CHAPTER XIX

592 33 2
                                    

SAMANTHA'S POV

"Sam, ang iyong iniirog oh" asar sa akin ni Belle at tinuro pa si Prim na naglalakad.

"Hahaha yiee nilingon agad" asar din ni Ally.

"Wag masyadong halata Sammy girl, laway mo" may kunwaring sinalo pa siyang laway ko at pinahid sa akin, isa rin 'tong si Will.

"Hoy wag nga kayo maingay, tyaka wag niyo ituro. Leche kayo, girl crush lang kasi. Hindi yung crush talaga na as in crush" paliwanag ko.

"Yun din lang naman hahaha" sabi ni Belle

"Hindi no, ang ganda niya kasi tas ang galing maglaro tas matalino pa" sagot ko.

"Nagagandahan at nagagalingan din naman ako sakanya pero di ko siya pinipicturan ng patago" sabi ni Ally at nagtawanan pa sila.

"Bakit pinipicturan ko rin naman kayo ah" depensa ko.

"Oo pero alam naman namin tyaka yung mga candid namin sayo eh ang papangit. Nangungulangot pa nga si Belle na pinicturan mo" sabi ni Ally.

"Kaya nga andaya Sam ah" reklamo ni Belle.

"Buti pa ako pretty sa lahat ng anggulo" sabi ni Will at nagflip ng imaginary na buhok niya.

"Ah ano ito?" sabi ni Belle at pinakita sa amin ang pic ni Will na nakanganga dahil humukikab siguro siya noong time na yun.

"Punyeta!" sabi ni Will at sinabunutan si Belle.

Natawa naman ako hahaha ang epic kasi talaga.

"Oy tama na yan, makakalbo na talaga kayong dalawa sa kasasabunot ninyo" saway ko sa kanila.

---

"Hindi na lang daw sila sasabay mag-lunch kasi magoovertime sila" sabi ko pagkatapos basahin ang text ni Ethan.

"Sad na si Sam, di niya makikita ang bebe niya" asar ni Ally.

"Shhh marinig ka ng iba" sabi ko kay Ally at tinakpan ng bunganga niya. Baka kung ano pa sabihin ng mga kaklase namin.

"Okay lang yan, may practice naman ata kayo mamayang uwian" sabi ni Belle na parang pinapakalma pa ako -_-

"Bukas pa yun. Tyaka sabing girl crush nga lang. Ayoko na nga, di ko na siya girl crush" sabi ko.

"Ay ambilis naman" sabi ni Ally.

"Talaga lang ha" sabi ni Belle na nakangisi.

"Tara na nga, baka mas nauna pa si Will sa cafeteria" sabi ko.

Dumaan pa kasi si Will sa SC office nila.

"Nga pala tapos niyo na ba yung pinapagawa ni Ma'am Agnes?" tanong ni Ally.

"'Di ko pa nga nasisimulan, wala akong maisip" sabi naman ni Belle.

"Same, hindi ko pa rin nasiismulan" sagot ko naman.

"Bakit kasi may minor subjects pa lang" reklamo ni Ally.

"Diba bawas naman na minors sa college?" tanong ni Belle.

"Sabi ng pinsan ko, madami pa ring minors. Nagbawas nga pero may dinagdag daw na bago" sabi ni Ally.

"Grabe naman, sabi nila mababawasan dahil may shs na" sbai ko.

"Kaya nga eh, tyaka sana optional na lang kasi pag-take ng minors" sabi naman ni Belle.

"Nakalimutan ko kung anong country pero merong school sa ibang bansa na walang minor subject sa college" sabi ni Ally.

"Sanaol na lang, okay lang naman wag tanggalin pero sana di mandatory kapag college" sabi ko, sumang-ayon naman sila.

"Anong chika?" tanong ni Will pagdating niya.

I'm Into You (Series #1: PRIMROSE GUEVARRA) - GXGWhere stories live. Discover now