45

629 16 0
                                    


I immediately felt the cold morning breeze as I stepped outside of the building. Talagang amen at thank you Lord dahil makapal na tshirt 'yong sinuot ko!

Tinakbo ko na agad ang distansya ng entrance at kotse ni Rad.

"6 minutes kang late." Bungad niya.

I rolled my eyes pero narealize ko na ako nga pala ang may favor kaya ang dapat na pagsusungit at pagsagot ko ay napalitan ng ngiti.

I sat down and put my seatbelt on. First things first! Safety first!

"Hindi pa ako kumakain." I said.

"Sinong nagtanong?"

"Share ko lang naman kasi!"

Wala na siyang sinabi pero after ng ilang minutes nasa McDo na kami.

Lumabas kami ng kotse. Kung bakit hindi kami nag drive thru ay hindi ko rin alam. Well, I also think it'll be faster if we order inside.

Bago ako pumasok ay hinintay ko siya. Binato niya pa sa 'kin yung jacket na kanina nakasampay sa may sandalan ng driver's seat dahil hindi pala sapat 'yong kapal ng tshirt at mukha ko sa lamig.

"Thanks!"

Pagpasok, tuloy agad kami sa counter. Tuwang tuwa akong nilabas ang wallet ko dahil available ang 'yong usual order kong McCafe. 

"Ako na, libre ko na." He smirked and tapped my shoulder. It's as if he did something to be proud of. Parang ewan.

"Luh." Ang tanging nasabi ko at tinignan siya. "Okay, di ako tumatanggi sa libre."

Inayos niya pa 'yong buhok niya at tinapik tapik ang dibdib niya sabay pose.

"Para kang tanga."

Iniwan ko siya don sa counter at umupo sa may upuan malapit sa pintuan.

Mabilis lang naprepare 'yong order namin. Sabi ni Rad, don nalang kami kumain para tuloy tuloy na ang drive niya. Hindi naman din kalayuan ang divisoria kaya 'yon ang ginawa namin.

Habang umiinom ng kape, nakatingin lang ako sa labas. It's only 5 am, sun's just about to rise. Konti pa lang ang mga tao, yung iba ay parang nagjo-jogging. Ganto madalas naabutan ko dahil kahit walang morning training ay lagi ako lumalabas pag madaling araw. Nasanay na katawan ko sa ganitong oras ng gising.

I looked at Rad, who's now peacefully eating his chicken sandwich. Kukuha pa lang ako ng fries sa may lagayan, tinapik na niya 'yong kamay ko. Hah!

"Sabi mo ayaw mo. Shoo shoo." He said with hand gestures.

"Damot amp. Isa lang!" Inirapan ko siya at uminom nalang ng kape. Nang may kinukuha siya sa bulsa niya, mabilis akong dumakot ng fries at sinubo sa bibig ko.

Dumila ako at nag make face sa kanya. Wala na rin naman siyang nagawa. Alangan naman kuhain niya pa sa bibig ko, 'di ba?

Pagtapos kumain, umalis na rin kami.

"Nag aaral ka ba? Bat parang wala kayong ginagawa? Hindi ka busy?" Tanong ko.

"Baka magulat ka pag naglabas na ng mga dean's lister, baka mas mataas pa grade ko sayo."

"Woah, yabang dude pare chong!"

"Ako lang to, Cher." He chuckled.

Actually, Reeca, his twin, is smart. Smart as in 'yong natural at pinanganak ng matalino, yung tipong kahit hindi magreview ay lagi pa rin mataas ang grades. Kaya hindi na rin siguro ako magugulat kung ganon din si Rad kasi malamang kambal sila? Sana all diba!

Ako, hirap na hirap pag nagsasabay finals at mga compet. Minsan pati mga paper works ay nakikisapaw pa kaya halos mabaliw ako pag ganon.

I asked him if we could play some music and he just nodded. Binigay niya sa 'kin ang phone niya at bumungad pa talaga 'yong notification ng huling message ko kanina at ang nickname ko sa phone niya.

"Shorty?! hoy okay kaya ang height ko compare sa iba no! I mean, matangkad na siya for girls!" I said.

"Too short pa rin." He laughed. "Ano nga uli height mo?"

"Hindi na maliit ang 5'4 and a half no! Matangkad ka lang talaga."

"Yeah, 5'4."

"And a half. Wag mo kalimutan yung half!"

Palibhasa ay 6 footer siya. Tsaka sa Pep Squad, usually mga petite talaga ang members. Sa 'min nga ay isa na ko sa mga pinakamatangkad sa girls.

Nang makaget over na ko sa nickname ko na yon, nagpatugtog na ko ng kanta galing sa spotify playlist niya. Parang nakakatatlong kanta pa lang ay nasa divisoria na kami sa sobrang luwag ng daan.

Pagkababa, hinatak ko na siya agad para makabili na nung tela tsaka mga feathers feathers na kailangan.

Medyo marami ng tao kahit pasikat pa lang ang araw. Akala ko maghihintay pa kami magbukas 'yong bibilhan.

"Kulit, dito nga yon! Tignan mo oh..." Sabi ko sabay pakita nung sinend ni Coach Anne.

"East part nga eh, eto ang east." Sagot ni Rad habang tinuturo yung kabilang side.

"Tangek, pag dito ka nakaharap, eto yung east, dito ang kanan."

Gosh pati ito ay di mapagkasunduan!

Ang ending, parehas kaming mali dahil iba pala 'yong pinagtatalunan namin na way. Sa kabila pala yung hinahanap namin.

--

Daybreaks and Coffee ✔️Where stories live. Discover now