BENTE SAIS

205 7 0
                                    


Tricia's POV

"Ang creepy naman nu'n ate," Jill said nang ikinwento ko sa kanya ang nangyari sa park.




"Good thing you had your friend na kasama mo that time, what's his name again?" Si Mama.




"Tristan, Ma," blurted Jill.

Kasama namin si Mama ngayon, paalis na rin siya dahil marami daw siyang ka meeting sa foundation. Nagpaiwan na lang si Jill dahil paniguradong mabo bore lang siya dun.






"Trish, anak, dadalhin ko 'yung kotse, si ate mo na lang bahala sa'yo later maghatid sa duty mo?" Mama said while fixing her ponytail.





"Yes, Ma, go ahead, I can manage na po."




"Rocco, baby, come to lola," tawag ni Mama kay Rocco.

Mabilis naman itong tumalon sa couch at lumapit kay Mama. Pagkatapos ay nahiga ito sa paanan ni Mama exposing his belly.






"Ay naku, naglambing ang bata," kinamutan ito ni Mama sa tiyan kaya lalo niyang ginandahan ang pagkakabukaka.

Natawa naman kami sa gesture niya.


"O, enough na anak, aalis na si Lola," I said at kinuha siya sa sahig para kargahin.




"Trish, be extra careful, ok? Medyo nag worry ako dun sa kwento mo tungkol sa anak ni Senator Hontiveros," Mama worriedly said.




"Don't worry, Ma. I'll be extra careful. Ingat ka rin po," I kissed Mama sa cheeks.






"I want to meet that guy, Tristan, he seems like a fine man," pahabol pa ni Mama.







"S-sige Ma, I'll try to find time po, " I said para hindi na siya mangulit.






Tumayo na rin si Jill at humalik kay Mama.






"Are you sure you'll be okay here, Jill?"






"Yes Mama, pagkaalis ni Ate Tricia mamaya for sure nandito naman na sila Ate Aiks," she assured.




"Okay, basta mag-ingat ha? Call me anytime," Mama said as she turned the doorknob para lumabas.


"Opo!" Halos sabay pa kaming nagsalita ni Jill.

Nang makaalis si Mama, bumalik kami ng upo sa couch. Itinuloy ni Jill ang panunuod ng k-drama habang ako naman ay tinapos ang article na isa submit ko for The Lancet. Tumabi naman ng upo sa akin si Rocco.

Maya maya ay nagchat si Ate sa akin.

Ate Aika (A) : What time ka papasok today, sis?

Me (M): later 3pm, why?

(A): Oh, shoot! Mama said na dapat ihahatid kita sa work, but baka late na ako makauwi. May dadaanan pa kami ni James.

(M): It's ok, Ate. Magga-grab na lang ako.

(A): No, delikado. Nakwento ni Mama sa akin ang nangyari sa inyo sa park. Wait lang, I'll get back to you.

Hinintay ko ang text ni Ate. For sure gagawa na naman ito ng paraan.

After a few minutes, she texted.

(A): Okay na, Sis. Someone's driving you to work.

(M): Ha? Sino?

(A): Just be ready. Susunduin ka niya sa usual time ng alis mo, okay. Don't worry, nakamonitor kami ni James.

(M): Uh, ok. Sabi mo eh. Ingat kayo ni James, Ate. Salamat.

Paw Prints To ForeverWhere stories live. Discover now