Tatiana Vega
"What if idagdag natin ito?" Tanong ni Sheena habang ipinapakita sa akin ang nahanap niyang file na makakatulong sa project.
"Pwede rin. Better if kumuha tayo ng idea diyan instead of copying as it is," I added before munching the last piece of mooncake I ordered.
We both agreed to work on simple yet helpful machine design. Ako ang nakatoka sa Autocad at sa kanya ang documents.
Masaya kaming nag-usap ni Sheena tungkol sa project design at medyo nakakalahati na namin ito. We utilized our time and focused on searching some related studies that can help our design.
Hindi namin namalayan na magdadalawang oras na rin pala kaming tumatambay dito sa coffee shop. Kaya naman umorder ulit kami ng ibang flavor ng coffee para magkaroon kami ng rason para manatili pa dito. Wala na kasing vacant seat kaya nagtatake-out na lang ang ibang customers.
Hindi naman ako tinantanan ni Sheena na tadtarin ng mga tanong tungkol sa amin ni Tob. I keep on saying I and Tob are okay, which is true?
Nag-open up pa ako kay Sheena na nagbabalak akong maghanap ng part time job during my vaccant para kahit paano ay may ipon ako at hindi puro asa lang kay Tob. Tumutol naman siya sa plano ko dahil hindi ko raw mapagsabay ang pag-aaral at pagta-trabaho dahil graduating na kami pareho.
Wala naman akong magagawa kung hindi magsikap rin sa buhay dahil hindi naman ako pinanganak na may kutsara sa bibig. Minsan kasi naiisip ko rin kung nagiging pabigat ako sa gastusin ni Tob, lalo na sa mahal na tuition. I don't want to be a charity case.Nangako naman ako kay Tob na babayaran ko rin lahat ng mga nagagastos niya sa akin pero lagi nitong sinasabi na hayaan ko na lang daw 'yon dahil parte raw ng aming relasyon na magtulungan upang mag-grow as a person. But I still insist to pay it in the future.
I was busy doing the computer aided design nang mamataan ko ang isang pamilyar na mukha na pumasok sa coffee shop. The guy is wearing brown chinos and button-down shirt. Kumunot ang noo ko nang tanggalin niya ang suot niyang sunglass tsaka niya isinabit sa suot niyang polo. Halos malaglag ang panga ko ng maalala ko kung sino ang lalaking nakita ko.
"Hoy ba't para kang nakakita ng multo?!" Nagulat ako nang kausapin ako ni Sheena. She gave me a questioning look before she gazed at the guy who entered. Hindi ako umimik. Bagkus, mabilis kong kinuha ang menu at ginamit ko itong pantakip sa mukha.
Hindi ako pwedeng magkamali. I know I'm drunk that night pero hindi ko nakakalimutan ang mukhang dumampi sa aking katawan. He's the guy from last night.
"Oh—my—God!" My best friend emphasizingly said those words. Mabuti na lang mahina ang pagkakasabi niya nun, dahil paniguradong agaw pansin siya kapag hindi niya nakontrol ang boses niya. Parang siya tuloy yung nakakita ng multo sa itsura niya.
Halos mapatili pa si Sheena sa nakita niyang lalaki. Pigil na pigil itong kiligin sa kanyang upuan. Kulang na lang maglupasay na siya ngayon. Inirapan ko lang si Sheena sa postura niya bago ulit siya nagsalita. "Ang gwapo!"
I can feel my cheeks burning. Nanginginig rin ang mga tuhod ko. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakikitang umalis. Gusto ko na lang tuloy maging invisible o 'di kaya magpalamon sa lupa ngayon din.
Nag-order lang ang lalaki sa counter at hindi nag-abalang tumingin sa paligid niya. I felt a relieve. Luckily, hindi niya ako nakita. Kung napansin man niya ako kaninang papasok siya, siguradong nakalimutan na niya ang mukha ko o kaya naman hindi na siya interesado dahil nakuha na niya ang gusto niya. Nakakainis! Of all coffee shop na pwede niyang puntahan, dito pa talaga malapit sa University. What a coincidence!
Sumilip ako ng kaunti sa nakaharang na menu sa mukha ko. Sinigurado kong hindi niya ako makikita. Paalis na ang lalaki ng lumingon ito sa pwesto namin. My eyes went wide nang kumaway ito sa amin at ngumiti siya kay Sheena. Crap! Ganito ba siya palagi sa mga babae? Such a dork womanizer!
BINABASA MO ANG
Secret Temptations
RomanceOne night stand. Akala ni Tatiana Vega ay doon lang niya una at huling beses na makikita ang lalaking nakilala niya sa bar. But fate is playing her life. Sa pambihirang pagkakataon, makikita niya ulit ito with the biggest twist. It was a one drunken...