Tatiana Vega
Gaya ng inaasahan ko, I woke up without Tob beside me. It wasn't bizarre to wake up in bed without him because I'm used to it. Probably he has a training today. Baka hapon na rin siya makaka-uwi. Matagal na rin ang ganitong set up namin tuwing weekends.
It's funny how a scenario for a week happened just yesterday. I will try to forget what happened yesterday. Papalampasin ko na lang ang nakita kong kasamang babae ni Tob. Pati na rin ang paglimot ni Tob sa anniversary celebration namin kagaya ng pagpilit kong kalimutan ang nangyari kagabi lang.
And I must be trusting Tob starting today.
It's already past nine nang magising ako. Nag-inat muna ako ng katawan sa kama bago ko naisipang tumayo mula sa higaan para maghanda ng makakain dahil nagugutom na rin ako. I opened the fridge to look for frozen food. Kinuha ko ang naka-supot na bacon sa freezer at hinugasan ito sa lababo para matunaw ang yelo.
My eyebrows furrowed when I saw a sticky note pasted on the fridge. Hindi ko naman nakaligtaan na basahin ang nakasulat. Ang daming pakulo talaga ng lalaking 'yon.
Babe, good morning.
I have a training to day. I prepared a breakfast for you. Go check the table. See you tonight :)A huge smile draw to my face. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa ipinapakita niya. He's showing how much he loves me and he's doubling his effort just to show he regretted what happened yesterday. He's a husband material indeed.
Binuksan ko naman ang tray sa mesa. He cooked me fried rice with small-chopped veggies, two steamed brown hotdogs, sunny side up egg and a pancake with honey syrup. Hindi ko maiwasang ngumiti. Dati rati kasi, ako ang nagluluto para sa amin dahil hindi siya marunong. And now, he wants to learn how to cook just to prove his unending effort.
Kinain ko naman ang inihanda niya para sa akin. Tinext ko si Tob para pasalamatan siya sa ginawa niya. Even the smallest effort makes me happy. Ito lang naman yung hinahanap-hanap ko lagi kay Tob. Pinaalalahanan ko rin si Tob na huwag kalimutang uminom ng maraming tubig after his game.
After eating, bumalik na ako sa malambot na higaan at binuksan ang TV. Binuksan ko lang ito ngunit hindi ako nanood dahil mas pinagtuonan ko ng pansin ang aking cellphone.
I just scrolled my phone and check for my news feed. Mga ilang minuto lang ay nagtext naman sa akin ang bestfriend ko, si Sheena.
Sheena is also my classmate and we were bestfriends since high school. I can describe her as a genuine and simple friend. Minsan inuutangan ko siya sa tuwing gipit ako.
She supports me and she always lend her ears for me to listen. Sa totoo lang, napakaswerte ko dahil meron siyang kaibigan ko. Siya ang nagiging crying shoulder ko sa tuwing nagtatalo kami ni Tob. Madalas ko kasing pagdudahan si Tob noong unang taon pa lang namin bilang mag-syota. Marami kasing umaaligid na babae sa kanya, dati at kahit naman hanggang ngayon. I can't stop belittling myself when it comes to other girls. Pakiramdam ko kasi ang dami kong kaagaw kay Tob.
What if isang araw ipagpalit na niya ako? Aminado naman akong marami pang mas maganda at mayamang babae diyan kesa sa akin. Ibang babae nga paa pa lang nila buong buhay ko na. Buti na lang, sa awa ng Diyos, wala pa naman akong nahuhuli na nilalandi niya. Nung kahapon? Siguro talagang kaibigan lang niya yung kasama niya kahapon.
Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. I took a deep breath, trying to calm myself.
Sheena wants to meet me at the coffee shop near our University. Pag-uusapan daw namin yung project namin sa Machine Design Lab subject. By pair kasi yung project at deadline na rin next week. Mabuti na lang at si Sheena ang kasama ko dahil maaasahan ko siya sa mga ganitong bagay. Sa totoo lang, mas matalino siya kesa sa akin. Hindi ko nga rin masabi kung matalino ba ako o masipag lang talaga ako magmemorize.
BINABASA MO ANG
Secret Temptations
RomanceOne night stand. Akala ni Tatiana Vega ay doon lang niya una at huling beses na makikita ang lalaking nakilala niya sa bar. But fate is playing her life. Sa pambihirang pagkakataon, makikita niya ulit ito with the biggest twist. It was a one drunken...