THIRD PERSON POV
MAGKASALUBONG ang noo ni Ellaine matapos niyang lumabas sa opisina ni Apollo. Pang-isang linggo pa lang nito sa posisyon ngunit halos lahat ng trinabaho niya mula sa umpisa ay pinuna nito.
"May galit siguro sa akin ang lalaking iyon," mahinang sabi niya sa sarili bago makarating sa labas ng opisina nila, "wala namang problema sa design pero halos lahat gusto niyang ipabago!"
Pipihitin na sana niya ang doorknob ngunit nakita niya ang secretary ni Apollo na may hawak na plastic na may puting tubig
"Secretary Cruz!" tawag niya rito. "Ano iyan?"
Ngumiti nang abot laging ang secretary. "Ito ba? Gusto kasi ni Vice President ng bj-"
Agad niyang tinakpan ang bibig nito dahil baka may ibang makarining.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Ang bastos ng bibig mo, secretary, ah!" puna niya rito.
Nagtataka naman itong tumingin sa kaniya. "Huh? Ano rin bang pinagsasasabi mo, Ms. Garcesa? This is bj!"
Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo.
What bj?! Bj nang bj itong babaeng ito napakabastos ng-OMG! Hindi kaya ang puting iyon ang-ang bababoy nila!
"I-iyan b-ba a-ay...se-sem..." Hindi niya na tinapos ang sinasabi dahil sa pandidiri.
"Ewan ko sa iyo, Ms. Garcesa. This is bj! Buko juice!" naiiling na sabi nito sabay alis.
Buko juice ang bj? What f*ck! I even told him na magsarili na lang noong sinabi kong hindi ko siya mabi-bj! Buko juice pala ang ibig niyang sabihin.
Tuluyan na siyang pumasok sa opisina na pinupukpok ng dalawang kamay ang kaniyang ulo.
"Masisiraan na yata ako ng bait sa lalaking iyon!"
Napatingin naman ang mga katrabaho niya na napailing na lang dahil ganito lagi ang eksena nito.
"Gusto niya yata, e 'yong design ng games ay 'yong walang maglalaro! Mala-sinaunang panahon itong pinapabago niya!" Ang kamay niya ay nag-iiba ng direksyon na para bang may tao siyang pinagsasabihan niya ng problema. "Tapos...tapos... 'yong tungkol sa buko juice pa!"
Agad naman siyang hinila ni Laurstine, " 'Yong bibig mo, girl, walang preno! Muntik na ako magkamali sa ginagawa ko!"
"Hindi ka pa ba nasanay riyan kay Ellaine, Laurs?" biglang pagsali ni Mav sa usapan. "Tainga mo na lang ang mag-aadjust sa kaniya."
She just rolled her eyes. Sa susunod niya na iisipin ang tungkol sa bj. Ang trabaho muna ang aatupagin niya. Dumiretso agad siya sa kaniyang table upang kuhanin ang sketchbook nang makapag-sketch siya sa gagawing design ng mga hero para sa susunod na project. Ang gusto sana ng BOSS nila ay 'yong sikat ngayon na dinevelop niya ang babaguhin pero naisip niyang gumawa na lang ng bago kahit na matagal itong gawin.
Itinaas niya ang kaniyang kamay 'tsaka nag-inat-inat makalipas ang mahigit isang oras. Maririnig din ang lagutok ng kaniyang leeg ng magkabila niyang ipinilig ito. "Sa wakas, tapos na rin."
Tiningnan niya ang mga itsura ng karakter na ginawa niya base sa sinabi sa kaniya ni Apollo. Napansin niyang ang pigura ng bawat lalaking nagagawa niya ay katulad ng kaniyang boss. Dahil siguro ito sa inis niya rito kaya pati sa paggawa ay naiisip niya ito.
BINABASA MO ANG
Apollo Alcazar (Wild Men Series #8)
RomanceSPG/ R-18/MATURED CONTENT Series 8 of 43 Apollo Alcazar has it all. Money. Fame. Looks. But there is one thing he can't have- Family. Love. Neglected by his father, he diverts his attention to learning new skills. With the help of his grandfather, h...