CHAPTER IV

824 44 1
                                    

PRIM'S POV

"Thank you to all students who participated, we are glad and appreciate your efforts and hard work just to be able to join the archery team. Congratulations and welcome..." habang nagsasalita si coach ay nagdadaldalan kami nila Ate Abby or more like sila lang.

"Familiar yung surname na Salvador, parang narinig ko na siya dati sa GSC or PNSC?" Sabi ni Kuya Martin. "Natural, sa dinami daming salvador" Sagot ni Ate Abby. "Hindi tangek, parang nabanggit yung surname niya nila Coach Eric. Hindi ka kasi nakikinig tsk"

GSC and PNSC or Greta Sports Camp and Philippine National Sports Camp, two famous sports camp na dinadaluhan ng mga athletes ng buong pilipinas. Ang GSC ay open sa lahat ng Athlete and ang PNSC ay sports camp for Philippine Teams and aspirant members neto. Isang beses pa lang akong nakapunta sa PNSC.

"Chikahin ko nga si Salvador mamaya" sabi ule ni Kuya Martin. Bakit ba curious na curious ito. "Bakla ka ba?" tanong ni Ate Abby or asar ata. "Hindi, bakit?" takang tanong ni Kuya. "Nevermind, Lory paki abot nga yang list" baling ni ate kay ate Lory.

"Wala bang pakain mamaya?" tanong ni Kuya Lucas. "Mukha kang pagkain" sabi naman ni Ate Isabel na isa sa team manager namin. Sumimangot naman si kuya "Grabe ka naman, syempre may mga new members kaya dapat may celebration"

"Sabihin mo yan kay coach, tyaka wala sa budget natin yan" sagot si ate Isabel. "Ang yaman yaman ng school tapos walang budget sa foods" Sabi ni Kuya Lucas. "hahaha sabihin mo yan sa lola ni Prim"

"Prim" tawag sakin ni Kuya na nagpapaawa. Tinignan ko lang siya at lumipat sa kabila. "Priiiiim" gosh para siyang bata. "Stop it kuya, kung si grandma ang kaylangan mo edi puntahan mo siya sa Dean's Office" sagot ko. "No thanks, nakakatakot lola mo" pumunta na siya kila Ate Abby at sila naman kinulit niya. Agreed, nakakatakot talaga siya pati nga si dad takot pa rin sakanya.

"May competitor ka na Primo" ngising sabi ni Julian sa akin. Inikutan ko lang siya ng mata at tumawa naman siya. Yeah, she's good but I'm better.

"Welcome again to all of you" sabi ni coach. Nandito na pala kami sa indoor at mga members ng club, si coach and the new members na lang ang andito. "Mr. Andrade, can you introduce all our members to them?" baling ni coach kay Kuya Martin. "Bakit ako?" sagot naman ni kuya. Tinulak na lang siya nila Ate Abby.

"Kanina ka pa tahimik diyan, ah madalas ka pa lang tahimik" sabi ni Julian na katabi ko. problema neto? "So what do you think about Salvador?" napatingin naman ako sakanya.

"Kanina ka pa Julian" asar na sagot ko. "HAHAHAHA why? nagtatanong lang eh" tawang sagot niya. "She's good, okay na?"

"Is she a threat?" napantig ang teynga ko sa tanong niya. "Can you stop with your nonsense" tumawa ulit siya, I want to slap him so bad gosh. "It's so fascinating seeing you like that"

"What do you mean?" tanong ko. Ngumiti lang siya at bumaling sa mga new members nang banggitin ang pangalan niya.

"... together with Primrose Guevara, our team's ace and the so called 'Primo' of our University" tukoy ni kuya Martin sa akin.

Samanthas's POV

"...Primrose Guevara, our team's ace and the so called 'Primo' of our University" nagpalakpakan kaming lahat.

Siya pala talaga si Primo, bakit kaya Primo? Guevara pala Surname niya, ka ano ano niya kaya yung gold-medalist na si Mr. Princeton Guevara. Wait parehas silang Pri, baka anak niya? Omg! kasama siya ni papa sa Philippine Team noon pero ewan ko kung close sila di ko na natanong kay papa eh, hindi kasi comfortable si papa na pagusapan pa yung past niya.

Noong naenganyo kasi ako sa archery eh nagbasa ako ng history ng Philippine Archery kaya alam ko yung iba. Tumatak lang talaga si Mr. Guevara dahil bukod sa teammate siya ni papa noon, ay dahil din sa pangalan na kanyang na-iukit sa larangan ng archery. Grabe mga achievements niya noon and ngayon naman ay isa na sa mga director ng World Archery Philippines.

I'm Into You (Series #1: PRIMROSE GUEVARRA) - GXGWhere stories live. Discover now