Chapter 1

1.2K 27 3
                                    

MABILIS ang lakad ko patungo sa court nang marinig na ang ingay sa loob. Ibig sabihin nagsisimula na ang laro. Nang makapasok ay agad kong hinanap si Amy at nakita itong nakaupo sa pinakaunang bleachers kaya patakbo akong lumapit sa kanya at naupo sa tabi niya.

"Buti naman nakarating ka na." may halos inis na sabi niya.

"Hinanap ko pa kase sa bag ko yung phone ko." sagot ko saka itinuon ang pansin sa laro.

Buti na lang talaga at nakaabot pa ako sa second game. Napansin ko ang paggala ng mata ni Alex sa buong bleachers na parang may hinahanap at nang makita ako ay agad ring ngumiti. Pilit na ngiti lang ang iginanti ko sa kanya. Alex is my suitor, almost 8 months na rin siyang nanliligaw sa akin. Not that ayoko sa kanya, hindi lang talaga ako interasadong magkaboyfriend ngayon. Yun nga lang ay pinilit niya talagang ligawan ako kaya wala akong nagawa. Naalala ko pa ang sinabi niya.

"I want to court you, Crane. Whether you like it or not, liligawan kita." that's exactly what he said.

Nang matapos ang second game ay nagpahinga na muna ang players at nakita kong kinuha ni Alex ang phone niya. He's texting someone and I expected that it's me pero ilang minuto na ay wala akong natanggal. Nakita ko siyang umalis muna at baka magsi-cr lang kaya hinayaan ko na. Nang makabalik siya ay sakto ring dumating si Karina na kanina pa namin hinihintay.

"Oh, san ka galing?" tanong ni Amy sa kanya.

"May inasikaso lang." aniya saka pilit na ngumiti habang hinihingal pa.

Napakunot ang noo ko nang makita ang pulang marka sa leeg niya pero ipinagsawalang-bahala ko na lang at tinuloy ang panonood ng laro. Halos dikit din ang laban nila. Nang tumungtong na sa fourth quarter ay mas naging mainit ang laban. May nagkakatulakan na kaya pati mga nanonood ay kinakabahan na rin. 67-71 ang score, lamang ang team namin—Andrada University laban sa Xavier University. Lahat kami ay nagsigawan nang makashoot ulit si Alex ng three points.

"Go Alex!" sigaw ni Karina na ikinaiinis ko. 

Halos lahat kami ay napatayo nang makitang tinulak ng kabilang team si Alex nang tangkain niyang magshoot kaya hindi pumasok ang bola. Medyo pabor naman sa amin dahil binigyan siya ng dalwang freethrow. Ang iba sa amin ay nagsasaya na dahil sa lamang ng team namin nang biglang makahabol ang Xavier at nalamangan kami ng isang puntos. 77-76 na ang score kaya halos lahat sa amin ay tumahimik na at nag-aabang na lang ng himala. Ilang segundo na lang ang natitira nang biglang makuha ni Alex ang bola at tinira sa three points saka saktong tumunog ang buzzer.

Bumaba na kaming lahat at saka binati ang team namin nang makita lumapit si Karina kay Alex saka sila nagfistbump. Napatingin ako kay Amy na mahina akong siniko saka tinuro sila Karina habang tinitignan ng makahulugan.

"Hayaan mo na." sagot ko at nakitang lumapit si Alex sa gawi.

"Hey, congrats!" nakangiting bati ko sa kanya.

Nagulat akong nang yumakap siya sa akin saka nagsalita.

"Thanks, Crane. You're really my lucky charm." aniya kaya ngumiti na lang ako.

Napatingin ako sa mga team mates niya nang tawagin siya nito. He looked at me while pouting.

"Pano ba yan? Una na ako. May victory party kami e." aniya kaya nagpaalam na ito.

Habang naglalakad palabas ng gym ay nagsalita si Amy.

"Hindi ka man lang inaya?" aniya na parang naiinis.

"Let's just let him enjoy their victory." asik ko saka sabay kaming lumiko patungo sa locker room.

Binuksan ko ang locker ko at nakitang marami na namang cards and chocolates ang nakatumpok doon kaya kinuha ko na ang paperbag na hinahanda ko araw-araw saka ipinasok ang lahat na bigay ng mga admirers ko. Nang matapos ay saka ko naman kinuha ang notes ko saka nilagay sa bag nang may marinig kaming parang umuungol. Amysel and I looked at each other weiredly and tried peaking at the other side of the locker room just to see Alex ang Karina making out.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now