Chapter 22

675 18 5
                                    

"JAVY, may gimik ka?" pahabol na tanong ni Quen sa kapatid bago ito makalabas ng pinto. Rest day nya dahil ibang scenes sa teleserye ang kukuhanan sa araw na iyon. Nakatambay lang sya sa bahay nang nakita nya si Javy na nakabihis at mukhang aalis.

"Sa house lang ni Symon. Sama ka?" huminto ito at nilingon sya.

"Anong gagawin nyo?"

"Drinking session, malamang. Tapos na exams eh."

Nag isip sya saglit bago tumayo at naglakad papunta sa kwarto nya. "Sige. Change lang ako ng shirt."

"Okay. Hintayin kita sa car."

 ----------

"UY bro, okay ka lang?" tinapik sya sa balikat ni Javy habang umiinom sa bottle ng vodka. Ang mga kaibigan nito ay nakamasid din lang sa kanya.

"Okay lang ako, ano ba," he said then drank one more time.

Nagkatinginan sina Javy at Symon, ang bestfriend ng kapatid nya, at ito naman ang nag usisa. "May problema ka ba?"

Hindi nagsalita si Quen. Sa tanong sa kanya ay sabay-sabay bumalik sa isip nya ang mga huling panahon na nakausap nya si Kath.

"Sorry Quen..."

"Sorry..."

What exactly did she mean by 'sorry'?

Napayuko sya sa halu-halong lungkot, inis at panghihinayang sa sitwasyon nila.

Why does it have to be this difficult? Akala ko okay na tayo. Why do you do this to me?

Nahalata naman ng mga kasama na wala syang balak magsalita. He also understood kung bakit ganoon na lang ang pagtataka ng mga ito. Hindi sya madalas uminom at hindi sya malakas uminom. Pero ayun at pang apat na bote nya na ng vodka. Hindi nya mapigilan ang sarili, gusto nyang uminom at baka sakali ay makalimot. But it seemed that all ways were not working. Bumabalik sa isip nya si Kath... or maybe, hindi naman talaga ito nawawala doon kahit anong mangyari.

Si Javy na may idea sa pinagdadaanan nya, bilang kapamilya nya ito, ay mukhang naa-alarm na din.

"Hey, wag na nga natin 'tong i-stress," sabi na lang ni Javy. "Mukhang ayaw talaga mag-share. Tara, tara, cheers na lang."

"Cheers!" pinagbungguan nila ang mga bote at sabay-sabay na nag bottom's up.

----------

PAG-UWI nila ni Javy sa bahay ay dumerecho na si Quen sa kwarto. Dapat ay kina Symon mag i-sleep over ang kapatid pero dahil nagpilit sya umuwi ay napilitan itong ihatid sya for his safety.

Nahiga sya sa kama at pumikit... pakiramdam nya ay lasing na sya pero malinaw pa rin sa utak nya ang mga naaalala.

"Tita, maglalakad-lakad muna kami ni Kath. Dyan lang kami, promise, hindi kami lalayo," paalam nya sa mommy ni Kath.

"O sige, mag iingat kayo ha. Wag kayo masyado magpa-gabi," habilin naman nito.

"Okay po!" sabay na sagot nila ni Kath na malalaki ang ngiti.

"Bye, ate Ana!" paalam nya pa sa manager. Kumaway din dito si Kath.

They started to walk along the streets of the rural district.

"Grabe, ang tahimik dito noh? Parang tulog na agad lahat ng tao eh 6PM pa lang," pansin ni Kath habang lumilingon-lingon sa paligid.

Now I Know Where My Heart Is (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon