Chapter 5

861 17 4
                                    

"DUDE, tingnan mo 'tong mga 'to," lumapit si Dj kay Quen at ipinakita ang iPad. Nandoon ang iba't ibang klase ng luxury cars na madalas nilang napapagkwentuhan.

Tiningnan naman ni Quen ang hawak nitong gadget. naupo sila sa mga naka set-up na monobloc chairs.

"Ayos yan ah," nag browse-browse pa siya sa website na tinitingnan nila.

"Di ba sabi mo bibili ka ng kotse? Baka may makita ka na jan na magugustuhan mo," sabi ni Dj.

Binalik nya ang iPad dito. "Kaso may gusto na ko bro, yun na yung pinag iipunan ko."

"Ganun? Ayaw mo nang tumingin ng iba? Malay mo magbago pa preference mo," Dj added.

Napatingin si Quen sa on-going na shoot. Eksena kasi ni Kath kaya naka break pa sila ni Dj. Hindi nya alam kung bakit iba ang pumasok sa isip nya sa huling statement ng kausap. He smiled bitterly.

"Hindi naman ako ganun kadali magbago ng gusto. Gusto ko na eh, ang hirap nang palitan," he said, double-meaning.

Nagkibit-balikat na lang si Dj. "Okay." At tinuloy nito ang pagbrowse sa pictures ng mga magagandang sasakyan.

Natahimik naman si Quen sa isang tabi. Kinuha nya na lang ang script at minabuting magmemorize na lang sa loob ng tent.

----------

"QUEN, pahiram naman ng charger ng Mac," dere-derechong pumasok sa kwarto nya ang kapatid na si Javy pagkadating niya galing shooting. "Di ko alam kung saan ko nalagay yung sa kin eh."

Nakahiga siya sa kama at pagod na pagod. Pero hindi sya inaantok, nakatulala lang sya sa ceiling.

"Tingnan mo na lang jan sa drawer," sagot nya na hindi tumitingin dito.

Nagsimula naman itong maghanap ng charger. "Eto. Thanks!" Lalabas na sana ito ng kwarto nang mapansin siya.

"Huy, ba't tulala ka jan?"

"Wala," maikling sagot nya, trying to dismiss him.

Pero bumalik ito sa loob ng kwarto at naupo sa inflatable chair malapit sa kama nya. "Ano nga? Para kang bangag jan."

Bumangon siya sa kama, pero nakatuon pa rin ang dalawang kamay sa likod. Nag iisip sya kung sasabihin ba ang problema dito. Until he realized that his elder brother would not go out until he speaks up.

"Ang babaw ko ba kung sasabihin kong isang babae ang problema ko?" Quen started.

"Hindi naman. Mejo lang. Pero sino ba?" mejo seryosong sagot nito.

He sighed. "Si ano kasi... si Kathryn."

Parang hindi naman nagulat ito. "Sabi ko na eh. Si Kath nga. Anong problema exactly?"

"Iniiwasan nya ko." He told him, straightforward.

It had been a week mula nang confrontation nila ni Kath sa eroplano pabalik ng Pilipinas. Isang linggo na rin mula nung aksidenteng pagkikita nila nina Miles at Kath sa mall na hindi din maganda ang kinalabasan. And it was all his fault - he let out a not-so-funny joke. Pero huli na nung marealize nyang mali siya. He wanted to act normal, yes, but it was too soon...

Since then, hindi na siya pinansin ni Kath sa set. Nag uusap lang sila pag kailangan, pag take na nila sa eksena. Other than that, wala na. Kung mula noong naging si ito at Dj ay nagkaroon na sila ng gap, mas lalong malaki na ang gap sa pagitan nila ni Kath. Wala nang tweets, wala nang texts, wala nang tawag, at higit sa lahat, wala nang gimik na magkasama sila. Ni ayaw na nitong tumabi sa kanya o mapalapit na less than 1 meter.

"Eh ano bang ginawa mo?" usisa nito.

Kinuwento nya ang nangyari sa Bhutan.

Pagkatapos ay nag comment na ito. "Di ba boyfriend na nun si Dj?"

"Yeah."

"Iiwasan ka nga nun. May boyfriend na pala eh."

"Pero sinabi ko naman sa kanya na wala akong balak gawin. Nagpapaka normal na nga ako, kasi ayokong magkagulo kami sa set. Wala naman akong balak na agawin sya kay Dj," paliwanag nya.

"Kahit na. Malay mo, naiilang sayo. Teka, baka may gusto din sayo si Kath?" kunot ang noo na hula ni Javy.

Nahiga ulit si Quen sa kama. "Ewan. Naguguluhan na ko." Nauklay nya ng kamay ang buhok.

Tumayo na si Javy at naglakad palabas ng kwarto. "Ay nako bro, ayusin mo yan. Baka lumaki pa yang issue, kawawa ka jan. Ikaw ang lalabas na masama kasi ginugulo mo sila." Hindi na nito hinintay na sumagot sya.

He sighed ang closed his eyes.

----------

BIRTHDAY ng isa sa crew ng P&I kaya naimbitahan ang lahat ng cast sa isang dinner. Mag isa lang dumating si Quen sa venue. Few minutes later, nakita nyang sabay naman na dumating sina Kath at Dj. Umiwas na lang sya ng tingin sa mga ito, lalo na nang nakita nyang nakaakbay pa si Dj sa babaeng mahal nya.

Nang magsimula ang kainan ay katabi nya sa table sina Khalil, habang na sa kabilang group naman sina Kath, kasama sina Bianca.

He was having fun talking with the people and joking around. Syempre, dahil may upbeat na sounds ay hindi nawala ang sayawan.

"Go Quen! Dance steps naman jan!" katyaw ng mga tao sa kanya.

"Hala, grabe, grabe, ako agad?" turo nya sa sarili.

"Sige na, Quen! Go!" pangungulit pa nina Bianca at Sofia.

Dahil nagkapilitan na, sabay sabay naman silang sumayaw nina Ketchup at Khalil. Nag gather naman ang mga tao sa paligid nila. Tuwang-tuwa na sana sya at nakalimutan nya saglit ang conflict nila ni Kath... kung hindi lang sya napasulyap sa direction nito. Umirap ito sa kanya at parang bored na bored nang panoorin ang mga kalokohan nila.

He did not know what got into him again. Nilapitan nya si Kath at kinuha ang kamay nito. "Tara, Kath, sayaw tayo!"

She was surprised at binawi agad nito ang kamay. "Ayoko!" bahagyang taas ng boses nito.

Napatingin kay Kath ang ilang malalapit dito, kasama na ang boyfriend nito.

"Galit ka?" tanong ni Dj, natatawa.

"H-hindi," sagot nito sabay tigin kay Quen. "Sorry, nagulat lang ako," labas sa ilong ang apology nito.

"Okay lang, ano ba," sagot naman nya and he gave her his sweetest smile. It was too awkward pero kailangan niyang panindigan ito. Siya si Quen na pasaway at makulit - he had to act like one all the time.

But deep inside, he was already breaking down.

----------

HUHU. Kawawa naman si Quenito... kailangan nya MAGPANGGAP all the time. =(

Hanggang kailan ba sila magkaka-ganito ni Kath? May chance pa ba silang magkaayos? Sinong gagawa ng way?

Vote and comment po kung anong masasabi nyo. Will try to make the updates more regular, lalo na pag natapos na ang "You Were Just a Dream (Jao-Areeya)".

Thanks!!!

Now I Know Where My Heart Is (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon