02

442 23 2
                                    

"Ang init naman!" Inis kong sigaw sa kanya, agad din naman siyang nagmadaling lapitan ako at payungan.

"Huwag kang lumayo sa akin, maiinitan ka talaga." Kanina pa ako nakasimangot dahil wala siyang ibang ginawa kundi inisin ako. Taga sunod lang naman at nakikipag-usap sa mga kasama niya. Hindi nga ako pinakilala.

"Malayo pa ba?" tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, naiirita ako kasi ang lapit namin sa isa't isa. Dumidikit sa balat ko ang pawis niya.

"Malapit na po." Ngumiti ito na halos mapunit ang labi. Para siyang tanga.

Ang aga-aga niya akong ginising kanina, alas singko ng umaga ay maraming kumakatok sa kwarto ko, sinabihan ko na si Laya na sa susunod na kakatok sila mapuputolan sila ng ulo. Pagkagising ko kanina lahat ng tao sa mansyon ay may kanya-kanyang ginagawa, hindi ko alam kung bakit naglalaba at naglilinis ang mga pinsan ko kanina. Marami namang katulong.

"Mang Ben!" Napalingon ako sa lalaking tinawag niya, napangiwi naman ako nang tumatakbo itong paika-ika.

"Nako Lazardo, magpapatulong sana ako. May kasama ka pala." Tumingin siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin. Tumingin na lamang ako sa tanawin. Mainit pero maganda pa rin naman ang natatanaw ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan na lang ng litrato ang magandang view. Siguro ito na lang ang silbi ng cellpohone ko dahil wala namang signal dito.

"Ayos lang po, saan po ba ito dadalhin?"

"Doon lang sa kubo ko, maaari ba?" Hindi nakaligtas sa gilid ng aking mata ang pagtingin ng matanda sa akin, ako ba ang tinatanong niya? Ano namang pakealam ko sa kanila.

"Maaari daw ba, Ms. Fianna?" Lumingon ako sa kanya, naiinis ako sa ngiti niya. Pinasadahan ko ng tingin ang dala ng matandang lalaki na sako. "Babalik po kaagad ako."

"Kahit huwag na," sagot ko kaagad sa kanya at umalis.

"Masungit po talaga ang bago kong alaga, Mang Ben."

"Halata nga ijo, mukhang mahihirapan ka sa isang 'to kaysa sa mga nauna mo."

Nauna? So, hindi ako ang kauna-unahang dinala niya rito? At anong alaga? Boang ba siya? Sa Kung makaalaga, hindi naman ako bata.

"May pupuntahan tayo, tara-"

"Hey, do not touch me-ahck!" sigaw ko sa kanya nang agad niya akong hawakan pagkabalik niya. "Bakit ba ang hilig ninyong manghila rito, nakakainis naman!"

"Hala gage bakit ka umiiyak?" Sinamaan ko siya ng tingin sa tanong nito. "Okay, sorry. Tara na Ms. Fianna, sasakay na po tayo para hindi ka mainitan." Mahinahon na sabi nito.

May sasakyan naman pala, bakit niya pa ako pinalakad mula pa kanina. "Where is it?"

"There po." Inirapan ko siya bago nilingon ang tinuro niya. "Iyan ang special car dito sa La Vieda."

What the fuck? Anong kalokohan ito? Kariton? As in? "Papasakayin mo ako sa kariton, Lazardo? Isusumbong kita kay Abuela!" Padabog ko siyang tinalikuran pero agad ding napatigil dahil sa sinabi niya.

"Iyan ang utos ng Lolo mo, tara na." Napapikit ako nang mariin at kinuyom ang mga kamao, naiinis na ako kahapon pa pero kailangan kong magpigil.

Narinig ko mula kagabi na grabe magbigay ng parusa si Lolo kapag hindi sumunod sa kanya, ayaw ko naman masugatan ang balat ko. Ilang buwan o taon pa ako rito pero sana huwag naman taon talaga. Mauubos ang mga skin care ko at hindi ko iyon makukuha rito.

Naglakad ako at nilagpasan siya, if this is what they want. Okay, fine. "Ako na, boy." Nagtaka akong tumingin sa kanya nang binigyan niya ng pera ang binatang may dala nitong kariton.

Hacienda La Vieda Series #1: Fire of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon