Chapter 5

459 17 0
                                    

UMAGA pa lang ay gumising na ako dahil hindi ako pwedeng lumiban sa practice.

Adler:

You should rest.

To Adler:

I'm perfectly fine. Naipahinga ko na rin ang paa ko. I need to practice.

Hindi na ulit ako nakatanggap ng mensahe mula sa kanya kaya agad na rin bumaba para kumain at pumasok.

"Oh? Papasok ka na sa klase?" tanong ni Manang Edna nang makita akong pababa ng hagdan.

"Opo, Manang. May practice pa kami ngayon." sagot ko.

"Maayos na ba iyang paa mo?" tanong niya ulit.

Tumango na lang ako bilang sagot. Ipinahinga ko lang naman ang paa ko pagkatapos maka-uwi ni Adler at mabuti na lang ay maayos na ngayon. Nang matapos kumain ay umalis na ako at nagulat nang makitang nakaparada na sa labas ang sasakyan ko at nasa driver's seat si Adler.

"Get in." aniya.

Ipinahiram ko sa kanya ang kotse ko kahapon dahil medyo madilim na rin nang matapos kami sa pagpaplano para sa pageant. Mabilis akong pumasok at agad nagseatbelt bago niya pinaandar ang kotse. Nakarating din kami kaagad sa campus at dahil maaga pa ay marami na ang naki-usyoso kung bakit raw kami magkasama.

"Oh, how's your foot?" sarkastikong tanong ni Karina nang mapadaan kami sa hallway.

"Maayos na. As in maayos na maayos na. Kaya ko na ngang sipain 'yang ngala-ngala mo e." nakangising aniko na agad niyang ikinangiwi.

Wala na rin naman siyang sinabi kaya umalis na kami at pupunta sana sa lockers nang makasalubong namin sila Amy kasama ang dalawang kaibigan ni Adler.

"Bakit kayo magkasama?" sabay na tanong nila Amy at Matthew sa amin.

"Bakit din kayo magkasama?" tanong ko habang may nanunuring tingin.

"Labas ako dyan ah. Third wheel lang ako rito." sagot ni Lance kaya mahina siyang binatukan ni Matthew.

"Teka, maayos na ba ang paa mo?" biglang tanong ni Amy.

"Maayos na." sagot ko saka ngumiti sa kanya.

Hanggang doon lang ang pag-uusap namin at umalis din agad dahil may klase pa sila. Kami naman ni Adler ay dumiretso sa lockers. Nang mailagay ang dalang extra shirt ay tumalikod na ako at nagulat sa sobrang lapit ni Adler sa akin. Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko at ang paglunok niya. Nagpipigil ng hininga itong tumingin sa mga mata ko at nagulat ako nang isandal niya ang noo sa balikat ko.

"A-Ayos ka lang?" utal na tanong ko dahil ramdam ko na ang hininga niya sa leeg ko.

"I can't." aniya na ikinakunot ng noo ko.

"Ha?" maang na tanong ko nang hindi maintindihan ang sinabi niya.

"I can't control my self." aniya at mahina pang napamura na parang problemado.

He can't control his self? Sa alin?

Napaigtad ako nang maramdaman ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Mas lalong nahigit ko ang sariling hininga nang hapitin niya ako palapit.

"Adler." halos pabulong kong sabi.

Umayos ito ng tayo habang nakahawak pa rin sa bewang ko. Halos manlaki ang mga mata ko nang unti-unting lumapit ito sa akin. Saglit akong napatulala at napapikit nang dumampi ang labi niya sa noo ko. Nakapikit pa rin ako at naramdaman naman ang pagsandal niya ng sariling noo sa noo ko. Napamulat ako nang marahan nitong hawakan ang magkabilang pisngi ko at dinampihan ng halik ang ilong ko bago walang pasabing lumabas ng lockers. Nakatulala lang ako na nakasunod ng tingin sa kanya habang pinoproseso ang nangyari.

Seducing Mr. SSG President (Seductive Series 1)Where stories live. Discover now