17

61 1 0
                                    

Hindi lang ako ang nagtataka sa nakikita ko ngayon, pati na rin ang mga pinsan ko na nakatingin kay Lolo na masayang kausap si Lazardo.

"Ang tagal mong hindi bumisita, Lazardo. Kumusta ang kapatid mong si Lorenzo?" Nakangiting tanong ni Lolo sa kanya.

Bumaling ako kay Angela na umiwas ng tingin, ngayon ay abala sa pagkain. She missed Lorenzo, for sure.


"He's doing fine, Senyor. Kinakamusta ka nga niya, hindi lang siya nakasama sa akin pabalik dahil buntis ang asawa niya."

Dahil sa sinabi ni Lazardo, napatingin ulit ako kay Angela na umiwas ng tingin. Alam kong nasasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Lorenzo pero wala ng sasakit pa nang malaman na magkaka-anak ng lalaking mahal niya sa ibang babae.

"Wow, that is great!" Masayang sagot ni Lolo.

Lolo, kung alam mo lang hindi iyon great sa isa mong apo.

"Excuse me po," sabi bigla ni Angela at tumayo mula sa kanyang kinaupuan. Pinagmasdan ko lang siyang naglalakad palayo. I felt her pain kahit hindi naman ako iyong nasaktan talaga.

"Servers her right," bulong ni Jeanna sa gilid ko. Hindi ko na lang siya pinansin. Hinayaan ko rin siyang bahagyang lumapit kina Lola at Lazardo na nag-uusap, hindi ko maiwasang umirap saglit dahil sa ginawa niya.

"Saan ka nakatira ngayon dito?" biglang tanong ni Lolo, masaya pa rin ang mukha niya habang kausap si Lazardo

Gusto kong magtanong kung ano nangyayari kung bakit ganito na lang ang reaction niya habang kausap si Lazardo.

"Nasa dulo lang ng lupain ninyo, Senyor. Hindi naman siguro masama kung doon ako nakatira ssa ngayon?" magalang na tanong ni Lazardo.

Lumunok ako at umiwas ng tingin tila ba gusto ko na rin umalis at sumunod kay Angela nang maalala ang nangyari sa amin ni Lazardo sa bahay niya. Bakit ba ako nandito? Dapat ay kanina pa akong umalis.

"Of course, iho. Of course. I am happy that you are back at sayang ay wala ang iyong kapatid. May gusto ka pa ba?" tanong ni Lolo. Mas lalo lang kumunot ang noo ko.

Tila ba may mali sa mga nangyayari. Why would he react that way nang makita niya si Lazardo? Binugbog niya si Lazardo noon, hindi ba? Hindi ko pa ba talaga kilala ng lubusan ang mga pamilya ko kaya ganito na lang ako maka-react at walang maitindihan sa mga nangyayari?

"Here, Lazardo. Ako ang nagluto niyan, sakto ay dumating ka..." Lumapit si Jeanna kay Lazardo at binigay ang dinalang pagkain ng isa sa kasambahay.

Pasta lang naman ang niluto niya, akala mo special kung ipagmayabang. Well, hindi ko pa alam kung ano ang lasa no'n dahil ayaw ko rin naman tikman.

"Salamat, Jeanna..." Nakangiti namang tinaggap ng kumag ang plato na inabot ni Jeanna.

Alam niya ba na parang asin kung binudburan si Jeanna dahil sa ngiti niya? Why is he smiling? Baliw na siya.

Halos manlaki ang mga mata ko nang bigla siyang bumaling sa akin at seryoso ang tingin, agad akong umiwas ng tingin sa kanya. "Pwede ko bang ayain si Fianna mamasyal sa bayan, Senyor?"

What? Agad akong bumaling sa kanya nang sabihin niya iyon, kahit ang mga pinsan ko ay nagulat sa tinanong ni Lazardo maliban kay Jeanna na masama ang tingin sa akin at si Lolo na mas lalo pa yatang natuwa.

"Oo naman, iho-"

"Lolo, magpapahinga po ako. Masama ang aking pakiramdam," agad kong sabi kay Lolo at bumaling kay Lazardo. Dinilatan ko siya ng mata at tinanong kung ano ang ginagawa niya.

"Really, iha? Mukhang hindi ka naman nilalagnat," sabi naman ni Abuela at hinawakan pa ang noo at leeg ko. "You seem fine. Are you sure na masama ang pakiramdam mo?" tanong niya.

Hacienda La Vieda Series #1: Fire of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon