CHAPTER SIX
"MOMMY, DADDY, sasama ako kay Dein Leigh sa yacht party ng boyfriend niya." Kahit alam kong pinagpaalam at pinayagan na ako nina mommy't daddy matapos tawagan ni Dein Leigh, nagpaalam pa rin ako.
Nagkatinginan sina mommy't daddy. "Yeah, pinagpaalam ka niya, tumawag sa 'min kanina," sagot ni mommy. "Malayo 'yon kaya mag-iingat kayo, hija."
"Of course, mom." Ngumiti ako, excited na rin para makapag-relax naman.
"Saan kayo pupunta, Ate Kez?" tanong ni Kimeniah. Wala sa 'kin ang paningin niya, naro'n sa pagkain. Hindi ko alam kung wala siyang gana dahil salad ang dinner namin o naiinggit sa steak nina mommy't daddy.
Maski pagkain kasi namin, may say ang parents namin. Light meals ang para sa 'min ni Kimeniah sa gabi kaya bumabawi na lang kami t'wing breakfast kinabukasan.
"Sa Batangas, nagyaya ang boyfriend ni Dein," ngiti ko.
"I see," matamlay niyang sagot. Muli niyang dinutdot ang cherry tomatoes hanggang mag-squirt ang juice niyon. Palihim siyang nag-angat ng tingin kay daddy at palihim na kinuha ng tissue ang ikinalat niya.
"Kung bakit naman kasi...hindi ka na lang mag-stay dito sa bahay at mag-aral, Keziah?" Bumuntong-hininga na naman si mommy at nagpatuloy sa pagkain.
Natigilan ako at napatitig sa sarili kong plate. Hindi ko inaasahan 'yon pero sanay na 'ko sa gano'ng ugali ni mommy. Papayagan ka pero magsa-suggest ng bagay na dapat mong intindihin kaysa gumala. Hindi ko pwedeng sirain ang mood ni mommy kung gusto kong makaalis. Pakikinggan ko na lang ang sasabihin niya para sa huli, makasama pa rin ako kina Dein.
"Hindi maganda ang resulta ng exam mo no'ng Monday kaya dapat, bumawi ka ngayong parating na week," dagdag pa niya saka muling bumuntong-hininga na para bang gano'n kabigat ang mababang score ko. "Bilang med student, dapat focused ka sa studies. Wala ka na sa high school, honey. 'Yang gala, pwede mo 'yang gawin kapag nakatapos ka na. Kahit araw-araw pa."
"Your mom is right, Keziah," sumang-ayon pa si daddy. "I'm sure magiging cum laude ka in the future and all of your efforts will be rewarded. For sure, hospitals ang maghahabol sa 'yo kapag nangyari 'yon. You need to be prepared at every step of the process, anak, it's for your own good."
Para sa isang gabi ng pagsama sa best friend ko, gano'n na karami ang sinabi nila. 'Sabagay, may point naman sila. Dahil sa mababang score ko nang nakaraang exam, dapat na mag-aral na lang ako kaysa gumala. Pero kailangan ko ang gala na 'to ngayon. Kung dati ay nakokonsensya ako at pinipiling sundin ang sinasabi ng parents ko, gusto ko namang pagbigyan ngayon ang sarili ko. I need a breather.
Kung kinakailangang triplehin ko ang pag-aaral para mapaghandaan ang exam sa parating na Monday, gagawin ko. Dahil mas marami pa rito ang masasabi nila kapag mababa ulit ang nakuha ko sa susunod.
Hindi ako sumang-ayon, hindi lalo ako sumagot. Panay lang ang ngiti at pagtango ko sa mga pangaral nina mommy at daddy. Kaya sa huli, sinabihan nila akong bumawi sa susunod kong score.
"Ate Kez?" kumatok si Kim at dumeretso na papasok sa room ko.
"Yes, Kim?" nakangiting sagot ko. Naro'n ako sa vanity at tinatapos ang pag-aayos ko. Nakangiti niyang tiningnan ang suot ko. Tumayo ako at hinarap siya. "Yep?"
"Yacht party 'yon, ate, right? Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya.
Nawala ang ngiti ko, binalikan ng tingin ang sarili sa salamin. "Why, what's wrong with my outfit?"
Nagtataka siyang tumawa. "Bakit hindi ka mag-dress, instead diyan sa pantsuit, ate?"
Umirap ako. "Akala ko naman kung ano. Why not? Dito ako comfortable, Kim. Besides, ayaw kong nakikita ang balat ko." Nginisihan ko siya at umikot sa kaniyang harapan. "How do I look?"
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT FEAR
RomanceLove Trilogy #3 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as y...