CHAPTER 6

106 3 1
                                    

“You look tired,” puna ni Hiro sa kaniya kaya naman agad niyang kinuha ang salamin sa bag at tiningnan ang itsura niya.

Kainis! Masyado akong nagpuyat para sa project na iyon. Bukod pa roon ay may tinulungan pa akong umangat ng rank sa Night of the Knights. Nightwalker pa man din ang username pero hindi man lang tumaas ang level kahit ilang oras ng naglalaro. Kinailangan ko pang magpatalo para naman 'yong level ko ay mapunta sa kaniya. Kawawa naman kasi mukhang baguhan pa lang!

“Sabi ko naman sa iyo 'wag kang masyadong magpupuyat, nagmumukha kang zombie,” dugtong pa nito kaya napailing siya.

Magandang zombie,” she corrected him.

He chuckled. “What do you want to eat, Magandang zombie?”

Nalaglag na lamang ang panga nito nang isa-isang nagdatingan ang mga in-order niya bago pa man ito makarating sa napag-usapang tagpuan.

Woah! You're now eating vegetables? Akala ko puro meat lang talaga ang kakainin mo buong buhay.” Tiningnan pa ito ang lahat ng pagkain.

Inunahan ko na kasi alam kong papalitan mo ang ibang orders ko kapag wala kang nakitang may veggies 'no!” sagot niya naman 'tsaka nagsimulang kumain.

“Well, That's good for your health, darling. Hindi naman kita binawalan kumain ng meat, binawasan ko lang.”

TAAS NOO si Apollo habang papasok sa kotse. Tumaas lang naman kasi ng ilang beses ang rank niya sa Night of Knights kagabi. He's wearing ray-ban para hindi lumitaw ang eyebag niyang naipon dahil sa hindi pagtulog.

“Mukha mabuti ang pagdilat mo, Sir” bati sa kaniya ni Levi. May accent pa ito.

Mierda...

“Is it obvious?” tanging nasabi niya bago niya pa man masigawan ito sa baluktot na pananagalog. At least he's trying his best to speak tagalog.

Nakarating sila sa restaurant kung saan nais makipagkita ng kaniyang amang si Zeus. Hindi niya alam kung bakit siya nito pinatawag at bakit dito pa.

Napatigil sa paglalakad nang mapansin ang paghinto ni Liam. Tiningnan niya kung saan napako ang tingin nito at makita niya si Anne Ellaine. She's with a guy, and they're laughing. Napayukom ang kamao niya sa hindi malamang dahilan. Sa ilang segundong pagtitig niya rito ay nagtama ang kanilang mga paningin. Hindi siya umiwas ng tingin bagkus lalo pa siyang nakipagtitigan dito. Naputol na lamang ito nang makarinig siya ng mahinang paghikbi. It was Liam.

“What's wrong?” tanong niya rito. Umiling lang ito at nagpatuloy sa paglalakad na parang ito pa ang amo niya.

Muli siyang napalingon sa dalaga, nakatingin pa rin ito sa kaniya. Laking gulat niya ng makita itong itinaas ang middle finger. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ng empleyadong ito kaya naman kumurap muli siya ng isang beses upang malaman kung totoo ba ang nakita. Naka-peace sign na ito.

I'll check the CCTV footage later at kapag nalaman kong tama ang nakita ko. You're fired, Victoria, Analyn, Anne Ellaine or whoever you are.

“You're twelve minutes late, Apollo,” bungad sa kaniya ng ama.

“I assumed you'd be grateful since I appeared.,” sarkastiko niyang sagot dito.

Hindi naman ito pinansin ni Zeus. Laking gulat niya nang sabay silang lumikha ng mahinang tunog sa lamesa gamit ang kanilang mga daliri.

Apollo Alcazar (Wild Men Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon