.

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula unti-unti ko ng nararamdaman yung matinding sakit na humihiwa sa dibdib ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at napahikbi.

Pero kaagad din akong napahinto ng maalala ko yung natanggap naming regalo kahapon at napasambit nalang ako sa sarili ko ng, "baka prank lang ito, nandito pa si Luther!"

Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto pero ang mabilis kong pagkilos ay bumagal ng matanaw ko ang tatlong tao na nag-uusap sa sala.

Nang makababa ako sa hagdanan ay sabay-sabay na tumingin ang tatlo sa akin na para bang kanina pa nila napansin ang presensya ko.

"S-si Lu...ther?" Muntik ko ng hindi matapos ang tanong ko dahil sa pagbara ng lalamunan ko.

Sabay-sabay na umiling ang tatlo pero pinilit kong balewalain iyon at muling nagtanong, "kayo naman niloloko niyo ako, nasaan nga si Luther?" Mas pinasigla ko pa ang boses ko.

Luminga ako sa buong paligid at sumigaw, "LUTHER LUMABAS KA NA DALI PINAPRANK MO SIGURO AKO!"

"LUTHER!"

Muli akong tumingin sa tatlo at kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nila at sa pangalawang pagkakataon ay umiling ang mga ito.

Kasabay ng pag-iling nila ay dahan-dahan kong naramdaman ang pagkawasak ng mundo ko sa akin mismong harapan.

Nagsimula akong mapahikbi ng sunud-sunod, mga hikbi na tuluyang naging malakas na hagulhol, hagulhol ng isang hamak na katulad kong nag-mamahal at nasasaktan.

Sa gitna ng pag-iyak ko ay naramdaman ko ang mga kamay na bumalot sa katawan ko na wari'y pinoprotektahan ako.

"S-Si L-Luther ang sabi niya h-hindi niya ako iiwan" mahigpit akong yumakap kay Castron ng mas lumakas ang hagulhol ko.

"Sshh...tama na..." Pag-aalo ni Castron sa akin pero kahit hindi nun naalis kahit konti ng sakit na aking nararamdaman mas lalo lang nun dinagdagan ang sakit.

"Bakit hindi nalang sila yung umalis? Bakit kailangan na si Luther pa?" Alam kong masama ang mag-isip ng masama tungkol sa kapwa pero hindi ko na kontrolado ang emosyon at nararamdaman ko.

Akala ko walang bagay ay makakagiba sa akin pero hindi ko akalain na ang paglisan niya ang gugunaw sa matibay kong mundo....

James POV

Nakakalungkot na makita si Amara na umiiyak at nahihirapan pero alam kong sa una lang ang paghihirap niyang ito dahil babalikan siyang muli ni Luther.

Seryoso kong pinapanuod kung paano pakalmahin ni Castron si amara pero mukhang maging si Castron ay walang magawa.

Tumagal ng ilang minuto ang seryoso kong tingin sa dalawa ng bigla itong mapalitan ng nag-aalalang tingin ng makita ko si Castron na pangko ang walang malay na katawan ni Amara.

Nang humarap sa amin so Castron ay sinenyasan ko nalang ito na iakyat na si amara sa kwarto nito.

Nang makaakyat na sa second floor so Castron ay saka tahimik na nagsalita si Jake sa tabi ko.

"Nakita mo ba iyon?" Bakas ang kasiyahan sa boses ng kapatid ko kaya naman hindi ko na napigilan ang ngisi na gustong kumawala sa bibig ko.

"Haha ito ba ang gusto mong mangyari Luther?" Mahinang bulong ko at umakyat na din sa second floor para pumunta sa guest room.

"Hoy hintayin mo naman ako!" Reklamo ng kakambal ko na mukhang katatapos lang matauhan at Ngayon ay tumatakbo na papasunod sa akin.

Castron POV

Dinala ko si Amara sa kwarto nila ni Luther kahit na mas gusto ko siyang idala sa isa sa mga guest room dito ay hindi ko ginawa.

"Magiging maayos din ang lahat amara" sambit ko ng maihiga ko ito sa malambot na kama.

Hinaplos ko ang pisngi ng babaeng tinatangi ko.

Alam kong mahal niya ang kaibigan ko pero hindi ko parin maiwasan ang ibigin siya kahit sa malayo.

"Mahal na mahal kita Amara" dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko para mahalikan siya.

Nung maglapat ang labi naming dalawa ay bumalik sa alaala ko ang unang halik na pinagsaluhan namin.

Pero habang nakalapat ang labi ko sa labi ni Amara ay unti-unting nabuo ang imahe ng isa pang babae na kasalukuyang gumuhulo sa isip ko.

Para maiwasan ang makagawa ng kasalanan ay mabilis akong lumayo dito at lumabas ng kwarto.....

In the arms of The Syndicate LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon