CHAPTER FIVE
BE MY girlfriend, then. Naulit pa ang linya niya sa pandinig ko. Nang minsan pang umugong 'yon sa isip ko ay nagising na ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatitig sa isa't isa. Ako ay inaalam kung seryoso ba siya, habang siya ay tila binabasa ang lahat ng reaksyon sa mukha ko. Hindi niya na inalis ang tingin sa 'kin. Ang tanging nakikita ko ay sinseridad sa kaniyang mga mata.
"Sino naman ang p-papayag na maging girlfriend mo?"nautal ako, nakakainis!
I mean, how dare he? Hindi pa nga kami masyadong magkakilala, not even close! Tapos magtatanong siya nang ganito? Ano'ng akala niya sa 'kin? If he's joking...ang kapal ng mukha niyang mag-joke!
"Ikaw," ngumiti siya at nagbaba ng tingin, saka muling tumitig sa 'kin. "Be my girlfriend, Keziah."
Umawang ang labi ko. Seryoso ba siya? Hindi ko maintindihan. Gusto kong isiping nagbibiro siya, nang-aasar at pinagti-trip-an lang ako. Pero iba ang nakikita at nababasa ko sa mga mata at labi niya. Ayokong kilalanin ang tunay kong nababasa, natatakot akong maniwala at magkamali lang sa huli. Natatakot akong baka nagbibiro lang siya at kumagat naman ako, at mapahiya.
Nangunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. "Hoy,"matapang akong humakbang papalapit at nagtaas ng tingin sa kaniya. "You...are...not...my...type." Marahan pero mariin kong sinabi ang bawat salita.
Lalo siyang napatitig sa 'kin. Pero ilang saglit lang, lumabas ang dimple niya sa kaliwang pisngi nang mapangiti. Nagbaba siya ng tingin saka nakangiting umiling-iling sa kawalan.
"W-Why?" naiinsulto kong tanong.
"You're terrible at lying, Keziah. It's impossible that you're not attracted to me."
Umawang ang labi ko at lalong sumama ang tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako mas naiinis; sa sinabi niyang terible ako o sa bintang niyang nagsisinungaling ako. Nayabangan naman ako sa huling linya niya.
So, ano'ng ibig niyang sabihin? Iniisip niya bang... Mas sinamaan ko pa siya ng tingin. "So, iniisip mong gusto kita?"
Humakbang siya papalapit, sinalubong ang masamang tingin ko at inilapit ang mukha sa 'kin. "Then, sabihin mong hindi, Keziah."
"Sinabi ko nang hindi kita type," hindi ako umatras, nilabanan ko ang titig niya.
"But you are attracted to me, Keziah."
Napalunok ako, lalong naiinis. "Ang lakas ng loob mo para pag-isipan ako nang ganyan," mahina man ay gigil kong sinabi.
Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko. Gusto kong sabihing sinasamahan ko lang siya dahil sa takot na bugbugin ng basketball players ng SIS—dahil na rin sa awa. Na huwag niyang bigyan ng ibang kahulugan ang kabaitan ko dahil ayaw ko lang makonsensya. Na wala pa siya sa level ng lalaking magugustuhan ko—bukod sa itsura, wala akong makitang kagusto-gusto sa kaniya. Gusto ko ring ipagmalaki na may iba akong type; gwapo, matalino, malinis at mayaman.
Pero lahat 'yon ay hindi ko masabi, hindi ko magawa dahil natatakot akong masaktan siya—hindi dahil may nararamdaman ako sa kaniya. Ayoko lang makapanakit ng damdamin ng iba. Ayokong magbitiw ng gano'ng mga salita sa kahit kanino. Dahil alam ko kung gaano kalalim na sugat ang kaya no'ng iwan sa isang tao.'
Hindi ako umatras, nilabanan ko pa rin ang titig niya. Hindi para patunayan o panindigan ang sinabi kong hindi ko siya gusto. Kundi para hintaying bawiin niya ang sinabi, o sabihing nagbibiro lang siya. Pero hindi 'yon nangyari. Sa halip, nilabanan niya lang din ang titig ko na para bang humahanga, lalo lang akong naiinis. Sa huli ay ako rin ang sumuko.
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT FEAR
RomanceLove Trilogy #3 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as y...