CHAPTER 1: VICTORIA

324 3 0
                                    

APOLLO ALCAZAR
(August 2015| Manila, Philippines)

Mierda!

It has been six f*cking months, yet I still haven't found the murderer! The videos have all vanished! They must have removed it before the cops looked into it. With the exception of this handkerchief with the name "Victoria" in print, I am unable to locate any other hints.

Victoria...Hindi maaaring brand name lang ito dahil hindi ganito ang design ng Victoria brand. Sigurado akong pagmamay-ari ito ng killer at ang nakalagay rito ay ang pangalan niya.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil hanggang ngayon maging ang nag-iisang ebidensya ko ay wala ring silbi. For so long, I've been the best agent pero itong mismong pagkamatay ni mom wala akong makitang kahit ano. Isa pa akong walang silbi!

"What's wrong, Apollo?" tanong ni Jeru habang may iniinom itong wine.

"Nothing."

"Sigurado kang wala kang problema?" Napatingin pa ito sa hawak kong handkerchief.

"Yes."

"Okay, that's good. Baka puwede mo ng ipagpatuloy ang ipinapagawa ko sa iyo." Inabot nito ang wine na iniinom niya sabay alis.

He wants me to spy Demetrio Esquivel. That's the reason why I am here in the Agrianthropos City. It's an underground society na talamak ang kriminal pero masasabi ko na bigatin sila.

Ni-refer ako sa kaniya ni Moonlight. Sinabi niya na kinakailangan ko munang sumali sa Feodus. Sakto naman na pinapasundan din sa akin ni Zobel Castillejo ang anak niyang si Logan Castillejo na kasali rin pala sa organisation na iyon kaya naman sumali rin ako-hindi para ipaalam kay Zobel kun'di para malaman ko kung saan ba pumupunta si Logan dahil lagi itong naglalaho na parang bula tuwing sinusundan ko ito malapit sa Tagaytay kasama ang dalawang tuta niya. Kinailangan ko pang sumalang sa matinding initiations para lang makapasok. Bukod doon ay baka makatulong sa akin ang organisasyon para sa hustisya sa pagkamatay ni mom

Halos mabasag ko na ang wine glass nang muli kong balikan ang nangyari bago ako napunta sa lugar na ito.

***(Two months ago)

"How many times do I have to tell you, Apollo, that your mom died because of her illness!" my father yelled as he entered his new wife's office.

"Illness? P*tang ina mo! Walang sakit si mom bakit walang autopsy na nangyari!I know you and your f*cking mistress planned this so stop playing dumb, Zeus!" he flinched as I called him by his name.

I will have no respect for anyone who mistreated my mom.

"Bakit? It is because of the text that I've received? I already told you that your mom and I are perfectly fine before she died! She even congratulated us-"

"Congratulated my foot!"

Umalis na ako ng office dahil pawang kasinungalingan lamang ang maririnig ko kaya bakit pa ako makikinig?

Gusto nila palabasin na inatake si mama sa puso at kaya nabagok ang ulo niya ay dahil tumama ito sa mesa na malapit sa kaniya pagkabagsak niya. Ano ba namang dahilan iyon?! Para silang high school kung gumawa ng kuwento!

I walk as fast as I could to get out here. Hinding hindi na ako aapak sa kompanya na ito sa oras na makulong ang isa sa kanila.

Palabas na sana ako ngunit may isang babaeng magulo ang buhok ang naghahalungkat sa kaniyang bag ang makakasalubong ko. Agad akong umiwas ngunit kung saan naman ako tumungo ay doon din siya naglakad.

Apollo Alcazar (Wild Men Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon