CHAPTER 10
"YOU'RE CRAZY!" Gigil kong pinalo sa braso si Bentley nang makapasok ako sa kwarto. Habang siya ay tatawa-tawang kamot ang batok.
Sa halip na sagutin ako, ginala niya ang paningin sa kwarto at humahangang tumango. "You're rich, huh?"
"My parents are, not me," nag-iwas ako ng tingin ngunit naibalik 'yon nang matunog siyang ngumiti. "What?"
"That's the kind of thing that only wealthy people would say." Pinagkrus niya ang mga braso at muling ginala ang paningin sa buong kwarto. Naglakad siya papalapit sa shelf na puno ng libro. "Maraming tao ang naniniwalang pera lang ang kayamanan. I believe that the greatest wealth is education."
Nangunot ang noo ko. Ganito ba siya mag-tutor? Umirap ako.
Matapos igala ni Bentley ang paningin sa naunang shelf, lumapit siya sa sumunod pa. Puno iyon ng medical books na binili ng parents at grandparents ko mula sa iba't ibang bansa. Sa hilig nilang mag-shopping, books ang hinding-hindi nila malilimutang bilhin.
"Ang tagumpay...ay nakaupo lang sa isa sa mga sulok ng kwartong 'to," patuloy niya na pinadaraan ang isang daliri sa hilera ng mga libro. "And it's waiting for you to grab it." Nakangiti niya akong nilingon. "Narito lang 'yon, naghihintay sa 'yo na abutin mo."
Sinalubong ko ang tingin niya ngunit hindi nagsalita. Hindi ko alam kung saan patungo ang sinasabi niya at kung ano'ng dahilan niya para sabihin 'to. Pero kusa iyong tumatatak sa isip ko.
"Education is one of the stepping stones that will lead you to success," pagtatapos niya.
Umirap ako. Hindi niya naman sinabing hindi ako successful, nagbibigay lang siguro siya ng advise. Hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit niya kailangang mag-advise. I don't think I look like I need one.
Matapos ay hinila niya ang chair mula sa study desk ko at naupo sa harap mismo ng bintana. Inilapag niya ang backpack at inilabas ang mga libro na hindi mahahalata ang laki at bigat kung hindi pa makikita.
Tinupi niya ang sleeves mula sa wrists hanggang sa elbows at nagdekwatro. Kasunod no'n ay naglabas siya ng case at sinuot ang salamin. Nahugot ko ang hininga at napatitig sa kaniya. Pero mabilis din akong nag-iwas nang kumilos siya para mag-stretch.
"Where are we going to start?" tanong niya.
"Kanino mo nalaman na bumaba ang ranking ko?"tanong ko.
"Move on already." Bumuntong-hininga siya matapos masalubong ang sama ng tingin ko. "Sa class president ninyo," ipinatong niya ang siko sa tuhod at dinantay ang mukha sa kamao.
Si Gwynette? Ugh! That girl! "Close pala kayo?"nanatili akong nakatayo sa harap.
"'Wag kang magselos, hindi kami close. Hindi ko nga maalala ang pangalan niya."
"Hindi ako nagseselos," sinamaan ko siya ng tingin. "At bakit ako magseselos, hindi naman kita kaano-ano. Masyado kang feeling close."
Humalakhak siya. "Magsimula na tayo."
"Ayoko," giit ko. Pinagkrus ko ang mga braso at humakbang palapit sa kaniya. "Sinabi ko na at sasabihin ko uli sa 'yo, I don't need your help, Bentley. I can study alone and get back the scores and ranking I lost,"confident kong sinabi 'yon. "'Wag mo 'kong maliitin."
Umawang ang labi niya habang at nakangising nagbaba ng tingin. "You are so stubborn."
"Look who's talking?" namewang ako. "Look..." Hindi ko naituloy ang sasabihin nang mag-ring ang cellphone ko.
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT FEAR
RomanceLove Trilogy #3 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as y...