Chapter 3

956 20 7
                                    

"I'M sorry... Mahal na yata kita..."

Paulit-ulit na naririnig ni Kath ang mga salitang yon sa utak nya, na lalong hindi nagpatulog sa kanya.

Bakit mo sinabi yan? Bakit ngayon pa, Quen?

Naramdaman niya ang pagtulo ng luha nya at pagpatak nito sa unan. Parang may kamay na pumipiga sa puso nya. Naninikip ang dibdib nya.

Ang tagal kong naghintay!

Parang video na nag-play sa utak niya ang mga nangyari sa nakaraan.

Ang unang shooting day ng Way Back Home, the first time they talked long... 

Ang movie promotions nila, kung san lagi silang magkasama sa iba't ibang lugar... 

Ang mga production numbers sa ASAP, na tuwing kumakanta sila ay parang siya lang ang nakikita nito... 

Ang Star Magic Ball, kung saan ang mommy nya pa ang pumili na maging escort nya ito at buong gabi siya nitong itinuring na parang prinsesa...

Ang mga interviews nila na magkasama, at sabay nilang sinasagot lahat ng intriga tungkol sa kanila, syempre hindi nawawala ang asaran...

Alam ni Kath sa sarili nya na nandoon pa rin ang damdamin nya. The feelings she felt during those times when she hoped everything will fall into right places.

Sabi mo, sa akin ka pinaka komportable... Sabi mo, special ako sayo... Sabi mo, masaya akong kasama... Sabi mo, iba yung level ng friendship natin... Sabi mo...

But as if it was just yesterday, bumalik sa alaala ni Kath kung paano paulit-ulit din na sinabi ni Quen na importante dito na unahin ang pamilya at trabaho nito. At kung paano paulit-ulit na sinabi sa kanya ng mga taong malapit sa kanila na parang batang kapatid lang sya ni Quen.

Wala kang sinabi na mahal mo ko... Na posibleng maging tayo... Naghintay ako...

Lalong bumuhos ang luha nya and she needed to cover her face. Her sobs made sound already, at lalong bumibigat ang loob nya sa isiping ano ang patutunguhan ng lahat pagkatapos ng pag amin nito.

Bakit ngayon lang, Quen? Bakit ngayon lang kung kailan hindi na pwede? 

----------

"Dear, bakit ganyan yung mata mo?" tanong ni Anna, ang manager ni Quen, kay Kath. Sabay silang kumakain sa restaurant ng hotel bago ang flight nila ng araw na iyon.

"N-napuyat lang ako, ate," Nagtagal na siya sa pagligo at pag aayos para takpan ang namumugto nyang mga mata pero halata pa rin pala iyon.

"May problema ba? Okay ka lang?" naging malapit na din kasi ito sa kanya, at naiintindihan nya ang pag aalala nito.

Tumango siya at pilit na ngumiti.

Dumating ang direktor nila para sumabay sa breakfast. "Nasaan si Enrique?"

Muntik nang mabitawan ni Kath ang tinidor nang marinig ang pangalan na iyon. But she tried to act normally.

"Nag aayos pa ng gamit nya, direk." Sagot ng manager ni Quen.

"Hindi na sya makaka almusal? Aalis na tayo maya-maya," usisa nito.

"Sa airport na lang daw po sya," sagot nito, unaware na siya ay lalong hindi na makakain ng maayos.

Naintindihan naman ng direktor. "Okay."

Alam ni Kath na simula na iyon ng mas mahirap na pagdadaanan niya sa mga susunod na lingo at buwan. Iniisip nya pa lang na halos araw-araw niyang makikita si Quen sa shoot pero kailangan nilang magpanggap na parang walang nangyari, napapagod na siya. Add to that, makakasama na nila ulit si Dj pagbalik sa Pilipinas.

Kasalanan ko 'to...

----------

Dumating na ang service na van ng PAI staff and crew at naglagay na sila ng mga gamit. Pagkatapos ay nauna nang pumasok sa loob si Kath. Dahil sa unahan naupo si Anna, bakante ang upuan katabi ni Kath at iyon ang inabutan ni Quen nang pumasok ito sa sasakyan.

Tahimik lang sai Kath na nakaupo habang nakatanaw sa labas ng bintana. Si Quen naman ay walang salita din na naupo sa tabi nya. Awkward silence.

Nakikita ni Kath sa peripheral view nya na panay pa rin ang lingon ni Quen sa kanya. Pero hindi naman ito nag-try na makipag usap.

Ganoon sila hanggang sa makarating sa airport.

Sa airplane, sila ang magkatabi sa seat. Doon hindi nakaiwas si Kath nang kausapin siya ni Quen.

"Kath, mag usap naman tayo o," his voice sounded sad.

Tiningnan nya ang mukha nito, ang mga mata nito ay parang wala ding tulog. "A-ano bang pag uusapan natin?" mahina din ang boses nya. Ayaw nyang may makarinig at makahalata sa kanila, at baka makarating pa iyon sa iba.

"Yung sinabi ko kagabi," he paused for a while. "Seryoso ako dun."

She sighed. "Hindi natin dapat pag usapan yon. M-may boyfriend na ko..."

"Alam ko. Kaya nga ako nag aapologize. Hindi ko naman ipipilit kasi hindi nga pwede."

Wala siyang maisagot dito.

Nagpatuloy si Quen. "Gusto ko lang naman sana na... kung hindi man tayo maging kasing close ulit ng dati, pwede bang maging magkaibigan pa rin tayo?"

Tumango lang si Kath dito.

"Pwede bang... hindi ka mailang sa kin?"

Tumango ulit siya. Kahit alam nyang mahirap iyon para sa kanya. Nagyuko na sya ng ulo pagkatapos.

Quen smiled a bit. "Thank you."

Ilang sandali na wala nanamang nagsalita sa kanila. And Kath was surprised nang hawakan ni Quen ang isang kamay nya. Mahigpit.

"Kahit ngayon lang, Kath." he looked at her intently.

"Q-quen..." nagsimulang mangilid ang luha niya. She saw his saddest smile. Halatang pilit na pilit.

"Pagbalik sa Pilipinas, magiging kaibigan mo na lang ulit ako. Barkada. Wala ka nang maririnig sa kin na kahit ano tungkol sa sinabi ko kagabi."

A tear fell on her cheeks.

Tinuloy ni Quen ang sinasabi. "Pagbaba natin sa plane na to, I promise, kakalimutan ko na kung ano mang nararamdaman ko para sayo."

Then he kissed her hand, pagkatapos ay binitawan na ito. Inalis na din ni Quen ang tingin sa kanya. He set his eyes to the window at hindi na nagsalita.

Tahimik na pumatak ang mga luha ni Kath. Pinilit nyang pigilin ang pag iyak pero parang may sariling buhay ang mga luha niya na tuluy-tuloy pa rin. Hindi na din niya nilingon pa si Quen.

Dala ng pagod at puyat, nakatulog na din siya sa mahabang byahe.

----------

='(

Yan na lang ang author's note ko.

Sana medyo nalinawan ng chapter na 'to ang mga naguguluhan sa first 2 chapters.

VOTE, COMMENT, kayo na bahala. Thank you sa pag-read!!!

Now I Know Where My Heart Is (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon