SAMANTHA'S POV
"Ilagay mo na yung bulaklak, dalhan ko lang ng maiinom sila papa mo" utos sa akin ni mama tyaka umalis.
Gumagawa kami ni mama ng brownies, sila papa at Shawn naman ay gumagawa ng tree house sa likod ng bahay.
Sinunod ko naman ang sinabi ni mama, nilagyan ko ito ng sampaguita na nakasabit sa santo niño namin kidding I mean flour. Parang flower kasi yung pronunciation haha.
Iba't ibang klase ng brownies ang ginawa namin ni mama para hindi nakakasawa, may lumot flavor pa nga eh I mean matcha.
Saturday pala ngayon pero nag-dayoff muna si papa kaya andito siya ngayon. "Dalhan mo pala si Primrose neto, tiyak na magugustuhan niya" sabi ni mama. "Sabado ngayon ma" sagot ko naman.
"Edi dalhan mo siya sa bahay nila pagkatpos mo mananghalian" tumango na lang ako bilang sagot.
Kaya pala gustong-gusto ni mama na binibigyan si Prim dahil wala na ang mommy niya. Namatay ito sa panganganak kaya hindi naranasan ni Prim na magkaroon ng ina.
Nagkita na rin pala kami noong baby pa kami, binyag niya ata iyon. May picture nga kaming dalawa eh, ang laki kong baby kumpara sakanya noon pero ngayon mas matangkad na siya sa akin.
"Ang sarap netong matcha flavor" sabi ni Shawn habang kumakain. "Sige ta gagawa pa ako niyan ng marami" sabi naman ni mama. Binackhug naman ni papa si mama at naglambingan, sanaol. Sana makahanap din ako ng lalaki na tulad ni papa.
Pagkatapos namin magmeryenda ay nagluto na kami ni mama ng pananghalian, sila papa naman ay bumalik sa kanilang ginagawa.
Sa totoo lang 'di ako marunong magluto, puro bake bake lang ako. Ewan ko ba, kahit naman pag-aralan ko eh palpak talaga ako magluto kaya hanggang prito lang ako.
---
Kilala naman na ako ng mga guard dito sa subdivision kaya pinapasok ako pero nirecord pa rin nila name ko for safety purposes at pinaalam sa mansion nila Prim. Pwede pala pumasok ang mga taxi sa loob kaya nag-taxi na lang ako. Tinext ko nga si Prim na pupunta ako pero hindi niya pa ito nasi-seen.
"Good afternoon po nanay" bati ko kay nanay Beth nang salubungin niya ako. "Good afternoon iha, upo ka muna sa sala at ipapatawag ko si Primrose" sabi ni nanay at inutusan ang isa pa nilang kasambahay.
"Nay ito po para sainyo" bigay ko sa isang box ng brownies. "Ay halla salamat iha, nagabala ka pa"
"Welcome po, gawa po namin yan ni mama"
"Pasabi iha kay mama mo salamat"
"Sige po nay"
"Oh siya maiwan muna kita dito" paalam ni nanay at umalis din.
Pagbaba ng kasambahay nila ay nilapitan ako, "Mam, baka po naliligo si mam Primrose. Hindi po kasi siya sumasagot eh" sabi neto.
"Ah ganun ba, sige puntahan ko na lang siya mamaya. Salamat po" sabi ko rito.
YOU ARE READING
I'm Into You (Series #1: PRIMROSE GUEVARRA) - GXG
RomanceGXG story --- Primrose Guevarra, she's known as the top student and Ace of the archery team. She was trained by her father since she was young and taught to always aim for the top. She was recruited to join the Philippine Archers. Samantha Salvador...