06

235 8 0
                                    

Gusto kong batuhin si Laya dahil kanina pa siya palakad-lakad na parang siya ang kinakabahan. Noong natapos ang hapunan, nagsipasok na kami sa mga kwarto namin. Ngayon ay kasama ko si Ate Angela dahil mag-uusap din kami.

"Hindi mo ba papakalmahin si Laya?" tanong ni Angela. Umiling ako at itinuon na lang ang attention sa cellphone ko. Naglalaro lang ako dahil wala naman akong kausap.

"Hayaan mo siya, mahihilo rin iyan mamaya." Walang gana kong sabi. Alam kong kinakabahan at pinoproblema ni Laya kung ano ang pag-uusapan namin ni Lolo mamaya.

Sa oras na ito ay kausap na ni Lolo si Lazardo, inaantay ko na lang na ako ang tatawagin kaya naman habang hindi pa ako tinatawag, kakausapin ko muna si Angela. "Ano bang sasabihin mo sa akin, Ate Angeloa?" tanong ko. Umayos naman siya ng upo sa kama ko, humarap sa akin at agad na binawi ang phone ko kaya sumimangot ako sa kanya Nakikita niyang may ginagawa ako e!

"Ano ba talagang ginawa mo kanina? Hindi mo ba alam na ang laki ng gulong pinasok mo? Muntik na mawalan ng trabaho si Lazardo dahil sa'yo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Angela. Ganoon ba talaga kalala para sa kanila ang ginawa ko?

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko.

Malay ko bang napaka-big deal sa kanilang lahat. "Jeanna told Lolo and I guess Laya already told you this. But Fianna, ang problema kasi ay binaggit ni Lolo na hindi na makakapunta si Lazardo rito kapag naulit ang ginawa mo." Mas lalong kumunot ang noo ko.

Come on! Mapa-Manila o probinsya, pareho silang lahat. "Angela, wala akong pakealam-"

"Alam ko pero sana magkaroon ka ng pakealam sa taong mawawalan ng trabaho." What's with her?

Kung si Jeanna ang dahilan kung bakit nabuking si Lazardo, bakit si Angela ang sobrang problemado kung mawalan ng trabaho ang lalaking iyon? May hindi ba ako alam bukod sa feeling ex si Jeanna kay Lazardo?

"What's with you? Bakit galit na galit ka kung mawalan man ng trabaho ang hindi natin kapamilya, Angela?" Taas kilay kong tanong.

Umiwas naman siya ng tingin at saka tumayo. May mali sa inasta niya. "Tama si Lolo, habang nandito ka ayusin mo ang buhay at ugali mo kung gusto mong bumalik sa Manila-"

"Bakit ikaw? Kayo? Mukhang nasunod niyo naman si Lolo palagi at mukhang nagbago naman kayo, bakit nandito pa rin kayo? Ayaw niyong umalis?" tanong ko.

Dahil totoo, may iba sa mga pinsan ko na matagal na rito at mukhang naging matino naman sila pero bakit nandito pa rin sila?

"Matutulog na ako, maaga pa tayo bukas." Agad akong lumingon kay Angela dahil kahit isa sa tanong ko ay wala siyang sinagot. Mabilis siyang lumabas ng kwarto ko.

May mali sa mansyon na ito. Ang dating mga taong kilala ko ay malaki ang pagbabago. Well, ako rin naman noong nasa Manila na ako pero iba rito, ngunit hindi ko malaman kung ano.

Napahinto ako sa pag-iisip nang tumunog ang pintuan at nakita kong papalabas si Laya kaya agad ko siyang pinigilan. Dahan-dahan naman siyang umupo sa kama ko nang inutusan ko siya, hindi siya makatingin sa akin. Kung may isang tao man na nakakaalam sa nangyayari rito sa mansyon, si Laya iyon. Baka kapag may nalaman pa ako mula sa kanya ay papasalamatan kong chismosa siya.

"Bakit Ma'am?" tanong niya at halata sa mga mata na ayaw niya akong kausapin. "Anong oras na rin po ay baka hindi ka na tatawagin ng Lolo mo-"

"Anong alam mo?" Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko at pagputol ko sa sinasabi niya. Umiwas siya ng tingin at akmang tatayo ulit nang hawakan ko ang kamay niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sabihin mo, Laya. Anong alam mo?"

"Ma'am ang sabi mo masama iyon, bakit ka po nagtatanong?" Kung sapakin ko kaya siya ngayon? Huminga ako nang malalim at pinakalma ang sarili.

"Simula ngayon, i-ku-kwento mo na sa akin lahat ng alam mo. Kahit background ng mga pinsan ko, ni Lolo, Lola at mga katulong dito, babae man o lalaki. Kung gusto mo, i-kuwento mo na rin sa akin kung ilan ang anak ng mga hayup dito. Basta lahat." Mabilis kong sabi sa kanya.

"Bakit po? Kung sumama ka na lang po kaya sa akin para makinig ng mga kwento at hindi ka po umalis ng mansyon para hindi ka mapahamak-"

"Laya! Ano ba? Ako ang amo mo, bakit ka ganyan? Nagiging blanko at walang alam ako rito, nagugulat ako sa mga pinapakita ng mga tao. Hindi ka ba naaawa sa akin?" Naiinis na ako sa kanya ah!

Siya naman ngayon ang huminga nang malalim. "Sige Ma'am, sasabihin ko po lahat kahit hindi ka magtanong. Pero matulog na po kayo, maaga kayo bukas." Umiling ako sa kanya.

Tiningnan ko ang oras at mukhang tama siya, hindi na yata ako tatawagin ni Lolo dahil alas nuebe na ng gabi. Hindi pa ako inaantok.

"Dito ka na matulog, i-kwento mo sa akin lahat dahil hindi ako makatulog."

"Po? Sa sahig po ako matutulog? Ayaw ko, Ma'am. Malambot ang kama sa kwarto namin, kasing lambot ng kama mo." Isa na lang, masasapak ko na siya.

"Simula nang dumating ka rito, ang arte mo na. Sa kama ko ikaw matulog, magtabi tayo kaya mag-kwento ka na-sino iyan?!" Napahinto ako sa pagsasalita nang may kumatok. Nagkatinginan naman kami ni Laya bago siya tumayo at pagbuksan kung sino ang kumatok.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Gabi na, kakatok pa. "Sino ba iyan, Laya?" tanong ko habang papalapit kay Laya sa pintuan.

"K-kuya Lazardo, bakit po?" Hindi ko natuloy ang paglalakad ko dahil sa narinig mula kay Laya. Agad akong lumingon sa kanya at nakita ko si Lazardo na nakatingin sa akin.

"Kakausapin ko lang sana si Miss Fianna, maaari ba?"

"Ah opo, sige po. Pasok po kayo-"

"Hoy, Laya!" Hinila ko siya agad, sinamaan ng tingin. Bakit niya pinapapasok si Lazardo? Parang bahay niya lang 'tong kwarto ko ah. "Huwag kang magpapasok ng ibang tao sa kwarto ko, paano kung may gawin sila-"

"Ma'am, si Kuya Lazardo naman po siya at kanina po nagpapasok ka ng ibang tao, anong pinagkaiba no'n?" Katulong ko ba talaga siya o pilosopong nilalang sa buhay ko?

"Babae si Angela, lalaki siya. Umalis ka nga muna." Hinila ko pa siya at pinaalis sa harap ko.

Bumaling naman ako sa lalaking kaharap ko at tinaasan ng kilay. Anong kailangan niya at gabi na para kausapin pa ako.

"Pasensya na sa isturbo, hindi ko batid na bawal pala pero kung maaari? Pwede ba kitang makausap sa veranda?" Ang galang niya naman.

Inirapan ko na lang siya at tumango. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na kausapin siya, siguro dahil gusto kong malaman kung ano rin ang pinag-usapan nila Lolo.

Nang makarating na kami sa veranda, at ilang minuto ang lumipas ay tahimik lang kaming dalawa. Nawala na ang ulan pero malamig pa rin.

Lumingon ako sa kanya nang tumikhim siya, kahit madilim ang kalangitan at ang tanging liwanag na nagbigay sa amin ay ang dim lights sa sala dahil nasa veranda kami ng sala nagtungo, nakikita ko pa rin kung gaano kaganda ang hugis ng kanyang mukha.

"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin kaya naiilang ako, hindi naman nagsasalita.

"Hindi mo ba tatanungin kung ano ang sinabi ng Lolo mo sa akin?" Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya. Ano naman sa akin?

Pero iyon nga pala talaga ang gusto kong malaman kaya wala na akong nagawa kundi itanong sa kanya. "Ano? Anong sabi ni Lolo sa'yo?"

Halos manlaki ang mga mata ko at umatras nang bahagya sa kanya dahil bigla siyang lumapit sa akin. "Bakit ka lumalapit? A-anong gagawin mo?" Kinakabahan ako sa inaasta niya. Naaamoy ko ang pabango niya, ang hininga niya. Ang bango.

Ano ba talagang gusto ng lalaking ito, hindi niya man sinagot ang tanong ko tungkol kay Lolo. "Sasabihin mo ba o hindi? Para makatulog na ako dahil maaga pa raw kami bukas-"

"Don't wear anything like that again when you are here or you are with me." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

So, it's about the clothes I wear?

Tinaasan ko siya ng kilay. "Alam ko na kaya bakit galit si Lolo, sorry okay? Kung mawawalan o baka nawalan ka na ng trabaho dahil sa akin pero anong magagawa ninyo-"

"Just don't wear that again, ayaw kong mapalayo sa'yo, Fianna. Aalisin ako ng Lolo mo kapag nalaman niyang hindi kita napapasunod."

Hacienda La Vieda Series #1: Fire of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon