I don't know how many days have passed since that day. Nagkikita kami madalas sa gym kapag time na ng training nila at tapos ng sa 'min. We'd smile and greet each other. Sometimes, he'd buy coffee for the two of us tapos iibibigay niya sa 'kin o kaya iiwan kila Adi kapag wala ako.I took my time to think dahil katulad ng sinabi ko, ayaw kong mapunta sa sitwasyon na hindi ako 100% sure. Ayakong mapunta sa sitwasyon na pati siya ay maguguluhan sa 'kin. Constant din ang pagpapaalala at pagsasabi niya na wag kong i-pressure ang sarili ko.
Kinausap ko rin si Reeca at nagkwento ako sa kanya ng mga na-missed niyang ganap sa life ko.
"I knew it! Kaya pala tanong ka nang tanong lagi pag minsan pumupunta siyang España pero hindi nagsstay sa condo!" She laughed.
"Huh! Curious lang talaga ko 'no.."
"Okay. if you say so."
I actually don't know when it all started. Basta pag tumitingin ako sa kanya kapag nagda-drive siya o kaya pag may ginagawa siya, parang ang aliwalas ng mukha niya. Ang sarap na biglang tignan. Nahirapan pa ako i-admit, pero ang gwapo gwapo niya.
Those daybreaks we spent together while drinking coffee, asaran during trainings, and how can I even forget the unplanned tagaytay roadtrip?
Literally no dull moments when I'm with him. Parang ang saya-saya ko lagi kapag kasama siya, hindi ko lang napapansin noong una dahil ang nasa isip ko ay kaibigan ko siya. Palagi kong dini-disregard yung thought siguro kasi dahil takot ako? takot ako sa pwede mangyari sa mga susunod na araw, takot ako dahil bago ko lang nafeel 'yong ganon, at takot ako na baka temporary lang 'to at baka overwhelming lang sa 'kin na magkaron ng malapit na kaibigang lalaki.
Now that I'm sure of what I feel, I guess there's no other way than to take a risk? Parehas naman namin gusto ang isa't isa so WHY NOT diba?
Siguro iisipin ko nalang na kung magsisisi man kami, sa huli pa naman. Joke! wag naman sana!
"Okay! Goods na yan for today!" Sigaw ni Coach Armando nang matapos namin 'yong routine na tinry namin.
Pagkababa sa 'kin, pumunta agad ako sa may water jug dahil sobrang pagod at hingal na hingal ako! Para akong tumakbo ng ilang kilometro. gosh. ikaw ba naman ipagbatuhan nang ilang beses.
"San tayo?" Demi asked.
"Gagi kayo, di ba kayo pagod? Gusto ko na matulog!" Sagot ko habang inaayos 'yong gamit ko sa bag. Ang mga 'to parang walang kapaguran!
"Ang aga pa, anong matulog ka diyan! SM tayo!" Pangungulit niya pa.
"Tama behavior! May dinner ba ngayon sa canteen?" Si Arkianna na nag aayos din ng gamit niya.
"Malamang, teh. Kelan ba nawala? Ikaw lang 'tong nag sskip kasi ayaw nung pagkain, buti nalang di ka na natsetsempuhan."
"Hoy minsan lang yon! tsaka healthy pa rin naman kinakain ko 'no..."
Sa huli, hindi nila ako napilit dahil feeling ko talaga sobrang pagod ako ngayong araw. Pinaglaro rin kami kanina sa P.E class namin kaya siguro ganto. Si Arki naman ang taas pa rin ng energy.
Pagtapos kumain, deretso na ako sa dorm. Naglinis ako ng katawan tapos humiga na pero nung tinry ko na pumikit para matulog, hindi naman ako matulog. Nice!
Tumayo ako at kinuha 'yong wallet ko sa may lamesa para bumili sana ng hot choco sa may baba o kung ano mang inumin na makikita ko.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako dahil nakatayo doon si Rad.
"Hi?" He hesitantly said and smiled. May hawak siyang dalawang cup ng hot choco ata. Wow! Just when I needed it!
"Uh... hot choco?" He gave me the drink. Kinuha ko 'yon at lumabas na ng unit para maisara yung pintuan.
"Aalis ka?" Tanong niya.
"Bibili sana ng inumin pero dahil may binigay ka na libre, sino ba naman ako para tumanggi?" I chuckled. "Roof deck?"
Hindi ko alam kung bat doon ko siya niyaya. Napadasal tuloy ako na sana bukas doon! Sumunod lang siya sa 'kin at hanggang sa makasakay kami sa elevator ay walang nagsasalita.
Not that it's awkward. Comfortable naman 'yong katahimikan. Buti nalang.
"Usap tayo?" Tanong ko nang makarating kami sa taas. Nginitian ko siya at ganoon din ang ginawa niya.
Lord, ang pogi niya po, final na po ba, ibibigay niyo talaga 'to sa 'kin?
YOU ARE READING
Daybreaks and Coffee ✔️
RomanceIn another UAAP Universe. An Epistolary. ~ The thought of liking her bestfriend's twin never crossed Cher's mind for they'd either just ignore each other or talk whenever Rad would bring up Cher's past embarrassing moments. When he moved to the same...