Chapter 1

1.4K 23 2
                                    

BHUTAN, 2012

"Hey! Kamusta? Kamusta? Ayos ba tayo jan?"

Kathryn heard that familiar voice while she was outside her tent. Nakaupo lang siya doon habang nagbabasa ng script. Mas gusto kasi niya sa labas kesa sa loob ng tent dahil wala naman siyang kasama doon. Isa pa, mas gusto nyang may natatanaw na kakaiba. It was not everyday that she was in Bhutan anyway. Second time na niya doon, katulad noong una, because of Princess and I, ang seryeng shinu-shoot nila. The place was peaceful, beautiful and...

Ayaw na niyang ituloy ang iniisip. Naalala niya ang boyfriend na nasa Pilipinas. Ite-text nya pala ito na magsisimula na ang shooting in a while.

Kinuha niya ang iPhone at nagtype.

To: DeeeeeJ

"Heyyyaaa!" Laking gulat ni Kath nang biglang may nagsalita at humawak sa balikat nya. Ang maingay na bagong dating.

"Enrique, ano ba?! Lagi ka na lang nanggugulat!" Inis na baling niya dito. Naihampas pa nya ang hawak na mga papel.

"Aw, sorry! Sorry na!" But he did not look sorry. Tumatawa pa ito.

"Ba't ka ba kasi biglang sumusulpot?!"

"Wala lang. Hehe." Pa-cute pa ang tawa nito. "Lagi ka na nga ginugulat, nagugulat ka pa rin?"

Tinaasan nya ng kilay si Quen. "Tigilan mo nga ako. Ang taas-taas na naman ng energy mo ha. Wag ako ang pag trip-an mo."

Naupo ito ng pabaliktad sa isang folding chair, nakaharap sa sandalan at nag tap-tap doon. "Buti nga ako may energy, eh ikaw? Ang aga-aga tulala ka jan sa bangin?"

Nasa mataas na bahagi kasi sila ng Bhutan, paakyat na ng bundok, dahil doon kukunan ang mga sunod na eksena nila.

"Hindi ako tulala. Nagmememorize ako ng script." Tanggi nya.

Nag weh-di-nga-whatever look si Quen. "Nami-miss mo na si Dj noh? Wushuuu..." Dagdag pa nito.

Naalala ni Kath na hindi nya na ito nai-text dahil biglang dumating si Quen. Maya-maya na lang sya magtetext dito. "Hoy, tigilan mo ko. Magmemorize ka ng script mo, ayokong maka 20 takes mamaya."

"Excuse me? Ako?" Tinuro pa nito ang sarili, OA na reaksyon. "Kailan naman ako naka 20 takes?"

"Ewan ko sayo," tinalikuran na nya ang binata at naglakad palayo dito. "Maghanap ka ng ibang guguluhin."

"Okay!" Nakangiting sagot nito.

She subconsciously smiled on the way inside the tent.

Pasaway na bata.

----------

Tapos nang ma-make up-an si Kath nang mag ring ang cellphone nya.

DeeeeeJ calling...

She took the call at nahulaan nya na ang sasabihin nito.

"Dj, hello," she answered.

"Bakit di ka pa nagtetext? Busy ka jan?" He sounded flat. Naiinis na malamang ito; ganun naman pag hindi sya maka-text o maka-reply agad.

She sighed. "Sorry, katatapos ko lang maayusan. Itetext na dapat kita, nauna ka lang."

"Magsisimula na kayo?"

She checked the set around her. "Oo, I think in few minutes."

"Anong scenes nyo?" Usisa pa nito.

"Namin ni Enrique?"

"Basta, anong mga ishu-shoot nyo ngayon?"

Here we go again... "Yung Yangdon tour scenes," nakita nyang dumaan sa harap nya si Quen. Tapos na din ito mag ayos. "...namin ni Jao."

"Madami pa kayong pupuntahan?"

"Hindi ko sure..." Nasundan nya ng tingin si Quen, kinakausap na ito ng direktor.

"Ok. Sige. Magtext ka mamaya pagkatapos ha."

She walked towards their director and his leading man. "Sige."

"I love you." Dj said from the other line.

She saw Quen smiled from afar... Natigil siya sa paglapit sa mga ito. Pero hindi nya maalis ang tingin sa binata. Para nanaman syang na-engkanto sa ngiti nito. "I-i love you, too." Sagot nya sa kausap.

Then the line got cut already. Tsaka lang siya bumalik sa realidad.

----------

This is just the beginning... ang kwentong ito ay maraming twists and revelations...

Know more in Chapter 2.

=)

Now I Know Where My Heart Is (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon