Prologue

597 14 1
                                    

Flashback

Sa kahabaan ng eskinita sa ermita manila.....

Tumatakbo akong lumapit kay nanay na abala sa pag-aayos nung karton na gagamitin namin bilang pansamantalang higaan "Nanay! Nanay! Tignan mo oh meron akong perang napalimusan, meron na tayong pambili ng pagkain." Nakangiti ako kay nanay habang masayang pinapakita ang baryang nalimos ko sa kalsada.

"Anak anong (cough) sabi ko sayo?" Maamo ang boses ni nanay kaya gustong gusto ko pag siya ay nagsasalita.

"Huwag pong nagpapakalat kalat sa kalsada." Nakayuko ako ng sumagot ako sa kanya.

"Sinunod mo ba yung bilin ni Nanay?" Muli ay nagtanong siya na tinugon ko ng pag-iling.

"Ang sabi ni nanay ay siya ang magtatrabaho para sa atin, hindi ba?" Tanong ni nanay, walang magawang napatango ako

Tumingin ako kay nanay at nagsalita, "pero nanay pag hindi po ako namalimos wala po tayong pambili ng pagkain." Pangangatwiran ko sa kanya

"Ana-" Hindi naituloy ni nanay yung sasabihin niya dahil agad ko siyang pinutol.

"Nanay, lagi ka ng nagkakasakit tapos hirap pa tayong makakuha ng maayos na pagkain, ayoko po na nakikita kayong nahihirapan, gi-ginagawa ko po ito para makatulong ako sa inyo." May luha sa matang pagsusumamo ko sa nanay ko.

"Pero anak, paano pag nadisgrasya ka sa kalsada? Wala na sa atin ang tatay mo ayokong pati ikaw ay mawawala sa akin, hindi ko yun kakayanin." Nakita kong may tumulo na luha sa mga mata ni nanay

"Maayos ako nanay, walang mangyayaring masama sa akin, saka isa pa lagi tayong binabantayan ni tatay mula sa langit." Niyakap ko si nanay nang mahigpit.

Si tatay namatay siya nung sangol pa ako, hindi ko siya nakilala. Ang sabi sakin ni nanay ay napakabait ni tatay, wala itong naging kaaway nung nabubuhay pa ito kaya naman madami itong naging kaibigan.

Pero kahit ganon ay hindi ibig sabihin non na kaya na nila kaming iahon sa hirap.

Mula daw nung namatay si Tatay ay naging sunod sunod na ang naging problema ni nanay, kaya naman gusto ko siyang matulungan, ayokong maging pabigat kase sobrang hirap na ang dinanas niya.

Bata palang ako dito na kami sa kalye nakatira, gabi gabi yung tinutulugan namin ay pinagpatong patong na carton, may mga time na namumulot na lang kami ng pagkain sa mga basurahan sa labas ng restaurant.

Kaya sobra sobra ang pagsisikap na ginagawa ko kahit man lang sa maliit na paraan ay mabawasan ang suliranin ng aking nanay.

"Nanay, lagi mong tatandaan na nandito lang ako, hindi kita pababayaan." Ngumiti ako kay nanay at hinalikan siya sa pisngi.

"Ikaw talagang bata ka, may angking tigas ang ulo mo!" Tumatawag si nanay habang kinikiliti ako.

"Nanay ahahaha tama na po hahaha!"  Patuloy sa pagkiliti sa akin si nanay habang patuloy naman akong tumatawa at umiiwas sa kanya.

In the arms of The Syndicate LeaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon