CHAPTER 11
"GOOD LUCK, students," nakangiting ani Sir Caballero bilang hudyat na pwede nang simulan ang exam.
Humugot ako ng hininga at itinuon ang paningin sa questionnaire. Napangiti ako matapos basahin ang unang tanong. Kayabangang isiping madaling sagutin 'yon pero totoong natutuwa ako na para bang gano'n ka-obvious ang sagot para sa 'kin.
Nakagat ko ang labi nang basahin ang sumunod na question at gano'n ulit ang maramdaman. Natigilan naman ako nang sagutin ang mga sumunod pang questions dahil hindi nagbabago ang pakiramdam ko. Sa unang pagkakataon, wala akong kaba, hindi ako aligaga. Sa halip, kalmado at nangingiti pa 'ko nang sagutan ang mga 'yon.
Ngayon ko lang naramdaman na para bang alam na alam ko ang mga sagot. Sa mga nakaraang exam, may mga pagkakataon na sigurado akong alam ko ang sagot, pero hindi ako ganito ka-confident. Hindi ako nakakangiti nang ganito. Hindi ko iyon nakikita na para bang pinagtatawanan ko pa ang ibang choices dahil katangahang piliin ang mga 'yon gayong obvious ang sagot.
Sa mga nakaraang exam, kahit alam ko na ang sagot, pinag-iisipan ko pa ring mabuti 'yon. Nasosobrahan ako sa pag-a-analyze. I get stuck on a question and spend too much time on it. I always see too many possibilities and overthink my choices of answers. Kaya madalas, sa huli, nahuhulog ako sa maling sagot.
Hindi ko maramdaman 'yon ngayon. Babasahin ko ang tanong at hahanapin sa choices ang pinakatamang sagot. Karamihan sa mga tanong, nasagot ko agad. Kung hindi naman, inuulit ko ang pagbabasa sa question at muling pagpipilian ang choices. Sobrang swabe. Na nagawa ko pang balikan ang lahat ng questions at answers ko nang matapos para masigurong kontento ako.
Matapos no'n, naisip ko ang posibleng dahilan para maging ganito kaswabe ang pagsasagot ko sa exam ngayon. Inisip ko agad ang notes na ginawa ko sa nagdaang linggo. Pero isip ko rin mismo ang tumangging iyon ang dahilan.
Nahugot ko ang hininga nang maalala ang notebook ni Bentley. Konsensya ko ang kokondena sa 'kin kung itatanggi kong iyon ang pinakamalaking tulong.
"You finished early," hindi inaasahan ni Sir Caballero ang maagang paglapit ko. Ngiti lang ang sinagot ko. He was right, maaga na nga akong natapos, nabalikan ko pa lahat ng items.
Nilingon ko si Dein Leigh, tutok pa rin siya sa pag-e-exam kaya tumuloy na 'ko sa cafeteria at doon siya planong hintayin.
Habang kumakain ng croissant, naisip ko kung gaano kakalmado ang isip ko. Madalas kasi, hinahanap ko agad sa notes ang mga posibleng sagot sa questions na nahirapan ako. Nang sandaling 'yon, mas naiisip ko pa kung mauubos ko ba ang juice na binili ko dahil malaki lang ang available.
"Bes!" hindi maipinta ang mukha ni Dein nang maupo sa harap ko. "Ang hirap no'ng exam, parang gusto ko na lang mag-shift ng course."
Natawa ako. "Para sa isang exam lang, magshi-shift ka?" inilingan ko siya.
Natigilan siya at napatitig sa 'kin. "Omo..." Kinapa niya ang noo at leeg ko, nang-aasar. "May lagnat ka ba?"
"What?" natatawa ko siyang sinulyapan.
"Madalas, mas depressed ka pa sa 'kin after exam, iba ka ngayon, bes."
"Nag-aral kasi ako."
"Parati ka namang nag-aaral pero iba ka talaga ngayon. Sobrang aga mo ring natapos."
Ngumiti ako. "Nagulat nga rin ako. Hindi rin madali 'yong exam para sa 'kin. Pero hindi ako nag-anxiety kanina unlike no'ng mga nakaraang exam."
Umawang ang labi niya. "As in?"
Nakangiti akong tumango. Palibhasa, kilalang-kilala niya ako, nagulat siya. Matindi kasi talaga ang anxiety ko every after exam, hindi maipaliwanag. OA sa iba pero para talaga akong babagsakan ng langit o lalamunin ng lupa kapag gano'n. Hindi umaayos ang mukha ko hangga't hindi nakikita ang resulta. At kapag disappointed sa score at ranking, parang ako na ang pinakamahina sa klase at buong batch. Paulit-ulit, ganoon na lang lagi ang drama ko mula pre-med, hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
LOVE WITHOUT FEAR
RomanceLove Trilogy #3 This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence, emotionally triggering materials, death and suicide. Please engage in self-care as y...