Chapter 11

795 17 6
                                    

HINDI nanaman makatulog si Kath kaya naisip nyang tawagan si Miles.

On the phone...

Miles: O Kath, bakit? Gabing-gabi na ah. 

Kath: Hindi ako makatulog eh. 

Miles: Bakit nga? 

Kath: Naiinis kasi ako. 

Miles: Saan? 

Kath: Kay Quen. 

Miles: Si Quen nanaman? Bakit nanaman? 

Kath: Bakit ba sya ganun? Bakit parang walang pakielam? 

Miles: (sighed) Girl, sorry ha, pero ipo-point out ko lang... Ginusto mo yan di ba? Gusto mo tantanan ka na nya. So anong problema ngayon?

Hindi sya nakasagot.

Miles: Sorry talaga, pero paulit-ulit na lang kasi 'tong pinagdadaanan mo. Kung ayaw mo na talaga, kalimutan mo na sya. Mukha namang naka move on na sya sayo eh.

Hindi pa rin sya makapagsalita. 

Tama ito. Mukhang naka move on na nga si Quen; sya na lang ang hindi.

Miles: Tsaka mag focus ka na lang sa projects mo at kay Dj. Yun naman dapat eh. Hindi si Quen. 

Kath: Sorry... 

Miles: Kath naman, okay lang sa kin. Alam mo naman, ready ako makinig sayo anytime. I'm just here. Pero... 

Kath: I know. Naiintindihan ko naman. (sighed) Sige na, see you na lang sa shoot tomorrow. 

Miles: Sure ka? Okay ka lang ba? 

Kath: Oo, okay lang ako. Sige, good night. 

Miles: Sige. Good night din. Maaga pa ang calltime natin bukas.

And she ended the call.

Before Kath went to sleep, she has decided. She really should stop caring about Quen already.

----------

SECOND day of Close Up shoot. They were in Antipolo again. That time, naunang pumunta sa location si Kath; hindi na sila magkasabay dumating ni Dj dahil may endorsement contract signing pa ito.

Pagdating nya sa bahay kung saan sila designated mag stay, nandoon na si Quen. At ito pa lang din mag isa.

Naglakad sya palapit sa upuan na pinaka malayo dito. She ignored him when he looked at her.

"Hi Kath," ito naman ang bumati.

"H-hi," she greeted back pero hindi sya nagsmile.

Mukha namang wala itong feelings sa pagiging cold nya. Nagsuot ito ng Beats at tinuloy ang pagbrowse sa iPad.

Pinagmasdan nya ang binata habang mukhang engrossed sa tinitingnan nito sa gadget.

"Hello! Good morning!" Hyper na sabi ni Colleen as soon as she stepped in sa house.

"Heeey," balik-bati ni Quen, tinanggal na ang headset at pinatay pa ang iPad.

Kasunod ni Colleen sina Miles at Marco.

"Hello!" Sabay na sabi ng mga ito sa kanila.

Now I Know Where My Heart Is (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon