ANNE ELLAINE GARCESA
Hindi ako makapaglakad nang maayos maging ang mga kamay ko ay nanginginig bago ko tuluyang buksan ang pinto. Nakita ko sa loob ang isang lalaking may madilim na awra habang matalim ang titig sa mesa. Dinig na dinig ko ang dagundong ng dibdib ko nang bigla niyang igalaw ang ulo niya bago lumingon sa akin.
Ang mga mata niya. Hindi ko nalilimutan kung gaano ito kaalab noong pinasok niya ang apartment ko 2 years ago. Hindi ko maikakaila na nakaramdam ako ng takot noong mga oras na iyon dahil katulad siya nila. Katulad siya ng mga taong pilit kong tinatakbuhan.
"V-vice President, inutusan po ni chairman si Secretary Cruz kaya hindi niya po kayo mabi-BJ." Hindi ko mawari kung saan titingin dahil sa pagka-ilang.
Hindi ko inaasahan na ang lalaking ito ay magiging Vice President. Buong akala ko ay isa lang siyang pagala-galang gangster. Nagpanggap pa siyang security guard dati para lang mapasok ang apartment ko.
"Okay, sige, ikaw na lang." Tiniyak niyang nakatingin ako sa kaniya bago niya bitawan ang mga salitang iyon kaya naman alam kong nakita niya ang gulat sa mga mata ko.
At sinong matinong tao ang mag-uutos mag-blowjob sa loob ng office? Gusto ko siyang singhalan pero unang una ay mataas ang posisyon niya at ikalawa ay nahalos nanuyo ang lalamunan ko kaya hindi rin agad ako nakasagot.
Kung hindi ka lang talaga vice president!
"S-sorry, Sir. Hindi po ako ganiyang klaseng tao." Sinadya kong itaas ang isa kong kilay para manatili sa kaniya ang imahe kong nakita niya dati. Dapat ay hindi ako makitaan ng kahinaan nito lalo pa't mainit ang dugo nito sa akin.
Sunud-sunod akong napalunok nang tumayo ito bigla at unti-unting naglakad papalapit sa akin. "I need BJ right now. Gusto ko ikaw ang gagawa."
Mukhang seryoso siya sa sinasabi niya. Hindi man halata sa itsura niya na manyak siya ay nararamdaman ko na ito ngayon lalo na't sobrang bigat ng pinupukol nito sa aking titig.
"Pasensya ka na talaga, Sir, dahil isa akong developer at hindi-" Hindi ko alam susunod na sasabihin ko lalo pa't puro bulgar na salita ang mga nasa isip ko kaya naman huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "hindi ako isang prostitute o tuta niyo para i-blowjob kayo."
Hindi ko alam pero nababakas ko sa mukha niyang nasisiyahan siya sa sinasabi ko na para bang inaasahan niya ba iyon. Hindi ko na lamang ito pinansin at kinuha ko bigla ang kamay niya. "Bakit hindi na lang po kayo magsarili hangga't wala pa ang secretary niyo?"
Mabibigat ang ginawa kong paghakbang papalabas at hindi na ako muling lumingon pa hanggang sa makalayo na ako sa office nito.
"Pambihira ka, Ellaine! Baka masisante ka na ngayon dahil sa ginawa mo!"
"Ay hindi! Tama lang iyon sa kaniya dahil bastos siya!"
"Pero siya pa rin ang vice president kaya dapat nagtimpi na lang ako..."
"Hindi! Kung magpapakita ka ng kahinaan sa kaniya baka mas malala pa sa blowjob ang ipagawa niya sa iyo!"
Wala sa sariling napatingin ako sa paligid ko dahil pinagtitinginan na pala ako ng mga tao. Tinapik-tapik ko rin nang mahina ang bibig ko dahil nasabi ko ang mga bagay na dapat ay sa isip ko lang.
"Huy, Ellaine! May flowers na dumating para sa iyo! Ikaw ha!" hirit ni Mav pagkapasok ko sa office.
Anong flowers naman ang pinagsasasabi nito-Hindi kaya pinadalhan na agad ako ng bulaklak ng patay ng vice president?
BINABASA MO ANG
Apollo Alcazar (Wild Men Series #8)
RomanceSPG/ R-18/MATURED CONTENT Series 8 of 43 Apollo Alcazar has it all. Money. Fame. Looks. But there is one thing he can't have- Family. Love. Neglected by his father, he diverts his attention to learning new skills. With the help of his grandfather, h...