CHAPTER NINE
"TOP NINE..." Hindi makapaniwalang sabi ko habang binabasa ang pangalan ko na halos umabot sa pinakailalim ng unang listahan.
Top...nine... lang. Napapikit ako at binalot agad ng kaba.
Nasa una at pinakataas na list ang names ng top ten. Ang iba pang rankings ay nasa sumunod nang lists.
Ninety-one lang ang score ko. Ang nasa mas mataas na ranking ay may tatlong points na agwat. Ang top five ay ninety-four points, ang dati kong score. Ang masakit pa ro'n, may almost perfect ang score, 99. Hindi lang isa kung hindi dalawa pa.
Inulit ko ang pagbabasa sa listahan para masigurong tama ako. Kinusot ko ang mga mata ko para makumpirmang ako nga ang naro'n sa ibaba.
Tumili nang malakas si Dein Leigh, nabulabog ang ibang naro'n sa sobrang lakas. "Pasok ako sa top twenty! Yes! Yes!" Hindi mabilang kung ilang beses siyang sumuntok sa hangin sa sobrang tuwa.
Nakapako man sa top ten list ang paningin ko, sa sarili kong pangalan, nakita ko kung paano siyang nagtatalon sa tuwa.
"Bes! Bes! Top eighteen ako!" Tumili uli siya. "Eighty-seven ang score ko!"
Napabuntong-hininga ako. Kung bumaba siya ng dalawang points, passing grade lang iyon. Kung bumaba siya ng tatlong points, failed siya. Ang ranking niya ay doble ng sa 'kin. Pero sa itsura ng best friend ko, parang siya ang may pinakamataas na nakuha. Sobrang saya niya at nakakainggit 'yon.
Hindi na 'yon ang unang exam result. Pero hindi ko maintindihan kung bakit gano'n. Sigurado akong nasa mga inaral ko ang lahat ng lumabas na topic. Confident din ako sa mga sinagot ko. Na kahit pa sumama ako sa party ni Randall, sigurado akong hindi magkakamali.
Nakangiti ko ngang pinasa ang answer sheet ko dahil malakas ang pakiramdam ko na magtatagumpay na ako. Kaya bakit ganito lang ang rank at score ko? Bakit lalo akong bumaba?
Inis akong nag-iwas ng tingin at hindi inaasahang makikita ang list ng ibang batch. Napabuntong-hininga ako nang makita ang pangalan ni Maxwell. 100% ang score at siyang may pinakamalaking font size sa listahan. Kaya hindi na nakapagtatakang sa isang lingon ko, sa pangalan niya tumama ang paningin ko. Dahil bukod sa nanguna siya sa buong batch nila, siya lang ang nakakuha nang ganoon kataas na score sa history ng medicine sa BIS.
Lalo akong nanlumo nang maalala si Bentley. Ganoon din ang pagkakasulat ng pangalan niya nang mag-top dito noon. Pareho silang gumawa ng history sa BIS, nakakainggit.
"Bes?" tinig ni Dein Leigh ang pumukaw sa atensyon ko.
Bago pa siya makapagsalita ulit ay tinalikuran ko na ang bulletin board at wala sa sariling naglakad-takbo palayo.
Saan ako nagkamali? Bakit ako nagkamali?
Imposibleng magkamali ako. Sigurado ako na walang tanong na hindi ko alam. Lahat din ng answers ko ay pinaghirapan kong isipin. Mataas ang kompyansa ko na mataas ang makukuha ko, pakiramdam ko pa nga ay magta-top one ako. Kaya bakit gano'n?
Hindi ako bagsak pero pakiramdam ko ngayon, ako ang nakakuha ng pinakamababang score sa buong batch. Ginawa ko ang lahat para makuha ang pinakamataas na marka pero pakiramdam ko, ako ang pinakamahina sa lahat ng nag-aaral. Bakit kailangan kong maramdaman 'to sa kabila ng paghihirap kong matuto?
"Bes!" humabol si Dein at sigurado akong hindi siya titigil.
Kaya huminto ako para harapin siya. Pero hindi ko magawang tumingin sa kaniyang mga mata. "Bes..."pinigilan kong maiyak, 'ayun na naman 'yong pakiramdam na hindi niya ako maiintindihan.
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT FEAR
RomanceLove Trilogy #3 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as y...