16

246 2 0
                                    

Naramdaman kong ipinasok niya ang kanyang kamay sa loob ng dress ko. At dahil sa ginawa niyang paghaplos, nakaramdam ako ng kakaibang sensation sa buong katawan ko.

"Lazardo..." Hindi ko na makilala ang sarili kong boses sa pagbanggit sa pangalan niya na tila ba ibang tao ang nasa loob ko.

Hindi naman ako ganito sa ibang lalaki kahit na paghaplos lang ang ginawa nila ngunit bakit ngayon na siya ang gumawa ay kakaiba. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili na kusa kong ibinigay ito sa lalaking hindi ko naman masyadong kilala.

"I'm sorry for leaving you..." he whispered between our kisses.

Yes, he left. Pero alam kong kasalanan ko rin iyon.

"Uuwi na ako, baka hinahanap na nila ako." Tinulak ko siya palayo sa akin at inayos ko ang dami ko.

Hindi ko gusto ang epekto niya sa akin, para akong nababaliw. "Ihahatid na kita."

Agad akong umili. "Kaya kong umuwi mag-isa. Baka makita ka pa ni Lolo at ano pa ang gawin niya sa'yo." Nakita ko siyang inayos din ang suot niyang damit.

Umiwas ako ng tingin sa kanya nang makita kong may umumbok sa suot niyang pantalon. Damn it. Binitin ko ba siya?

"Fiana, let's go?

Gulat akong tumingin sa kanya, kanina pa ba ako nakatingin sa pantalon niya? Damn it, what the hell are you doing, Fiana?

"Uh, hindi na, Lazardo. Ako na ang bahala umuwi."

"Kaya kitang ihatid, and umuulan din."

Dahil sa sinabi niya, tumingin ako sa bintana at totoo nga. Bakit ba umuulan? Ang init pa kanina noong pumunta ako rito ha.

"Choose, ihahatid kita dahil maulan or mananatili ka muna dito dahil umuulan?"

Seriously? Ayaw kong manatili rito kasama siya dahil nahihirapan akong gumalaw kapag malapit siya sa akin. Hindi ko alam, saglit lang kaming magkasama noon at ngayong nakita ko ulit siya ay parang mas lalong lumala na ayaw ko siyang makasama ng matagal.

Bumuntonghininga ako. "Okay, fine. Ihatid mo na lang ako pero bawal ka dumiretso sa amin. Sa kanto mo na lang ako ihatid."

Kibit balikat siyang tumango sa akin.

Nagtagumpay nga siyang ihatid ako, gamit ang jeep niya. Big time huh, nakabili na siya ng sasakyan. I wondered kung ano ang naging trabaho niya noong umalis siya rito sa Hacienda.

"Ang tahimik mo," panimula niya.

Wala naman akong sasabihin sa kanya para mag-ingay ako. "Kailangan ko bang magsalita?" Inosente kong tanong.

"Tungkol sa nangyari kanina."

Mabilis akong bumaling sa kanya nang banggitin niya iyon. "W-walang nangyari sa atin."

Mabilis nagbago ang reaction niya na tila ba nagulat sa sinabi ko, umigting ang kanyang panga at tumingin na ng diretso sa daan. Malakas pa rin ang ulan at halos hindi na namin makita ang daan.

"Yeah, nothing happened. I get it." Baritong boses ang narinig ko mula sa kanya.

Dahil tama, walang nangyari. Ayaw kong malaman na naman ito ng pamilya ko at may mangyaring masama sa kanya. Hindi na kakayanin ng konsensya ko.

"We're here."

Agad akong bumaling sa gilid, nandito na nga kami sa labas ng gate. "Dito na lang ako. Ako na ang maglalakad papasok ng hacienda."

"Wala akong dalang payong at mukhang wala ang mga guards. Ihahatid na kita mismo sa bahay ninyo."

Magsasalita pa sana ako nang bumaba na agad siya at binuksan ang gate. "What the hell is he doing? Basa na siya sa ulan."

Hacienda La Vieda Series #1: Fire of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon