12

228 8 0
                                    

My Lolo is insane! Bakit niya nagawa iyon? I need to find Lazaro.

"And where do you think you're going, Fianna?" Sinamaan ko ng tingin si Jeanna nang magsalita ulit siya at akmang tatayo rin sana ako mula sa kama ko. Wala akong panahon sa kanya.

"At bakit? Isusumbong mo na naman ba ako kay Lolo? Alam mo, ikaw? Kung sino man ang may kasalanan simula nito, ikaw ang dahilan. Kung sana tumahimik ka na lang at hinayaan ako sa mga gusto kong gawin e'di sana naging maayos ito!"

Because it's true. Kung hindi lang siya nagsumbong, hindi rin naman sana pagdududahan ni Lolo si Lazardo.

"Wow? So, it's me now, huh? Ako pa talaga ngayon? Sino ba itong tangang gumawa ng katangahan habang nandyan si Lolo? Dinamay mo pa si Lazardo sa pag-alis mo, hinayaan mo iyong taong kalabanin si Lolo para sa'yo. You know what? Sana hindi ka na lang dumating dito dahil kasalanan mo naman talaga-"

"That's enough, Jeanna. Walang may gusto sa nangyari," si Angela na ngayon ay seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Jeanna.

Jeanna smirked as if she don't care what Angela were saying. "Grabe, bakit kaya binigyan ako ng dalawang pinsan na ang isa ay sakit sa ulo, halatang malandi at ang isa naman ay santina, nasa loob ang kulo. Come on, Angela." Bumaling siya kay Angela. "Kaya mo kinakampihan itong si Fianna dahil nangyari sa kanya ang nangyari sa'yo noon, hindi ba? Ako na naman ang mali kahit na kasalanan ninyong dalawa."

"Ate, tama na."

"No, Alex! Sila ang tama na. Sana alam nila o alam naman talaga nating lahat dito na malupit si Lolo sa atin, wala siyang pinapalampas pero sana naman, 'di ba? Sana nag-ingat tayong lahat dito para hindi madamay ang iba!"

Ramdam ko ang galit ni Jeanna, she's right pero wala akong oras para sumang-ayon sa kanya ngayon. I really need to find Lazardo or Lolo. Papakiusapan ko siya tungkol kay Lazardo.

Again, I was about to stand up when Angela held my hand. Tiningnan ko siya sa mata, walang bakas na pag-alala kundi seryoso lamang. Hindi ko maramdaman kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil sa tingin niya sa akin.

"You're not allowed to go out, Fianna. Our parents will be here tomorrow at pinagbawalan tayong lumabas, kahit isa sa atin ay bawal. At alam ko ang iniisip mo pero huwag muna ngayon. Pahupain muna natin ang galit ni Lolo," mahabang paliwanag niya.

Pero nakuha niya ang attention ko na pupunta ang mga magulang namin dito? Nalaman nila? Kung ganoon, kukunin na ba ako nila Mommy? It should be, ayaw ko rito. Pero bago iyon, kailangan ko munang makita at makausap si Lazardo. Alamin kung ano ang nangyari sa kanila, sa kanya. Kapag nakita ko ang sitwasyon niya baka mas lalo lang akong ma-guilty, ayaw kong magtanim ng guilty sa loob ko. Hindi ako makakatulog.

Bumaling ako kay Jeanna at Alex na lumabas ng kwarto ko, sumunod ang ibang pinsan ko at nagpaiwan naman si Angela. I looked at him, kung kanina ay pinakita niya sa akin ang seryosong mata ngayon ay nangingilid ang kanyang luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Bakit? Anong nangyari?" Kumunot ang noo ko sa kanya at nagtanong.

Bakit niya ako bibigyan ng ganitong tingin? Huminga siya ng malalim, umupo sa kama ko.

"Lazardo and Lorenzo went to Manila, kaya pinigilan kita kanina na umalis dahil alam kong hindi mo na sila maabutan." Umawang ang labi ko sa gulat dahil sa sinabi niya.

Manila? Kung galit si Lolo sa magkapatid na sina Lazardo at Lorenzo, Manila is not for them. Maraming connection si Lolo sa kahit saang lugar at kung gusto niyang magulo ang buhay nilang dalawa, gagawin niya. Why in Manila? Sana nagpakalayo sila, sa ibang bansa! Pero natigil din ako sa iniisip ko nang mapagtantong mahirap lang sila, wala silang kakayahan na umalis sa Pilipinas.

I heaved a sigh. At least, hindi si Lolo ang makakaharap nila. Okay na siguro iyon.

Tumango ako kay Angela at humiga pabalik, "magpapahinga ako. Gising mo na lang ulit ako kung nandito na sila Lolo. Kailangan ko ng lakas para maharap ang magulang ko."

Matagal natahimik si Angela, hinayaan ko lang siyang tumayo. Hindi pa rin mawala sa aking isipan si Lazardo, gusto ko siyang makita!

"Do you like him?" I stopped of what I am thinking when Angela asked the stupid question.

Binalingan ko ulit siya at nagtatakang tumingin sa kanya. "What are you talking about, Angela?" Ngumiwi ako sa kanya.

"Do you like Lazardo, Fianna?" Ano ba ang dapat kong i-react sa tanong niya? Matawa o mas lalong magulat? Bakit niya ba naisipan ang ganitong bagay, of course not! I don't like him.

"Hindi ko siya gusto, Angela. Alam mo ang mga tipo ko at bakit ko naman siya magugustuhan? Hinahanap at nag-alala lang ako dahil kasalanan ko kung bakit nangyari sa kanya iyon. I can't be guilty forever." Diretso kong sabi sa kanya.

Because it's true. Hindi porket nag-alala ako sa tao ay may gusto na ako. Even I am like this, alam ko pa rin naman paano maawa.

"Good to hear that, alam kong hindi mo na siya makikita rito kaya mas mabuti kung hindi mo siya magustuhan. Kilala man kita pero mas kilala ko ang magkapatid. Stay away from Lazardo, hindi dahil kay Lolo kundi para sa'yo."

There! Ngayon ay hindi ko na naman siya maintindihan na tila ba sa bawat bigkas ng mga salitang lumalabas sa bibig niya ay siya lang ang nakakaintindi.

"Ano bang pinagsasabi mo at hindi kita maintindihan, Angela. Bakit ko ba siya magugustuhan at anong lalayuan ko siya kung sakali at hindi iyon dahil kay Lolo? What is it, Angela? Tell me."

Mas lalo siyang huminga nang malalim, umiwas ng tingin mula sa akin. Damn it, I don't understand her. Kung makapagsalita siya ng ganoon ay para bang isang panganib si Lazardo sa akin.

"Hindi mo na dapat malaman pa. Magpahinga ka na, hindi na rin naman kayo magkikita at naniniwala akong hindi mo siya gusto. Rest, cousin."

And that's it! Iniwan niya akong naiinis sa kanya, pabitin siya! Sinigaw ko pa ang pangalan niya para pabalikin pero patuloy ang pag-alis niya sa kwarto ko.

Bakit niya ako pinagbawalan kay Lazardo na hindi hamak ay isa lang sa trabahante si Lazardo sa hacienda. Malayo ang agwat naming dalawa at alam kong hinding-hindi ko magugustuhan ang mga katulad ni Lazardo. I have a high standard when it comes in men.

Hacienda La Vieda Series #1: Fire of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon